GORGY RULA
Gustong iparating ng Commission on Elections (Comelec) sa celebrity endorsers na huwag gamitin ang kanilang TV shows o anumang programa, pati ang kanilang platforms, para ikampanya ang ineendorso nilang kandidato na tumatakbo sa darating na eleksyon.
Ayon sa spokesperson ng Comelec na si James Jimenez, magiging isyu ito kung sakali dahil maituturing itong donated advertising time.
Noon pa man ay pina-practice na kapag may artista o celebrity na tumatakbo sa eleksyon ay dapat mag-leave muna. Ito pa rin ang dapat sundin ngayon.
"Under election laws, candidates who have programs should take a leave from their programs.
"We do not refer to endorsers, but again it’s good practice to not use their platforms to campaign because that might become an issue in terms of using these platforms for campaign purposes," pahayag ni Jimenez sa online briefing ngayong Biyernes, February 11, 2022.
Bakit posibleng maging isyu ang pag-endorso sa TV ng isang kandidato?
"That will be considered donated advertising time, so that will be an issue. So referring to candidates, in the first place, for them to take a leave, but for endorsers to maybe not use their programs or platforms to campaign for candidates because that might be considered donated airtime," dagdag ni Jimenez.
Nilinaw ni Jimenez na ang mga celebrity na dumadalo sa campaign sorties para mag-host o mag-perform ay hindi raw kailangang mag-leave sa trabaho bilang TV personality.
Pero sa pagkakaalam ko, mahigpit na ang GMA-7 sa pagsunod sa ganung patakaran ng Comelec.
Kaya ang ibang Kapuso artists na kahit hindi naman tumatakbo, pero merong ini-endorsong kandidato, nalilimita ang exposure sa kanilang programa.
Sa ganitong campaign period, ang dami nang lumulutang na kuwento kung magkano ang natatanggap ng ilang kilalang celebrities para iendorso ang isang kandidato.
Kaya willing silang pansamantalang isakripisyo ang kanilang TV shows, dahil ngayong eleksyon lang naman sila kumikita ng ganun kalaki.
JERRY OLEA
Tumpak na pak na pak! Para sa ilang artista na kikita ng limpak-limpak sa panahon ng kampanya, keber na nila kung mawala sila pansamantala sa TV.
At kung ang presidential aspirant na sinuportahan nang bonggang-bongga ng isang artista ang siyang magwagi sa halalan… Aba! Aba! Aba!
Para sa artistang iyon, ang susunod na anim na taon ay lipos ng ligaya at biyaya!
NOEL FERRER
OK namang huwag gamitin ang TV shows sa pangangampanya lalo na kung teleserye naman.
Pero this is a very important election na hindi puwedeng manahimik at maging fencesitter.
Puwede namang maging tahimik sa TV, pero maging matapang sa personal social media accounts, di ba?
This way, kita nating hindi hiwalay ang pagiging artista sa pagiging mamamayan.
