GORGY RULA
Tiyak na ikatutuwa ng KyRu fans nina Kylie Padilla at Ruru Madrid ang huling vlog ng Kapuso actor na ipinost niya sa kanyang YouTube Channel nung Biyernes, January 21.
Si Kylie ang special guest ni Ruru kung saan masaya nilang binalikan ang masasaya nilang samahan nang ginawa nila ang TODA One I Love at Encantadia.
Ipinagtapat ni Ruru kay Kylie na sobra siyang nasaktan nang magpaalam na ang huli sa Encantadia, dahil three months pregnant na noon ang aktres.
“Nung nagpaalam ka, yung parang may sumasaksak sa dibdib mo.
“Sinasabi ko sa ‘yo Kyl na I will always care for you, na kahit na anong mangyari… before hindi ko nasasabi sa ‘yo, pero somehow napa-feel ko sa ‘yo yun.
“Everytime na may mga eksena tayo, everytime na may ginagawa tayo, pinapa-feel ko sa ‘yo kung gaano kita pinangangalagaan bilang leading lady at bilang kaibigan,” pagtatapat ni Ruru kay Kylie.
Inamin nilang dalawa na hanggang trabaho lang talaga ang closeness nila dahil pareho silang may karelasyon noon.
Magkasintahan pa noon sina Kylie at Aljur Abrenica, at si Gabbi Garcia pa ang girlfriend noon ni Ruru.
Base sa kanilang pag-uusap, inamin nilang kailangan nilang magkalayo dahil nagkakaroon na ng selosan.
Napapangiting pag-amin ni Kylie, “Hindi lang na-build yung friendship. May wall talaga.
“Dumistansya talaga ako nung time na yun, kasi may mga nangyayari behind the scenes na… oo, e.
“Kailangan kong umiwas na walang magselos. Yung ganun. Siyempre, respect na lang.
“Natatakot na ako na ayoko ng gulo both sides.”
Nagkaroon lang daw sila ng isang pagkakataon na nakapag-usap nang masinsinan nang magkasama silang dalawa sa Davao.
“Sobrang happy ko nun na finally, nakausap ko na si Kylie,” pakli ni Ruru.
“Nung time na yun, parang na-weirduhan ako… siguro malaking bagay na iyun na meron tayong someone. Malaking bagay yun na siyempre merong someone, tina-try nating pigilan ang sarili natin na baka may magselos, which is understandable,” dagdag niyang pahayag.
“Ano yung sinasabi mo? Anong pigilan? Bakit, na-in love ka na ba?” natatawang buwelta ni Kylie kay Ruru.
“Ayusin mo kasi ang wording mo. Yung 'kailangan nating pigilan.' Ano yung pipigilan?” natatawa pa uling pahayag ni Kylie.
“Yung pag-uusap lang, kasi baka may magselos,” paglinaw naman ni Ruru.
Malapit na ang pagbabalik ni Kylie sa drama series dahil pinaghahandaan na niya ngayon ang Bolera kunsaan si Rayver Cruz naman ang ka-partner niya.
Si Ruru naman ay naka-focus sa Lolong na naantala na nang matagal.
Babalik na sila sa lock-in taping ng Lolong pagkatapos ng mahigit isang linggong health break sa GMA-7.
JERRY OLEA
Opening salvo ng Regal Studio Presents for 2022 ang "My Fairytale Hero" episode nina Kylie at Ruru noong Enero 2 sa GMA-7.
OK naman ang ratings niyon para sa kanilang balik-tambalan.
At any rate, thankful si Ruru sa pagbabalik-Kapuso ni Kylie, na isa raw sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya noon sa trabaho.
Lahad ni Ruru, “After everything na nangyari sa ‘yo, mas na-inspire ako na kahit na may dumating na sa point na nandun ka na sa peak mo, tapos may nangyari sa buhay mo na parang pakiramdam mo na bumalik ka naman sa scratch, bumalik ka na naman sa zero, parang ganyan, pero still bumabalik ka ulit, at dun ko nakita kung gaano mo ka-love yung craft mo.
“Dun ko nakita kung gaano ka ka-inspirational na tao… na parang even me na katrabaho mo lang, even me na kaibigan mo lang, lalo na sa mga sumusuporta sa ‘yo. For sure, nai-inspire sila sa ‘yo.
“Sobrang happy lang kami na you’re back na nagkatrabaho na tayo.”
Dapat ay last year pa ipinalabas ang dambuhalang action-thriller series na Lolong, kung saan leading ladies ni Ruru sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.
Ang original leading lady rito ay si Sanya Lopez, na lumisan sa project para maging kapalit ni Marian Rivera sa First Yaya.
Swak ang kuwento ng Lolong sa nalalapit na eleksyon. Sana’y huwag itong mabantilawan.
NOEL FERRER
Pareho sina Kylie at Ruru na nagbida na sa pelikula. Mukhang kailangan nilang bumuwelo ulit para magkaroon ng paying audience na following.
Sana, dito sa vlog visibility ay makakuha pa sila ng solid following na tataya sa kanila. Nagma-matter din kasi kung babagay at napapanahon ang project sa kanila.
They will always have our support, but sana talaga a real good project comes along na hindi dadaan lang.
