JERRY OLEA
Kumpirmadong magpapaalam na sa GMA-7 ang Wowowin: Tutok To Win ni Willie Revillame.
Ibinalita ito sa 24 Oras Weekend nitong Pebrero 5, 2022, Sabado ng gabi.
Ang statement ng GMA Network tungkol kay Willie Revillame:
“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.
“We wish him good luck in his future endeavors.”

Noong Mayo 10, 2015 nag-umpisa ang Wowowin sa GMA-7. Sina Joey de Leon at Mike Enriquez ang nagtulong upang magkaroon si Kuya Wil ng programa sa Kapuso Network.
Read: Willie Revillame, iiwan na ang GMA-7 para lumipat sa TV station ni Manny Villar?
NOEL FERRER
For sure, bibigyan ng magandang farewell si Willie ng Kapuso Network.
Kung lilipat ba siya sa itatayong channel ng mga Villar, ang sagot ng ating kaibigan mula sa GMA 7, “Malaki ang chance…”
Kailangan pa bang i-memorize yun?
Sa kung ano ang ipapalit ng GMA7 sa slot, mukhang mabilis namang kumilos ang network.
Maraming nakahandang formats na puwedeng i-activate at i-tape soonest. Pero may praktikal na option diyan na nagwawagi na rin naman sa timeslot na iyan vis-a-vis ng katapat…
Kung ano yun, dapat alam ninyo!!!
GORGY RULA
Kung anu-anong kuwento ang naglalabasan at pinag-uusapan kung bakit hindi na nag-renew si Willie sa GMA-7. Pero mas mabuting kunin muna natin ang pahayag ni Willie.
Iba namin kasi ang narinig ko tungkol sa pagsisimula ng AMBS ni dating Senator Manny Villar. Mukhang matagal-tagal pa raw bago sila umariba nang husto.
Pero tingin ko naman, hindi mawawalan diyan si Willie. Kaya balik-Dos na nga kaya si Kuya Wil?
