PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Yllana accuses Jomari, Abby of stealing his campaign funds

Anjo Yllana, nag-iisip na sampahan ng kaso sina Jomari at Abby.
by PEP Troika
Published Jan 3, 2022
anjo yllana jomari yllana money issue
Anjo Yllana: "I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who misled me and stole my campaign funds."
PHOTO/S: YouTube / Arniel Serato

GORGY RULA

Ang magkasintahang Jomari Yllana at Abby Viduya ang tinutukoy ni Anjo Yllana na "katiwala" na nagbulsa umano ng campaign funds na gagamitin dapat sa kandidatura niya sa 4th district ng Camarines Sur.

Si Jomari ay nakababatang kapatid ni Anjo at tumatakbo muling konsehal sa first district ng Parañaque City.

Nang nakapanayam namin si Anjo sa DZRH noong Huwebes, December 30, 2021 ayaw pa niyang sabihin kung sino ang "magsyotang" nagnakaw ng ilang bahagi ng pera na dapat ay gagamitin niya sa pag-iikot sa tatakbuhang distrito.

Ito raw ang pangunahing dahilan kaya iniatras ni Anjo ang kanyang kandidatura.

Noong January 1, 2022 ay binanggit na ni Anjo sa kanyang Facebook post ang kapatid niyang si Jomari at ang kasintahan nitong si Abby na nagnakaw diumano ng perang bigay ng kanyang "sponsor" na gagamitin sa kanyang pangangampanya.

Ang litratong ginamit ni Anjo sa FB post niyang iyon ay kuha pa noong January 1, 2021 kung saan ay kasama pa niya sina Jomari at Abby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

yllana family new year 2021

Sinimulan ni Anjo ang kanyang post sa isyu ng dating partner ni Jomari at pati sa dating asawa ni Abby.

Bahagi ng mahaba niyang FB post: “I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who misled me and stole my campaign funds.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ayoko na sana but the way he treats his children bothers me, the way the girl left her husband. I am sure cases from both the mother of their kids and the husband will also be filed.”

Nang nakausap ko uli sa telepono si Anjo, tinanong ko kung nagkausap na ba silang magkapatid. Wala raw siyang balak na kausapin si Jomari dahil itinatanggi raw nito ang akusasyon niya.

Lalong lumala ang isyu dahil pati ang kanilang ina at mga kapatid ay naniwala raw sa mga kuwento ni Jomari. Kaya sa kanyang FB post, hinamon ni Anjo na magpa-lie detector test sila sa Camp Crame.

Ani Anjo: “Kung ayaw nila ng court proceedings, simple lang kaming tatlo ni Jomari at Abby schedule a lie detector test sa Camp Crame, just to prove to my mom I am telling the truth.

“Siguro naman, kung di sila guilty, papayag sila sa hamon ko na eto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I am also doing this for my children who are hurting because I am a forgiving person but Andee Yllana said go for it because maybe she was there when I was going around the 4th district of CamSur, and saw from morning to the late afternoon, kahit may hika ako sinipagan ko.”

Mahaba pa ang post ni Anjo kung saan inilahad niya ang nangyari sa pera nung nag-iikot pa siya sa District 4 ng CamSur.

Pati ang sinasabing "filing bonus" na ipinangako raw sa kanya ay binanggit din ni Anjo, pero hindi na raw niya hinahabol yun dahil umatras na nga siya.

Ang concern daw ni Anjo ay ang kanyang ina na mas pinapaniwalaan daw ang mga kuwento ni Jomari. Kaya mas mabuting magpa-lie detector test daw silang tatlo para malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.

Kinabukasan ay na-delete na ang post na ito yun sa Facebook account ni Anjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post siya ng mensaheng ito: “Tired of ranting here. I’ll just see you when I see you.”

Muli kong tiningnan ang Facebook account ni Anjo, pero tinanggal din nito ang ang huli niyang post.

Nagpadala ako ng text message kay Jomari para hingan ng pahayag kaugnay sa akusasyon ng kanyang kapatid, pero hindi siya sumasagot.

Nag-message din ako jay Abby sa Messenger niya, pero wala rin siyang ibinigay na statement kaugnay sa isyung ito.

NOEL FERRER

Ang lungkot naman na awayang pamilya ang bumungad sa mga Yllana ngayong bagong taon.

At sa pera pa talaga magkakasira ang magkapatid na Jomari at Anjo, na pinagkakatiwalaan na bilang mga lingkod bayan. At sana, ang nanay na lang nila ang magsilbing tagapamagitan at hindi ang publiko, lalo pa’t na-social media pa ito.

Sana maayos din nila ito kinalaunan.

Tatandaan, higit sa pera, higit sa politika — PAMILYA!

JERRY OLEA

Natuwa tayo sa balitang nagkasama ang magkapatid na Marjorie at Claudine Barretto sa New Year’s Eve dinner ng Pamilya Barretto. Hudyat ba ito ng pagkakaayos nila sa pagsalubong sa bagong taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nakakapanlumo ang pasabog ni Anjo sa unang araw ng 2022 na meron silang hidwaan ng nakababatang kapatid na si Jomari. Nawa’y magkalinawan ang magkabilang panig sa usaping ito.

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana: "I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who misled me and stole my campaign funds."
PHOTO/S: YouTube / Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results