JERRY OLEA
Ispageting pataas nang pataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa unang araw ng 2022, ang naitalang mga bagong kaso ay 3,617, kaya umabot na sa 2,847,486 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus sa bansa.
Saktong sumabay sa surge ang isyu kay Poblacion Girl, na binansagang "Mothership of Omicron" at "Miss Omicron Philippines 2021" ni Direk Jose Javier Reyes sa open letter nito kahapon rin, January 1.
Sa pag-uumpisa ng Adult Edition ng PBB Kumunity Season 10, ginawan ng meme ang infamous Poblacion Girl na si Gwyneth Anne Chua.
Sakaling papasok (magku-quarantine?) siya sa Bahay ni Kuya, ang taguri sa kanya ay “Ang Omicron Variant ng Makati.”
Samantala, nag-aalala ang Spider-Man fans kung may domino effect sa January 8 showing ng Spider-Man: No Way Home ang sinasabing exponential delivery ni Poblacion Girl ng Omicron variant.
Nito ring Enero 1 nagsimulang ipalabas sa Cignal Play ang seryeng My Delivery Gurl. Wala po itong kinalaman kay Poblacion Girl.
Sa Baguio City po ang setting ng My Delivery Gurl, hindi sa Brgy. Poblacion ng Makati City.
At any rate, ang nakalulungkot pang balitang nasagap ng PEP Troika ay nahawaan ng COVID-19 ang dalawang kilalang artista at ang kani-kanilang pamilya.
NOEL FERRER
Iyong isang actress ay dapat may family gathering daw ang kanilang artistahin na clan, pero hindi na raw itinuloy dahil sa pag-positive nito sa RT-PCR test.
Ikalawang beses na ito ng aktres na magka-COVID-19.
Ang isa naman ay sinasabing nag-positive kamakailan at sana’y hindi kumalat sa buong household.
Mabuti na lang at ang napapabalitang boyfriend ng aktres na ito ay hindi naman daw nag-positive at walang symptoms.
Sana’y manatili na lang ganun in the next five days hanggang mag-swab sila ulit.
Ano ang sinasabi nito? Ibayong pag-iingat ang kailangan dahil nasa pandemya pa rin tayo at talagang tumataas na naman ang bilang ng new cases.
I wonder kung ano ang impact nito sa araw-araw nating pamumuhay after mag-relax ng protocols this Christmas at balik paghihigpit na naman simula bukas. Ingat talaga tayong lahat!!!
GORGY RULA
Itong unang aktres na nabanggit ay may bagong TV series na malapit nang magsimula. Curious ako kung magiging visible siya sa promo nito kahit online lang.
Pero may mga nakabinbin silang trabaho pagkatapos ng holiday season, kaya tiyak na apektado ang mga ito.
Oh my Florona! Eto na naman daw ang panibagong virus na pinag-aaralan ngayon. Isa ito sa nakakawindang na salubong sa atin ng 2022.
Tama nga ang sinasabi ng iba na mananatili pa rin itong COVID-19 at kinasasanayan na natin ito.
Nakakapag-adjust naman tayo, pero ang hiling lang ng taga-movie industry, huwag na sanang isara muli ang mga sinehan.
Simula bukas ay nasa alert level 3 na ang NCR, at 30% na lang ang allowed na capacity.
Lalong lumiliit ang chance na makakabawi ang mga producers na may MMFF entry. Pero sabi nga nila, tuloy pa rin ang laban. Pasasaan ba at makakaahon din ang ating industriya.
Basta patuloy lang sana sa paggawa ng matitinong pelikula.
JERRY OLEA
Mananatiling operational ang mga sinehan sa NCR sa kalagitnaan ng Alert Level 3.
Iyan ang pahayag ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, na natanggap ng PEP Troika nitong Enero 2, Linggo ng 11:39 a.m.
Ang statement ay pirmado ni MTRCB Executive Director II and Spokesperson Benjo Benaldo.
Aniya, “Cinemas/Movie theaters in the National Capital Region (NCR) will remain operational amidst the change in the Alert Level Status from level 2 to 3, following the increase in COVID-19 cases.
“Pursuant to the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) Resolution No. 155, the NCR is placed on Alert Level 3 from 03 January 2022 until 15 January 2022.
“Under Alert Level 3, Cinemas/Movie theaters shall be allowed to operate at the maximum allowed capacities listed below, provided that all on-site employees/workers of the establishment are fully vaccinated against COVID-19: Indoor Cinemas: 30% capacity for fully vaccinated individuals; Outdoor Cinemas: 50% capacity
“We appeal to the viewing public to be a Responsableng Manonood by observing minimum public health standards, likewise, we encourage all to get vaccinated against the COVID-19 through your Local Government Units.
“Together, we shall make 2022 a healthier, safer, and prosperous year for everyone.”