JERRY OLEA
OK lang sa mag-inang Mara at Maria Isabel Lopez ang “objectification of women” sa mga mapangahas na pelikula.

Tanggap nila na ang katawan ng babae ay ginagamit na selling point.
“Feeling ko, inevitable!” bulalas ni Mara sa virtual forum na “Sex Cinema and Society” na ginanap nitong nakaraang Miyerkules ng umaga, Pebrero 9.
“Inevitable, kasi talagang selling point naman talaga ang women, di ba? And I do not take it negatively. I think that’s a very positive thing.
“And siyempre, filmmakers are artists, right? Pero marami rin kasi na at the end of the day, kailangan ding kumita ng movie, di ba?
“So, if they’re gonna use that angle, I don’t think there’s anything wrong with that. Because ano pa ba? Sa isang pelikula, makikita mo, different kinds of human beings.
“So… yung pag-portray ba ng women sa iba-ibang roles nila, parang ipinapakita rin lang naman yung reality of women, e.
“Sabihin mang ino-objectify yung women, I think that a lot of these films ay pino-portray ang reality. That’s what reality is, for me!” pagdidiin ni Mara.
Hirit ng 64-anyos na ina niyang si Maria Isabel na tumitikwas-tikwas ang kilay, “I wouldn’t say na it’s objectification of women. I would consider it objectification of both sexes.
“Nakita mo naman ngayon, gina-glamourize ang mga six-pack abs, hubad yung mga lalaki! And women, we enjoy it as much as men do.
“Nakita mo naman na gino-glorify na ngayon ang male form. Although in the beginning, it was mostly in women, like me for example.
“In my art work, in my paintings, I would glorify women. Ang lalaki ko, nakatago. But I would also paint the back part of the men, the butt.
“But now, it’s gonna be glorification of both sexes! Hindi puwedeng babae lang ang ibebenta mo! Ang lalaki, masyadong mabenta ngayon. Men are also saleable.
“Even sa fashion, sa photography, sa mga artworks, men are being glorified as much as women now.
“I guess it was just like… in the beginning, it was women. Now, it’s both!”
By the way, ang virtual forum series na “Sex Cinema and Society” ay ginaganap tuwing Miyerkules ng umaga, with Gem Suguitan as moderator.
Kaugnay ito sa aklat ni Boy Villasanta na SekSinema: Gender Images in Philippine Sex Cinema Enfolding Pandemia na inilunsad noong Disyembre 15, 2021.
GORGY RULA
Ipinagmalaki ng talent manager na si Jojo Veloso sa Facebook nitong Pebrero 12, Sabado ng hapon na namamayagpag ang movies ng alaga niyang sexy goddesses this weekend sa Vivamax.
Aniya, sa Top 10 content of the week ng Vivamax ay tampok sa walong pelikula ang mga alaga niya, sa pangunguna ng Tatlong Alas niya na sina AJ Raval, Angeli Khang at Ayanna Missola.

Namamayagpag sa Vivamax ang mga mapangahas na pelikula, at tinagurian ito ng beteranong manunulat na si Mario Bautista bilang Tahanan ng mga Makasalanang Pelikula.
Mag-i-streaming na sa Pebrero 18, Biyernes, ang pelikulang Boy Bastos, na tila inspired sa karakter ni Jim (Jason Biggs) sa pelikulang American Pie (1999).
Kung sa American Pie ay apple pie ang tinira ni Jim, sa Boy Bastos ay nagparaos si Felix (Wilbert Ross) sa lumpiang sariwa.
Ang geek (Alysson Hannigan) at father (Eugene Levy) sa American Pie ay equivalent sa nerd girlfriend (Jela Cuenca) at nanay (Marissa Sanchez), respectively, sa Boy Bastos.
Katatapos lang mag-shoot ni Direk Joel Lamangan ng pelikulang Island of Desire noong Pebrero 9, Miyerkules, sa Iba, Zambales.
Ani Direk Joel, nagpakita ng kani-kanyang “private desire” ang mga lalaki rito na sina Sean de Guzman, Rash Flores, Massimo Scofield at AJ Oteyza.
Ang sabi ng ibang showbiz analysts, kapag taggutom o sa panahon ng inflation, nauuso ang sex movies.
Kagaya nung late '60s at early '70s na sumikat ang bomba stars dahil inflation nung panahon iyun.
Ilan sa mga producers na nakausap ko, hindi lang daw nila alam kung ganun pa rin dahil nasa pandemya tayo at ang daming gutom at walang trabaho.
Hindi nila naintindihan bakit naghi-hit ang karamihang sexy films sa Vivamax gayung meron namang X-rated films na madali namang buksan.
May ibang producers na hindi raw talaga nila kayang gumawa ng ibang pelikulang napapanood sa Vivamax.
Biru-biruan na baka dumating ang panahon na unsimulated na ang sex scenes na ipapalabas sa nasabing streaming platform, at baka tawagin na iyong VivamaXXX.
NOEL FERRER
Basic need ang kinakatigan, at para sa iba, kung walang materyal na resources, sex na lang talaga?
Oh well… alam ba ninyo na kahit anong iwas ng iba sa politika, pati sa sex ay may politika rin?
Sino ba ang dominant at may power, at sino ang tagasunod na lang at ok na sinasaktan?
May economics of sex din! Sino ba ang mas nasusunod… ang mga maykaya o iyung mga mahihirap?
Oo at naba-blur minsan ang lines katulad ng sinabi ni Maria Isabel Lopez na hindi na lang objectification of women but of men na rin ngayon.
In the end, parang sa lipunan, we push for equality not just for men or women but all! As in all!
Sana lang, iyung pinapapanood sa atin na sex content won’t only give us pleasure but also makes us question and even reflect. Paano ba naiba ang sex life ngayong pandemya?
Magandang talakayin iyan sa mga gagawing pang bagong content, ha!
