PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, itinangging pinalayas ang kasambahay na ayaw magpa-swab test

Unnamed actor explains why he asked his helper to temporarily leave his house.
by PEP Troika
Published Jan 27, 2022
male celebrity blind item
Nilinaw ng aktor na binayaran niya ang expenses ng kasambahay na nagkasakit habang nagpapagaling ito sa bahay nito. Nakabalik na rin daw ang kasambahay sa bahay ng aktor ngayon.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Nag-react ang kilalang aktor sa lumabas na blind item na pinalayas ng isang aktor ang kasambahay na ayaw magpa-swab test.

Alam ni aktor na siya ang tinutukoy sa blind item, lalo na’t nag-react si Manay Lolit Solis at ipinost ito sa Instagram.

Nagpaliwanag ang kilalang aktor tungkol sa kuwentong yun. Sabi niya, okey lang isulat natin pero blind item na rin at ayaw na lang niyang sabihin kung sino at baka lumaki pa ang isyu.

Napapansin daw kasi nilang ubo nang ubo ang kanilang kasambahay na nagbabantay madalas sa ina ng aktor.

Takot si aktor siyempre dahil senior citizen na ang kanyang mommy at nag-iingat siyang hindi ito mahawa ng COVID-19. May umubo lang at sipon ang isang tao, nandiyan na raw ang kapraningang baka tinamaan ito ng Omicron variant.

Sinabihan daw ng aktor ang kasambahay na ipapa-antigen test niya para matiyak kung negative o positive sa virus. Pero ang tigas daw ng tanggi ng kasambahay. Ayaw raw talaga nitong magpa-antigen test kahit anong gawin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sabi ni aktor, huwag muna itong magtrabaho sa kanila at umuwi muna para makapag-isolate. Kapag magaling na ay puwede itong bumalik para matiyak na hindi ito umuubo sa harapan ng mommy niya.

Ang buong akala ni aktor ay hindi na babalik ang kasambahay, pero nung okay na ito ay nagpasabing magaling na ito.

Mahigit dalawang linggo rin daw napahiwalay sa kanila ang kasambahay kaya pinabalik na ng aktor dahil gusto nitong magtrabaho sa kanila uli. Hindi naman daw pinabayaan ng aktor dahil tiniyak niyang may sapat na gamot ito habang nagpapagaling.

Iniisip ng aktor na naintindihan naman siguro siguro ng kasambahay kaya pinaalis muna niya ito dahil sa hindi sila nagkakasundo sa pagpapa-swab test.

NOEL FERRER

Simple lang naman at naiintindihan ko ang patakaran ng aktor na ito.

Basta alaga nila ang basic needs ng kanilang kasambahay habang naka-isolate at naka-quarantine, para rin ma-contain at hindi na kumalat ang virus, sang-ayon ako sa patakarang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At least, ngayong magaling na ang lahat, back to each other’s arms na naman ang employer at kasambahay—as friends.

JERRY OLEA

Malamang na maka-relate si Kitkat sa dilemma ng nasabing aktor.

Naghimutok si Kitkat noong isang araw sa Facebook (published as is): "Anong take nyo sa kasambahay na kaka off lang nung january 2 dalawang araw,,, ngayon nagpapaalam nanaman ng overnight para daw magpamasahe at masakit likod nya?

"Kaloka di naman ako strikto pero jusko wag naman ngayon,, dami pa cases oh. Ako nga di makalabas at makisalamuha sa taong walang rt pcr eh kahit gano pa ka close or kamag anak…"

Hindi naman daw siguro kalabisan ang hinihingi niyang pumirmi ng bahay ang kasambahay lalo pa't may surge ng COVID-19 cases.

Litanya pa ni Kitkat (published as is): "Mga nakapaligid nga sa akin panay na ang test di naman nagcocommute at di lumalabas nagpapositive pa, pano syang lalabas magcocommute makisalamuha sa pamilya nya at kapitbahay plus magmamasahe sa kanya. Ano ba un?! Kaka stress.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ngayon lang ako di pumayag sa lahat ng paalam nyang alanganin, sinisimangutan at dinadabugan pa ako…

"fyi nung OCT halos isang buwan sya nagbakasyon, at nung august nagka covid yan ako pa nag alaga, nagpa gamot at nagpapakain sa kanya at mga gawain nya ako na rin gumawa… hay nakakalungkot talaga oh.. walang malasakit!

"Update: ngayong umaga 1 oras nawala nagpa load daw… oh edi lumabas pa din sya ng walang paalam!"

Ngayong Enero 27, Huwebes, nakapagtala ang Department of Health ng 18,191 karagdagang kaso ng COVID-19. Bale 226,521 ang aktibong kaso, kaya nauunawaan natin ang hinaing ni Kitkat at ng aktor sa blind item.

Paalala ng DOH, "Huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

"Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpa-test. Tandaan ang right test at the right time. Agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilinaw ng aktor na binayaran niya ang expenses ng kasambahay na nagkasakit habang nagpapagaling ito sa bahay nito. Nakabalik na rin daw ang kasambahay sa bahay ng aktor ngayon.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results