GORGY RULA
Ilulunsad sa All-Out Sundays (AOS) bukas, Pebrero 13, ang limang loveteams na binubuo ng mga Kapuso young stars na ginu-groom ng Sparkle.




Nakilala na sila at minahal ng fans sa drama series na kinabilangan nila.
Dumami na ang followers sa kanilang Tiktok account, kaya abangan kung sino sa magkapares ang pupusuan nang bonggang-bongga.
Isa sa loveteam na ilulunsad bukas ay pinagdududahang nagkadebelopan na. Sila na nga kaya?
Si young actor daw ang mas in love noon kay young actress na hindi niya muna siniseryoso ang panunuyo ni aktor.
Pero ngayon, ibang level na raw ang relasyon nila, pero hindi lang sure ang aming source kung magkaka-aminan na ba. Makikita naman iyan sa performance nila bukas.
May isang loveteam din na sobrang kumportable na sa isa’t isa, at vocal si young actor na sakaling maggi-girlfriend siya, itong ka-loveteam niya ang tipo nang igi-GF niya. Pero hindi pa puwede, dahil sobrang bagets pa si young actress.
Pero may chemistry silang dalawa, at kinikilig ang followers sa kanilang Tiktok posts.
Samantala, kasama pa rin si Tom Rodriguez sa AOS bukas. Nagustuhan siya ng mga staff dahil keri niyang sumabay sa biritan ng ibang Kapuso male balladeers.
Magiging regular na kaya si Tom sa naturang Sunday musical noontime show?
JERRY OLEA
Magka-loveteam pa ba ang young actress at young actor na kapwa may dugong-artista at tampok sa isang primetime series?
Pakiwari ko kasi ay hindi na pinu-push ang kanilang tandem, lalo pa’t mas kinakakiligan ang pagka-link kay young actress sa singer-actor na taga-kabilang bakod.
Isa pang nakakaintrigang tanong… ano na ba ang namamagitan sa pagitan ng isang gandarang teen actress at pogilicious teen actor na tampok sa isang panghapong teledrama?
Level up na ba ang kanilang pagmamahalan ngayong Valentine season, or there’s something enigmatic going on?
At any rate, love is in the air sa “Kilig Match,” ang ikaapat na series ng “Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan Sa Pagtutulungan” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga biktima ng bagyong Odette.

Matatandaan na ang tatlong naunang fund-raising activities ay “By Request: A Benefit Concert” (Enero 9-18), “Truth or Dare: A Benefit Interactive Show” (Enero 19-28) at “PBB Kumunity Season 10: Online Selling” (Enero 29-Pebrero 7).
Buena mano ang DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano) sa Kilig Match noong Pebrero 8, Martes ng 8:00 pm sa FYE channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment accounts on YouTube at Facebook, iWantTFC, pati na rin sa SKY Cable (Channel 955 HD and Channel 155 SD).

Sumunod ang KDLex (KD Estrada at Alexa Ilacad), noong Pebrero 9, Miyerkules.

Umabot sa mahigit 140,000 viewers ang nanood ng "Kilig Match" ng DonBelle habang mahigit 129,000 ang sumama sa KDLex.


Tampok din sa "Kilig Match" sina Jeremy Glinoga, Angela Ken, at Sheena Belarmino ng "Lyric and Beat," Francine Diaz, KD Estrada, Ashton Salvado, at Akira Morishita ng "Bola Bola," Seth Fedelin at Andrea Brillantes, "PBB" ex-housemates na sina Kobie Brown at Andi Abaya, Amanda Zamora at Chico Alicaya, Ralph Malibunas at Gail Banawis, ang cast ng He's Into Her, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Enzo Pineda at Michelle Vito, at Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
As of February 9, Wednesday ay umabot na sa 188,110 na pamilya ang natulungan ng ABS-CBN Foundation kasama ang kanilang partners at donors. Nakalikom sila ng P91,075,000 na cash donation at P16,012,000 worth ng in-kind donations tulad ng bigas, de lata, tubig, hygiene kits, at kumot.

Sa mga hindi nakakanood ng livestream ay puwede pa rin mag-donate sa pamamagitan ng pag-avail ng Tulong Bag donation vouchers sa Lazada at Shopee na may katumbas na food pack (bigas at canned goods) para sa isang indibidwal o isang pamilya.
Siyempre pa, damang-dama ang pagmamahal sa Valentine treats ng ASAP Natin 'To bukas, Pebrero 13, Linggo sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Bigatin ang kilig hits kantahan nina Gary Valenciano, Klarisse de Guzman, Darren, KZ, Jed Madela, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Jona, Erik Santos, at Regine Velasquez sa special Valentine edition ng "The Greatest Showdown."
Maghahatid ng love duets ang New Gen Birit Singers na sina Lara Maigue, Reiven Umali, Anthony Castillo, Janine Berdin, Sam Mangubat, Sheena Belarmino, JM Yosures, at Alexa Ilacad.
Itodo ang Feb-ibig sa isa na namang world-class concert experience mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin 'To!
NOEL FERRER
Teka, totoo bang na-in love si Mav Legaspi kay Kyline Alcantara? Kasama ba sila sa loveteams dito? Grabe kasing super stretched ang kanilang eksena sa I Left My Heart In Sorsogon at parang may romance on the set.
Sana nga, hindi lang basta kilig ang dala ng mga loveteam (na wala naman talagang masama sa kilig) pero may saysay ba? That the loveteams stand for something or may purpose at advocacies din.
In the meantime, panoorin at subaybayan na lang natin kung sino sa kanila ang magtatagal!
Good luck sa show at good luck sa pagmamahalan.
