JERRY OLEA
Ibinalita ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nahawaan siya ng Covid nitong Enero 15, Sabado ng gabi sa Facebook.
Post ni Mayor Vico, “Hi everyone, bad news, I've tested positive for covid-19. I have sore throat, fever, and body aches, but please don't worry!
“I'll continue to work remotely while in isolation for the next 7 days.
“Naka ilan close call ako sa Delta (gaya nung sa driver ko mismo) pero di ako nahawaan. Matindi talaga ang pagkalat ng Omicron -- sabi nga ng ibang eksperto, LAHAT TAYO ay mae-expose sa variant na ito.
“Kaya lagi po tayong mag-iingat, palakasin natin ang ating mga resistensya, at maging responsable – kung may sintomas wag na munang lumabas.”
NOEL FERRER
Hindi madali ang sinusuong ng mga local officials natin dahil sila ang nakalubog sa komunidad nila.
Yung iba ngang mayors diyan, makailang beses na nilang makuha ang virus—hindi dahil sa kapabayaan—kundi dahil sa discharge nila ng kanilang mga functions.
Kasama ng iba pang mga pamilya at kaibigan natin na may pinagdadaanan ngayon kaugnay ng Covid, ipinapanalangin natin ang agarang pagbuti ng kalagayan ni Mayor Vico Sotto, ang mahusay at mabuting pinuno ng Lungsod ng Pasig na hindi kailanman umepal.
GORGY RULA
Kamakailan lang ay dumalaw si Mayor Vico sa kanyang Daddy Vic Sotto kung saan nagkaroon ng pagtitipon ang buong pamilya.
Naaliw pa ang mga netizens sa comment ng youngest sister niyang si Talitha na magkamukha raw pala ang Daddy niya at Kuya Vico.
Bibihira lang dumalaw si Mayor Vico dahil sa talagang nag-iingat siya gawa ng lagi siyang nasa labas at ang daming taong nakakasalamuha.
Ilang beses din siyang na-expose sa COVID positive kaya, naka-quarantine din.
Hindi na nakakapagtaka na tatamaan talaga siya. Pero gaya ng ilang public servant, tuloy pa rin ang trabaho ng magaling na alkalde ng Pasig.
Sa totoo lang, ilang taga-Pasig na nakakausap ko at kampante ang mga taga-Pasig na natamaan ng COVID-19.
Maayos daw ang safety and health protocols na sinusunod, at talagang alaga raw ng LGU ang mga pasyenteng naka-quarantine.
Kaya wala tayong dapat ipangamba kay Mayor Vico. Kakayanin din niyang alagaan ang sarili.
Pero kailangan pa rin talaga ng ibayong ingat. Dasal nating lahat na bumaba na itong mga bagong cases at pag-aralan na lang natin kung ano pa ang puwedeng gawin para palakasin ang ating katawan, para patuloy nating malabanan ang mga susunod pang variant na darating.
Bahagi na talaga ito ng buhay natin. Kapit lang at patuloy sa pagdarasal!