PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz sends kids to Batangas

Angelika on COVID-19 pandemic: "Para kang pinaglalaruan, di ba?"
by PEP Troika
Published Jan 5, 2022
Angelika dela Cruz
Nag-leave of absence ang Kapuso actress na si Angelika dela Cruz nang mag-lock-in taping siya para sa bagong GMA-7 series na Little Princess. Pero balik-kayod si Angelika sa nasasakupan sa Barangay Longos sa Malabon, habang ang mga anak (right) ay pansamantalang di niya muna kapiling.
PHOTO/S: Little Princess / @angelikadelacruz Instagram

GORGY RULA

Malaki ang sakripisyo ngayon ng Kapuso actress na si Angelika dela Cruz dahil sa mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases.

Bilang barangay captain ng Longos, Malabon, toxic na naman ang trabaho nila dahil tumaas na rin ang mga nag-positive sa barangay na pinagsisilbihan niya.

Sa virtual mediacon ng bagong afternoon drama na Little Princess ngayong araw, January 5, ibinahagi sa amin ni Angelica na nahihirapan sila ngayon sa pagtutok sa mga bagong COVID cases.

"Actually, isang oras pa lang ako natutulog," pakli ni Angelika.

"Umuwi ako kanina umaga na. Kasi from zero, biglang 90-plus yung positive cases namin, tapos pending pa sa result yung iba."

Kailangan daw niya talagang tutukan, lalo na ang mga mahihirap sa kanilang lugar na kailangan nilang tulungan kapag merong may nag-positive sa pamilya.

"Isa sa ginagawa namin dun, kami yung sumusundo, nagdadala sa isolation center. Tapos ako rin nagbibigay ng pagkain para sa families ng mga nag-positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya hanggang late, nagre-repack ako. So, ang hirap talaga.

"Nakaka-frustrate ‘tong pandemic na ‘to kasi mari-relax ka lang sandali, babalik uli. Mari-relax ka na naman, tapos balik na naman uli. Para kang pinaglalaruan, di ba?

"Saka nakakaawa yung malalang cases… nakakaawa yung family nila, lalo na yung walang-wala, kasi ang hirap talaga, nakakaawa," saad ni Angelika.

Mabuti na lang at natapos ni Angelika ang taping niya sa Little Princess, dahil naka-official leave siya nang mag-lock-in taping para sa bagong afternoon soap na ito ng GMA-7.

Angelika dela Cruz in Little Princess

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Angelika ang gumaganap na ina ni Princess na si Jo Berry.

Magsisimula ang Little Princess sa darating na January 10, Lunes, pagkatapos ng Las Hermanas.

Angelika dela Cruz and Jo Berry

JERRY OLEA

Nakakabahala ang pagdami ng COVID-19 cases sa bansa. May 10,775 ang naitalang bagong kaso ng COVID ngayong Enero 5, Miyerkules.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaasahang dadami at dadami pa ang mga bagong kaso sa mga susunod na araw. Kinatatakutan na baka pumatak sa mahigit 40K ang kaso sa bawat araw. Huwag naman sana!

Sa mga TV production ay may mga naulinigan tayong marami ang nahahawa. Kaya bantayan natin kung matitigil muli ang mga live show gaya ng ASAP Natin ‘To ng Kapamilya Channel at All-Out Sundays ng GMA-7.

Sabi pa ni Angelika, ang laking sakripisyo talaga itong pagtutok niya sa barangay dahil may pamilya siyang inuuwian.

Ang isa raw siyempre sa ikinatatakot ng aktres ay ang kanyang pamilya na baka maapektuhan ng trabaho niya.

"Siyempre, natatakot, lalo na may kids ako. Kaya ngayon, yung mga anak ko, hindi ko kasama.

"Sa Batangas sila nakatira, ako lang ang nandito sa Malabon. Kasi siyempre, ayoko silang i-risk.

"Kung magkasakit man ako, at least hindi sila mahawa. Sacrifice talaga."

NOEL FERRER

Ngayon, gusto tuloy nating itanong sa mga lingkod-bayan na mga artista rin: ano ang mas madali o mas mahirap gampanan, ang pag aartista o paggogobyerno?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Grabeng sakripisyo talaga ang manilbihan ngayon dahil ang daming ganap — pandemya at economic survival, may mental health pa ngang consideration.

Buti, nagagawa ni Angelika na pagsabayin ang lahat ng ito.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-leave of absence ang Kapuso actress na si Angelika dela Cruz nang mag-lock-in taping siya para sa bagong GMA-7 series na Little Princess. Pero balik-kayod si Angelika sa nasasakupan sa Barangay Longos sa Malabon, habang ang mga anak (right) ay pansamantalang di niya muna kapiling.
PHOTO/S: Little Princess / @angelikadelacruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results