PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes on doing "singlahoop" to move on from her grief

Bagay rin daw ang "singlahoop" panlaban sa COVID-19.
by PEP Troika
Published Jan 9, 2022
gladys reyes singlahoop
Gladys Reyes on doing singlahoop: “Maganda na rin ‘tong pampa-good vibes... Saka ang ang dami na rin kasing may masama ang pakiramdam. Magandang exercise na rin."
PHOTO/S: @iamgladysreyes on Instagram

GORGY RULA

Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin si Gladys Reyes sa pagpanaw ng kanyang ama nung October 2021.

Hindi raw kasi nawawala ang pangungulila niya sa kanyang papa kapag may mga selebrasyong dapat ipagdiwang kagaya nitong nakaraang bagong taon.

Isa sa paraan ni Gladys ng pagmu-move on ay ang pag-exercise. Lalo na raw ngayong may nararamdaman ka lang konti, napapraning ka na baka dala na ito ng Omicron variant ng COVID-19.

Medyo masama ang pakiramdam ni Gladys nung nagdaang araw kaya nag-worry siyang baka hindi siya makapag-taping para sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Mabuti at negative naman daw siya sa huling antigen test kaya tuloy na siya sa taping.

Hindi rin niya nakakalimutan ang sinasabi ng kanyang ama — kapag medyo masama ang pakiramdam, dapat igalaw-galaw o magpapawis. Kaya itinodo ni Gladys ang pinauso niyang "singlahoop"—kumbinasyon ng singing at hula hoop.

Dati na itong ginagawa ni Gladys, na minsan ay kasabay pa niya ang kanyang mama na magaling palang mag-hula hoop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan ay dinadala rin niya sa taping ng Pepito Manaloto ang gamit pang-hula hoop at pati ang wireless bluetooth mic niya. May episode daw sila minsan na nag-e-exercise, nagpasiklab ng "singlahoop" si Gladys kasama si Pokwang sa break ng taping.

Ngayon lang niya ito nai-post sa kanyang Instagram at Facebook account na ikinatuwa ng netizens.

Laging nalalaglag ang hula hoop ni Pokwang, kaya sinasabayan na lang daw niya ito ng kanta, na ikinatuwa nilang lahat sa set ng Pepito Manaloto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Invisible hula hoop na lang si Ate Pokie, kasi laging nahuhulog. Pero si Mikee [Quintos], ang galing! Kayang-kaya niyang kumakanta habang naghu-hulahoop.

“Maganda na rin ‘tong pampa-good vibes, kuya. Saka ang ang dami na rin kasing may masama ang pakiramdam. Magandang exercise na rin.

“Enjoy kami talaga sa Pepito,” text sa akin ni Gladys nang naka-chat ko sa Messenger nung Sabado, January 8, 2022.

Malaking bagay raw ang exercise para makapag-move on na rin sa pangungulila sa kanyang ama. At sa panahon ngayon, dapat daw talaga ang ganitong pampa-good vibes na exercise.

Sa totoo lang, ang dami nang nakapansin ng mga ipinu-post na exercise ni Gladys sa kanyang social media account. May ilang produktong nag-i-inquire for endorsement dahil aliw rin itong pinauso niyang "singlahoop."

NOEL FERRER

Ang galing lang ni Gladys Reyes, kasi alam niyang i-turn ang isang malungkot na yugto ng buhay niya into something very productive and life affirming!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa naaaliw niya at inilalayo ang sarili sa pagkalungkot, nagiging mas productive pa ito dahil may possibility of endorsements after. Bilib din ako at nakatapos pa siya ng pelikula with Brillante Mendoza.

I’m sure her father must be soooooo proud of our dear friend Gladys!!! Stay Blessed, my dear Chic Chic!!!!

JERRY OLEA

Tumaas pa rin ang new cases ng coronavirus sa bansa.

Post ng Department of Health sa Facebook page nito: “Ngayong 4 PM, Enero 9, 2022, ang Department of Health ay nakapagtala ng 28,707 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,579 na gumaling at 15 na pumanaw.

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (128,114) ang aktibong kaso, 93.9% (2,785,183) na ang gumaling, at 1.76% (52,150) ang namatay.

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratory ay operational noong January 7, 2022 habang mayroong 14 laboratory na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 14 labs na ito ay humigit kumulang 5.1% sa lahat ng samples na naitest at 5.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay.

“Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”

Ingat-ingat tayo at kung keri, subukan ang "singlahoop" sa kani-kanyang tahanan!

Sabi nga ni Gladys, ito’y “pampa-goodvibes sa mga masama ang pakiramdam, naka-isolate at nakahiga dahil masakit ang ulo at katawan.

“Let us hope and pray makabawi ang katawan sa pinagsama-samang pagod, puyat dala ng work and holidays.”

Handa… awit…hulahoop…

“Mang-singlahoop tayo tuwing umaga, tuwing umaga, tuwing umaga… upang ang katawan natin ay sumigla!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on doing singlahoop: “Maganda na rin ‘tong pampa-good vibes... Saka ang ang dami na rin kasing may masama ang pakiramdam. Magandang exercise na rin."
PHOTO/S: @iamgladysreyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results