PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis on Jugs Jugueta defending Vice Ganda

Lolit: “Grabe naman sila, sinasakyan kagagahan ko ha ha ha!”
by PEP Troika
Published Jan 21, 2022
it's showtime january 21, 2022
It's Showtime hosts celebrate the birthday of Jugs Jugueta (second from right) on It's Showtime today, January 21, 2022.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

GORGY RULA

Hindi nakilala ni Manay Lolit Solis si Jugs Jugueta na nag-comment sa kanyang Instagram post tungkol kay Vice Ganda.

Napagtanto lang ni Manay Lolit na kasama si Jugs sa It’s Showtime kaya nag-react ito ng ganun, at pinuri at ipinagtanggol ang comedian-TV host. Huli na niyang nalaman na co-host ito ni Vice Ganda sa noontime show ng ABS-CBN.

Related Story: Jugs Jugueta nicely shuts up Lolit Solis over her post about Vice Ganda’s "power tripping" in It’s Showtime

Ngayong Biyernes, January 21, 2022, nag-post uli si Manay Lolit kung saan pinuri niya ang pagtatanggol ni Jugs kay Vice Ganda.

Bahagi ng kanyang IG post: “Appreciate ko iyon comment ni Jugs sa IG post ko about Vice Ganda...

“Sabi niya, hindi totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa Showtime.

“According kay Jugs, happy lahat sila sa Showtime. Well and good. Mabuti naman kung totoo dahil sayang din di ba, medyo matagal na rin ang Showtime sayang kung mawawala ito dahil lang may gusto mag-power trip.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw akalain ni Manay Lolit na mag-react ng ganun ang mga taga-It's Showtime, pero hindi naman daw niya yun ipu-post kung walang nakakarating sa kanyang ganung kuwento. Pero maganda raw ang ginawa ni Jugs na nandiyan agad para ipagtanggol ang kasamahan sa trabaho.

“Grabe naman sila, sinasakyan kagagahan ko ha ha ha!” text ni Manay Lolit sa PEP Troika.

Ayaw na lang daw niyang isiping may iba pang magsasalita para ipagtanggol si Vice Ganda.

“Baka kasi gusto lang nila akong buwisitin! Hahaha!” dagdag niyang text sa amin.

JERRY OLEA

Nabanggit nga si Manay Lolit sa It’s Showtime nitong Hunyo 21, Biyernes ng tanghali.

Related Story: Vice Ganda takes a swipe at Lolit Solis; condemns "Marites" culture

Ang isang tila paboritong banggitin ng It’s Showtime hosts ay si Jojo Alejar.

Nakakaaliw at nakakatuwa ang biruan ng It’s Showtime hosts, partikular sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Kim Chiu. Ang ganda ng rapport nila with the contestants sa segments na "Sexy Babe" at "Tawag ng Tanghalan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hayun nga’t pati T.O.D.A.S. (Television’s Outrageously Delightful All-Star Show) ay nahalukay ni Vice sa kanyang alaala, lalo na sina Frieda Fonda at Spanky Rigor. Hindi na siyempre maka-relate doon ang bata-batang co-hosts ni Vice.

Noong 1980-89 umere ang T.O.D.A.S. sa IBC 13, at tampok din doon sina Joey de Leon, Val Sotto, Ritchie d’Horsie, Maribeth Bichara, at Redford White.

NOEL FERRER

Para magtagal ang isang daily TV program, kailangang solid talaga ang samahan ng mga ito.

Taking on from Eat Bulaga, nakakatuwa rin kasi kahit sinubok na ito ng pagtitiwalag ng ibang miyembro ng original cast, nananatili talaga ang bond ng mga host ng It’s Showtime be it on or off cam.

Sana, marating din ito ng lalim ng samahan ng Lunch Out Loud (LOL) sa kabila ng mga balitang nagpo-float tungkol sa itatagal nito! Laban lang!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime hosts celebrate the birthday of Jugs Jugueta (second from right) on It's Showtime today, January 21, 2022.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results