PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Umali-Ruru Madrid tandem, pantapat ng GMA-7 sa LizQuen?

Ruru Madrid at Bianca Umali, palaisipan pa rin ang tunay na estado ng relasyon
by PEP Troika
Published Jan 15, 2022
Ruru Madrid
Bianca Umali
Dahil sa lalim ng kanilang pag-arte at professionalism sa trabaho, marami ang naniniwalang ang tandem nina Bianca Umali at Ruru Madrid ay posibleng ipantapat ng Kapuso network sa sikat na love team ng Kapamilya stars na sina Lisa Soberano at Enrique Gil.

GORGY RULA

Hindi ko nagustuhan ang pagka-short ng hair ni Bianca Umali, pero maganda talaga siya at ang sexy ng dating sa Sparkle mediacon.

Sparkle 8

Sana nga, malaki ang magagawa ng natapos niyang series na Halfworlds sa HBO, at iba pa niyang projects gaya ng second installment ng Mano Po Legacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sana, mapag-aralan nang husto kung ano ang bago pang projects na puwedeng ipagkatiwala sa kanya.

“All of us are very lucky to have been part of this Sparkle launch, and it is a wonderful journey and new chapter for all of us to open. And I am very excited.

“The process may not be easy, but it will definitely be worth it because it will bring the sparkle out of all of us,” saad ni Bianca.

Mukhang hinog na hinog na si Ruru Madrid, pero sana mahasa pa siya nang husto at mapaarte siya nang mabuti sa Lolong.

Ang taas pa naman ng expectations namin sa kanya sa dambuhalang seryeng ito.

Open si Ruru na matuto pa dahil sa propesyong ito, dapat talaga tuluy-tuloy ang pag-aaral sa craft na pinili mo.

Ani Ruru, “Never stop learning dito sa industriya natin. Maraming papasok na mas magaling sa ‘yo, mas pogi, mas maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero as long as nandun yung pagmamahal mo sa craft mo, as long as you’re very passionate about your craft, hindi mawawala yung spark.

“As long as nakapagbigay ka ng inspirasyon sa mga manonood, sa mga taong nagmamahal sa ‘yo, sa mga taong sumusuporta sa ‘yo, hindi ka mawawala diyan.”

JERRY OLEA

Tila “nasagasaan” ang career ni Ruru sa parking lot ng SM Megamall matapos mag-premiere ang pelikulang Cara x Jagger (2019) nila ni Jasmine Curtis-Smith.

Pambawi na sana ni Ruru ang Lolong, na noong last quarter ng 2020 ay puspusan na ang pagsasanay niya.

Ang leading lady dapat ni Ruru sa Lolong ay si Sanya Lopez. Iniwan ni Sanya ang Lolong nang mapili siyang kahalili ni Marian Rivera sa First Yaya.

Isa dapat ang Lolong sa mga paandar ng GMA for 2021. Makatuturan ang istorya nito lalo pa’t nalalapit ang eleksyon.

Pero hayan nga’t parami nang parami ang mga bagong kaso ng Covid-19 sa lupang hinirang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I think the month of January is practically canceled as far as productions are concerned,” post ni Direk Jose Javier Reyes recently sa Facebook.

Kaya good luck sa Lolong, maging sa smorgasbord movie ni Ruru na G! LU (Go! La Union).

Take note na si Ruru ay runner-up kay Jeric Gonzales sa second season ng Protégé (2012).

Matagumpay ang teledramang Magkaagaw (Oktubre 2019-Marso 2021) kung saan pinag-agawan si Jeric nina Sheryl Cruz at Klea Pineda.

Tilam-tilam ang mga bading sa Bench Body photos ni Jeric, at kaabang-abang ang launching film niyang Broken Blooms kung saan mapangahas siya.

Ipinapahiwatig ba ng Sparkle na mas may “K” si Ruru kesa kay Jeric?

Noong Nobyembre ay naulinigan natin na nagkakalabuan sina Ruru at Bianca. Pero sa pagdiriwang ni Ruru ng kanyang kaarawan ay dumalo si Bianca, at saksi ang ibang mga bisita kung gaano katamis at kainit ang turingan nila.

Kaya nahihinuha nating ang Valentine’s Day ay lipos ng pag-ibig para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lantay na aktres si Bianca, na sakdal husay sa Legal Wives.

Bianca reminds me of Hilda Koronel in Insiang (1976, directed by Lino Brocka), Gina Alajar in Kontrobersyal (1981, directed by Lino Brocka), and Amy Austria in Brutal (1980, directed by Marilou Diaz-Abaya).

May libog na hindi mo mawari. Malalim ang pinaghuhugutan.

NOEL FERRER

For me, my best bet for level ng artistry and stardom given the right projects ay sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Tama kayo, may her upcoming projects further enthrone her as GMA’s most important actress na le-level at puwedeng makipagsabayan kay Bea Alonzo.

Si Ruru naman, dapat mag-break out roles na kakawala sa pagka-sweet at matinee idol ni Alden para defined ang territories.

Pero habang may mystery ang hindi pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon, sina Ruru at Bianca ang puwedeng pantapat ng Kapuso Network sa LizQuen kung magpapakatotoo lang.

Pero lipas na talaga sila sa pagpapa-cute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangang mature at may angas. Puwede pa rin naman na may kilig, pero dapat may sensuality na rin.

Excited talaga ako sa kung ano pa ang mararating nina Ruru at Bianca, at nandito lang ako na nakasuporta sa kanila lagi!

Read Next
Read More Stories About
Ruru Madrid, Bianca Umali
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa lalim ng kanilang pag-arte at professionalism sa trabaho, marami ang naniniwalang ang tandem nina Bianca Umali at Ruru Madrid ay posibleng ipantapat ng Kapuso network sa sikat na love team ng Kapamilya stars na sina Lisa Soberano at Enrique Gil.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results