Nagkakamabutihan na ang aktor at ang aktres na kasama niya sa television show pero hindi pa sila handang aminin sa publiko ang kanilang pagmamahalan para hindi ito intrigahin.
Matagal nang may lihim na pagtingin ang aktor sa aktres kaya parang nanalo sa lotto ang kanyang pakiramdam nang dumating ang araw na minahal na rin siya ng aktres.
Naranasan ng aktor na lumuha noon dahil sa sobrang selos kahit wala pa silang relasyon ng aktres.
Umiyak ang aktor nang makita niya nang personal ang closeness ng aktres sa kaibigan nitong aktor nang magkasama sila sa isang showbiz event.
Nangibabaw ang pagiging seloso ng aktor na pinairal ang tibok ng puso at ipinagwalang-bahala ang balitang kapwa lalake rin ang gusto ng aktor na kanyang pinagseselosan.
Pero maganda ang naging resulta ng pagtitiyaga at paghihintay ng aktor sa tamang panahon dahil mula sa pagiging magkaibigan, humantong na sa pagmamahalan ang relasyon nila ng aktres.
Panahon na lamang ang makapagsasabi kung kailan ipagtatapat ng dalawa sa publiko na malalim na ang kanilang pagmamahalan dahil maraming bagay ang isinasaalang-alang nila.
Nawala na rin ang pagseselos ng aktor sa kapwa aktor na kaibigan ng aktres dahil may "napupusuan" na itong iba.