PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabbi Garcia Khalil Ramos Millennial It Pair?

Gabbi troika
by PEP Troika
Published Jan 16, 2022
gabbi garcia, khalil ramos
Mabigyan kaya ng proyektong tunay na magpapakita ng kanilang kina sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos?
PHOTO/S: Sparkle PR

GORGY RULA

Bagay kay Gabbi Garcia ang bansag na "Millennial It Girl" dahil sa kanyang dating.

Sana nga, mabigyan siya ng tamang project upang lalong magpakinang sa kanyang career.

Nakikita naman kung gaano niya kamahal ang kanyang trabaho at iyon nga ang sinasabi niya para mapanatili ang spark na inaasam-asam.

Sabi ni Gabbi sa virtual mediacon ng Sparkle, “To continue to love what I’m doing. Because I feel that’s the most important thing. You should have that feeling of spark with your craft and whatever you’re doing.

“As long as love is there in your craft, masu-sustain yung career mo because it will show, it will reflect with you. Love for your craft.”

Pananalig naman ni Khalil Ramos, dapat ay marunong kang makisakay sa mga pagbabago ng panahon.

“It’s just doing everything purposedly and passionately. It’s knowing sa sarili mo na kung ano talaga ang mahal mong gawin.

“It’s you know, nurturing that passion and your core into eventually becoming the best version of yourself. And also, balance with intuition right now, I guess kasi grabe yung mabilis na magbago ang mundo natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Especially in this industry with all the new platforms na meron yung mga artists kung saan nila puwedeng i-showcase yung mga talents nila.

“Kailangan marunong tayo to keep up with the change and it’s really, keep riding the waves.”

Sana nga, matuloy na at hindi maantala ang launching project ng tambalan nina Khalil at Gabbi.

Nakatakdang bumalik sila sa taping ng Love You Stranger bago matapos ang buwang ito. Dito malalaman kung tanggap ng fans ang kanilang tambalan.

Umaayon din si Derrick Monasterio na dapat bukas ka sa mga pagbabago sa sarili at mag-isip ng puwede pang gawin para mapanatili ang kinang ng iyong career.

“Just constantly re-innovate yourself and reinvent yourself. Be always open to learning. Always be curious and take everything in as much as possible, like a sponge,” pagdidiin ni Derrick.

Maganda rin si Ysabel Ortega at mukhang bagay naman sila ni Miguel Tanfelix. Kaya masusubukan ang tandem nila sa Voltes V.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s very exciting because as we all know, GMA Artist Center is rebranding and I’m so grateful to be a part of this, and of course very excited about what’s to come this year,” saad ni Ysabel.

NOEL FERRER

Gabbi and Khalil for now may be better apart.

They’ve tried being together in a film—LSS: Last Song Syndrome (2019) with Ben & Ben pa—pero parang wanting pa rin sa following.

I can envision Khalil’s growth as an actor samantalang si Gabbi may gain more traction as a host.

Basta tingnan natin kung maiiba pa ang ihip ng hangin kapag naipalabas na ang kanilang TV project together.

Pero baka talagang better apart muna sila… 'tapos, magsama na lang kapag tumaas na ang premium nila individually.

With Derrick and Ysabel? Parang recording artist, model, performer ang nakikita kong tutunguhin ni Derrick.

Samantalang si Ysabel Ortega, kailangan pang malaman ang unique selling proposition niya other than being the magandang anak nina Michelle Ortega at Senator Lito Lapid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Kung Millennial It Girl si Gabbi Garcia, pwede bang taguriang "Millennial It Boy" si Khalil Ramos?

Yumabong ang GabRu love team nina Gabbi at Ruru Madrid sa telefantasya reboot na Encantadia (Hulyo 2016-Mayo 2017), kung saan bida rin si Sanya Lopez.

Nawasak ang GabRu, at napalapit si Gabbi sa dating Kapamilya na si Khalil Ramos.

Nagtambal sina Gabbi at Khalil sa LSS: Last Song Syndrome, na isa sa official entries ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Maayos ang pelikula at kumukurot sa puso, pero mahina sa takilya kahit tampok doon ang Ben & Ben.

Kapagkuwan ay nag-ober-da-bakod si Khalil, at inilaan sa kanila ni Gabbi ang Kapuso primetime series na Love You Stranger.

Kagaya ng Lolong, naapektuhan ang seryeng ito ng paglaganap ng COVID-19.

Tumatak sa atin ang sensitivity at sensibility ni Khalil bilang aktor sa pelikulang 2 Cool 2B 4Gotten (2016), kung saan pumukaw rin sa ating pansin si Jameson Blake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pleasantly surprised tayo sa papel ni Khalil sa pelikulang Resbak na ipinalabas sa Tokyo International Film Festival last year.

Nang mainterbyu ko noon si Khalil sa presscon ng LSS ay inusisa ko siya kung payag siyang mag-butt exposure. Agad siyang umoo.

Katabi niya that time si Gabbi, at OK lang sa dalaga na maging pwetmalu ang kanyang liyag.

Natatawang katwiran ni Gabbi, wetpaks iyon ni Khalil at bahala raw ito kung gustong ipakita iyon.

Si Derrick Monasterio, itinampok sa Tween Hearts (Setyembre 2010-Hunyo 2012) kung saan co-stars niya sina Barbie Forteza, Bea Binene, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Joyce Ching, Kristofer Martin, Louise de los Reyes, at Lexi Fernandez.

Nakaharutan niya ang baguhan ding si Alden Richards, na naging leading man ni Louise de los Reyes sa TV series na Alakdana (Enero-Mayo 2011).

Bidang lalaki si Derrick sa mga pelikulang Wild and Free (2018) with Sanya Lopez, Almost A Love Story (2019) with Barbie Forteza, at Kiko en Lala (2019) with Super Tekla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-bottom sa box-office ang mga nasabing pelikula. Just the same, kinilala pa rin si Barbie na Kapuso Primetime Princess, at si Sanya ay nagreyna sa primetime dahil sa First Yaya.

Nag-sparkle nang bonggang-bongga ang career ni Alden matapos mabuo ang AlDub tandem nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza) sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Si Alden ang leading man ni Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye (2019), ang highest-grossing film sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino (hindi adjusted sa inflation).

Sa paglaganap ng pandemya, matatagalan pa bago malampasan ang record ng KathDen movie.

Malaking hamon para sa Sparkle na patunayang may ibubuga pa ang napaka-versatile na si Derrick.

Biruin mo… kasama si Derrick sa Magic 8, at ligwak si Kelvin Miranda na sabi-sabi’y pwedeng sumunod sa mga yapak ni Alden.

Wagi sa ratings ang Stories From The Heart: Loving Ms. Bridgette nina Kelvin at Beauty Gonzalez.

Teaser pa lang ng pelikula nina Kelvin at Beauty na After All na syinuting last month sa Bolinao, Pangasinan ay kapana-panabik na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, nakakaintriga ang hanash (o pagmamaasim?) ng isang showbiz insider, “Totoo ba natagalan daw ang launching nitong Sparkle dahil lang sa hindi sila nagkasundo sa outfit ng mga artista?

“Pati ba mga ganoong bagay, ang tagal nilang pagdesisyunan gayong sila naman ang pumili ng stylist?

“Kung nag-rebrand ang GMA Artist Center into Sparkle, dapat siguro ay may reinvention din sa mga handlers at managers na napakabagal mag-decide at hindi marunong mag-handle kapag nasa gitna ng isyu ang isang artista!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mabigyan kaya ng proyektong tunay na magpapakita ng kanilang kina sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos?
PHOTO/S: Sparkle PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results