Star City, hindi tuloy ang reopening sa January 14

by PEP Troika
Jan 9, 2022
star city reopening postponed
Star City management: “We feel that given the rising number of Covid 19 cases in the country, postponement is the more prudent thing to do…”
PHOTO/S: Star City Facebook

JERRY OLEA

Hindi tuloy ang reopening ng Star City sa Enero 14, Biyernes ng 2:00 p.m.

Bago mag-umpisa ang taong 2022 ay parami nang parami na ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noong Disyembre 23, Huwebes na rumampa si Poblacion Girl sa Makati City ay 288 lamang ang naitalang mga bagong kaso.

Heto ang mga nadagdag nang mga sumunod na araw:

Disyembre 24, Biyernes… 310.

Disyembre 25, Sabado… 433.

Disyembre 26, Linggo… 433.

Disyembre 27, Lunes… 318.

Disyembre 28, Martes… 421.

Disyembre 29, Miyerkules… 889.

Disyembre 30, Huwebes… 1,623.

Disyembre 31, Biyernes… 2,961.

Enero 1, Sabado… 3,617.

Enero 2, Linggo… 4,600.

Enero 3, Lunes… 4,084.

Enero 4, Martes… 5,434.

Enero 5, Miyerkules… 10,775.

Enero 6, Huwebes… 17,220.

Enero 7, Biyernes… 21,819.

Enero 8, Sabado… 26,458.

Enero 9, Linggo… 28,707 (highest one-day tally).

Kung patuloy sa pagtaas ang bilang ng bagong dagdag na kaso, sa Enero 11, Martes, ay lalampas na sa tatlong milyon (3M) ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases.

Continue reading below ↓

Take note na inilagay sa Alert Level 3 ang National Capital Region mula Enero 3 hanggang 15.

Ang mga karatig-lalawigan ng NCR na Cavite, Bulacan at Rizal ay Enero 5 hanggang 15 inilagay kapagkuwan sa Alert Level 3.

Noong Enero 5, Miyerkules, ini-announce ng Star City na magre-reopen sila, kung saan P400 ang introductory price para sa Star Pass.

WRONG TIMING, halos unanimous na reaksiyon ng mga nakabalita.

Noong Enero 8, Sabado ng gabi, ay nagpahiwatig ang Star City, “MUKHANG MAY MA-POPOSTPONE NA REOPENING…”

Nag-sorry ang Star City sa Facebook page at ang katwiran, na-excite lang talaga silang mag-announce, na-miss ang mga tao.

Ngayong 9, Linggo ng gabi, kinumpirma ng Star City sa Facebook na ipinagpaliban nila ang kanilang reopening.

Bahagi ng kanilang mensahe sa valued guests: “We feel that given the rising number of Covid 19 cases in the country, postponement is the more prudent thing to do…”

star city reopening postponed

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Tuwing pumapasok ako sa DZRH para sa daily radio program namin ni Morly Alinio, nakikita ko na ang tini-test nilang iba’t ibang rides sa Star City.

Unti-unting nabubuhay ang Sotto Avenue sa Pasay City dahil may ilaw na sa ilang bahagi ng Star City, at minsan ay pinapaikot na ang napakalaking ferris wheel na may nakakabit na iba’t ibang ilaw.

Pati sa dating Manila Broadcasting Company building na nadamay ng malaking sunog noong Oktubre 2, 2019, ay inaayos na rin. Bumalik na ang DZRH doon pati ang ilang FM Stations ng Manila Broadcasting Company, kagaya ng Love Radio, Easy Rock at Yes FM.

Medyo may buhay na ang aming nakaraang Pasko dahil unti-unti nang naayos ang mga transmitter namin at ilang buwan na lang, okay na okay na ang lahat na istasyon ng MBC.

Sana nga, kasabay na nito ang pagbubukas ng Star City, pero dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases, maaantala na naman ito. Bukod sa mga taong papasok sa naturang amusement park, tinitiyak ding safe ang mga taong nagtatrabaho roon.

Continue reading below ↓

Heto na naman tayo. Ito pa rin ang hiling natin na sana, sa susunod na Pasko, ang Christmas 2022 ay talagang normal na normal na, at masaya na ang mga taong pumapasok sa Star City.

NOEL FERRER

Every time na lang na papausad na tayo, palaging may dahilan para maantala ito. Isang malaking factor ang bagong variant.

PERO every time na lang, paulit-ulit ang problema ng kamahalan at kawalan ng sapat na access sa testing, lalo na sa mga mahihirap nating mga kababayan. Pati ang maayos at unified na sistema ng contact tracing ay wala pa rin naman.

At ngayong work from home na naman, at matitigil na naman ang trabaho ng ibang sektor, paano yun? Sana ay may ayuda sila!!!

Tama ang sinabi ni dating Senador Chiz Escudero, na sa dinami-dami at nilaki ng mga inutang natin, sana naman hindi dahilan ang kawalan ng budget. Kasi, kung gusto, may paraan, di ba?

Continue reading below ↓

At ang mga pribadong sektor, tulad ng Star City at RMN, ay marami nang nagawa para sa kanilang mga tauhan na inaasahan ng ordinaryong mamamayan sa gobyerno.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star City management: “We feel that given the rising number of Covid 19 cases in the country, postponement is the more prudent thing to do…”
PHOTO/S: Star City Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results