JERRY OLEA
Siksik, liglig, at nag-uumapaw ang kaseksihan ng young actress sa Instagram post niya kamakailan kung saan naka-two piece siya at kaaya-aya ang ngiti.
Pinusuan iyon ng sandamukal niyang followers, at marami rin ang nag-comment ng raging fire emojis. May ilang lalaki na bumati at umaming crush nila ang young actress.
Takaw-pansin ang komento ng kapwa young actress na nagsabi ring crush niya ang dalaga.
May gusto bang ipahiwatig itong pangalawang young actress na matagal nang pinagdududahang descendant ng Tung Dynasty?
Natsismis na ito noon sa isa ring gandarang modelo na kumpirmadong cymbalist, at mahilig sa lengua estofado.
Sakaling aminin ng pangalawang young actress na kapwa babae ang nagpapatibok ng kanyang puso, matatanggap agad iyon ng kanyang mommy na isa ring celebrity.
GORGY RULA
Napapansin ngang tila type nang mag-out ni young actress ng kanyang pagiging "tivoli."
Kahit sa taping ay hindi na namamalisyahan ang pakikitungo niya sa mga lalaking katrabaho. Parang one of the boys ang trato sa kanya, dahil lumalabas daw talaga ang pagka-macho ni young actress.
Totoo bang ang kasalukuyang karelasyon niya ay ang magandang aktres na nasangkot sa malaking kontrobersiya noon?
Sa totoo lang, kagaya ng mga sikat na male celebrities na nasasangkot sa isyung kabadingan, marami rin sa female celebs na tested na ang katomboyan.
Pero bakit mas interesado ang karamihan sa kung sino ang juding na aktor kesa sa tunggril na aktres?
NOEL FERRER
Okey naman iyan! Basta nagpapakatotoo siya, at wala siyang naaagrabyadong tao.
I’m sure wala naman siyang magiging problema sa acceptance.
Support tayo riyan!!! Be out and proud!!!
