NOEL FERRER
Pinag-uusapan ang "Huwag Pabubudol" video ni Angelica Panganiban ngayong Chinese New Year, Martes, Pebrero 1, 2022.
Simula kasi ng love month at magandang take-off point ang paghahalintulad ni Angelica sa mga nanliligaw ang mga tumatakbo sa eleksyon.
Very Angelica ang mga linya, na lagapak siya sa panloloko at nakakapagod ang pagiging tanga.
Ang punchline niya, suriin ang mga tumatakbong mga kandidato, huwag pumanig sa mga sinungaling, at huwag na huwag sa magnanakaw.
Ayon sa naunang data, 66% of those who watched the Angge video watched until the end, based from our early data.
This is highly unusual for long social media videos on FB. Kaya sana, marami pa ganitong advocacy ads na magmumulat sa ating mga kababayan.
GORGY RULA
Ang ganda ng video, at tanging si Angelica lang ang makakapagbitaw ng ganung malulutong na linya tungkol sa panloloko at pambubudol ng iba.
Malakas ang kutob kong merong isang political party o grupo na nasa likod nito. Posibleng meron pang kasunod ito na may ganun ding tema tampok ang ibang artista.
Maganda naman ang pakay nito, kaya okay lang. Maganda ring aware ang karamihan sa presidentiable interviews para mapag-aralan nila ang tunay na pagkatao ng mga tumatakbong pangulo ng bansa.
May ilang eskuwelahan ngang ginawang assignment sa mga estudyante nila ang limang one-on-one interviews ni Kuya Boy Abunda. Hinihingan nila ng report kung ano ang sarili nilang opinyon sa limang kandidato sa pagka-presidente.
Kaya abangan natin ang mga susunod pang interviews sa presidentiables.
Bukas, February 2, sa DZRH, haharap si Vice President Leni Robredo sa Bakit Ikaw? The Presidential Job Interview, kung saan dalawang oras at kalahati niyang sasagutin ang mga katanungan mula sa anchors ng DZRH na sina Deo Macalma, Gerry Baja, Angelo Palmones, at si Tonton Contreras ng Manila Times.
Meron ding one-on-one interview si Korina Sanchez-Roxas sa limang presidentiables na sina Vice President Leni Robredo, Bongbong Marcos, Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, at Mayor Isko Moreno.
Sabi sa kanilang press release, kilatisin at kilalanin ang mga kandidato sa pagkapangulo sa Upuan ng Katotohanan The 2022 Presidentiable Special.
Mapapanood ito sa programa niyang Rated Korina sa darating na Sabado, February 5, 5:00 p.m. sa A2Z; 7:30 p.m. sa TV5; at 10:30 p.m. sa Kapamilya Channel at Kapamilya online.
Sa Linggo, February 6 ng 7:00 p.m., ay mapapanood din ito sa One Ph.

JERRY OLEA
Bakit ba tayo iniiwan ng mga taong mahal natin? Bakit hindi tayo sapat para sa kanila?
Akala ko, iyong hugot ni Angelica na huwag magpapabudol ay para sa iWant TFC series na The Goodbye Girl na mag-i-streaming umpisa Pebrero 14, Valentine’s Day.
E, nababanggit-banggit pa ang pangalan ni Angelica sa isyu nina Carlo Aquino at Trina Candaza, kaya mas malalim ang dating ng mga hanash ng premyadong aktres.
Speaking of pagkilatis sa mga mga manliligaw sa mga botante, abangan natin ang plano at programa ng mga nagnanais maging pangulo ng Pilipinas sa #PanataSaBayan: The KBP Presidential Candidates Forum sa Pebrero 4, Biyernes ng 9:00 a.m., sa iba't ibang ABS-CBN News online platforms, sa ANC, TeleRadyo, A2Z, iWantTFC at sa 300 radio at TV stations sa buong bansa.
Kasama rito sina Karen Davila ng ABS-CBN News at Rico Hizon ng CNN Philippines, at panelists sina Ed Lingao ng News5, Roby Alampay ng One News, Elmar Acol ng Bombo Radyo, at Dan Andrew Cura ng Far East Broadcasting Company.
