JERRY OLEA
Paminsan-minsan, nagpo-post si Korina Sanchez ng bikini photos sa Instagram.
Ano ang masasabi ng 57-year-old broadcaster sa mga nagko-comment na hot momma siya, va-va-voom, smokin’ hot or best in swimsuit diyosa?

"Pinag-isipan kong mabuti bago ako nag-post ng my very first swimsuit shot,” napangiting tugon ni Ate Koring sa virtual tsikahan noong Pebrero 8, 2022, Martes ng hapon.
"This was at the time when… ‘Ay! Hindi na ako nagnu-newscast!’ Parang biglang hindi na ako kailangang magsuot ng mga suit at mga long sleeves at ganun, at kailangan masyadong…
“Parag I told myself, at more than 50 years old, and at the time I was trying to lose weight, I was posting my weight, how I was losing it, how I was doing my fitness program. And how I lost 15 pounds in a month.
“Ako naman, parang to me it’s more like inspiration for everybody 40 and above that yeah, you can look… your muscles can be toned even at 55. Yes, you can."

Pero hanggang one-piece swimsuit lang daw ang kaya niya.
"Hindi ako nagtu-two piece! Wala pa akong ganung kalakas ng loob, ‘no?!
“Yung mga one-piece ko, makikita mo…
"And you can live your best life even when you’re 75 as long as you take care of your health, you do your exercises, and yeah, if you have the body, why not show it?
“Kailan mo ipapakita, pag 100 years old ka na?! E, nagtago na nga ako hanggang nag-45 ako.
“Bakit hindi ko ngayon puwedeng ipakita na toned ang muscles ko? Hindi naman ako hubad, one-piece naman iyan, o.
“Kahit naman si Michelle Obama, nagpapakita nga ng two-piece yun. Anong masama? So, I’m happy to inspire, and so far so good naman ang mga responses.”

Ano ang reaksiyon ng husband niyang si Mar Roxas kapag nasisilayan ang kanyang sexy photos? Nag-iiba ba ang tingin ni Mar sa kanya?
“Parang, parang ano… parang namumungay ang mata niya. Hahahahaha!” matamis na paghalakhak ni Ate Koring.
Dagdag niya, “Wala siyang comment! He trusts me about what I do with myself and my life. And I think I’ve proven myself trustworthy naman na I know what I’m doing.”
GORGY RULA
Nai-inspire kay Korina ang ibang babaeng tulad niya ay fiftysomething sa pag-aalaga ng katawan.
“Kasi, ang mga anak ko, magti-three years old pa lang!” bulalas ni Ate Koring.
“I have to live to be 120 years old! Kailangan, pag pumunta ako ng Parent-Teacher Association, kailangan mukha pa rin akong 40, di ba? Nakakahiya naman sa anak ko.
"At saka gusto ko ring ipakita kay Mar, ‘Hoy! Pagdating mo ng singkuwenta, kailangan ganito ang itsura mo, ha?!’ Parang ganun.”
NOEL FERRER
Oh Korina, ang aking former boss nang simulan namin ang Balitang K pa noon na naging Rated K, at ngayo’y Rated Korina na.
Korina na alam natin na puwedeng mag-Peabody at iba pang international awards sa kanyang journalistic practice!
We are shaped by our decisions, at kumportable na si Koring kung nasaan siya ngayon, lalo na with Pepe and Pilar. Saan ka pa, di ba?
