GORGY RULA
Bumalik ng bansa si Ai-Ai delas Alas nung nakaraang Biyernes, February 11, para sa project na Raising Mamay.
Sinabi naman niya sa mga nakaraang interviews na kapag maganda ang project, babalik siya ng Pilipinas para gawin niya ito.
Ang isa pang show na magandang rason para bumalik siya agad ng Pilipinas ay ang The Clash, dahil gustung-gusto rin niya itong gawin.
Napag-alamang si Pokwang ang una nilang naisip na magbida sa Raising Mamay pero hindi lang pumuwede sa schedule dahil sa ginagawa pa niya ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Hanggang March pa ang taping ng Unang Kuwento, at kailangan pa itong tapusin ni Pokwang.
Kapag umokay na lahat, lalo na sa safety protocols na ipinapatupad, magsisimula na ang lock-in taping ng Raising Mamay sa February 25.
Maganda ang role dito ni Ai-Ai na magaling din sa drama, at malaking challenge din ito kay Shayne Sava na kalu-launch lang ng loveteam nila ni Abdul Raman sa All-Out Sundays.
Pero may isa pang maganda ring role na kung hindi ako nagkakamali, kay Valerie Concepcion ito ibinigay.
Nakikitang hindi pinabayaan ng GMA-7 si Ai-Ai. Kapag may magandang project na puwede siya, hindi siya nakakalimutan.
Alaga rin si Pokwang dito na ang nababalitaan naming gustung-gusto siya ng co-actors niya at production staff dahil ang galing makisama.
Paano kaya si Eugene Domingo na isa rin sa magaling na komedyante ng Kapuso network?
Hanggang ngayon, February 13 na lang ang Dear Uge at wala pang balita kung meron bang ibang show na ibibigay sa kanya.
May plano pa kaya ang Kapuso network sa kanya?
NOEL FERRER
May plano iyan sa lahat!
Para siguro talaga kay Ai-Ai itong project na ito.
Meron pa naman sigurong naghihintay kina Pokwang at Uge.
Pero hihintayin ko pa rin ang pagkakataong makakasama silang tatlo sa isang espesyal na proyekto.
Mangyayari pa rin iyan sa takdang panahon.
JERRY OLEA
Pawang Kapuso na ang mga dating Kapamilya na sina Ai-Ai, Pokwang at Uge kaya inaasam natin na magkasama sila sa isang project.
Nawindang tayo sa unang artcard na lumabas kung saan nagpapaalam na ang Dear Uge.
Ang ganda pa naman ng ngiti ni Uge na may bulaklak sa background, pero ang dating sa iba ay parang… basta…
Mabuti na lang at tinanggal iyon sa socmed at pinalitan.
Matapos ang All Out Sundays ngayong Linggo ay ipinalabas ang pelikulang Coming Soon (2013) sa GMA-7, kung saan takaw-pansin ang cameo ni Vice Ganda.
Surreal na mapanood si Vice Ganda sa Kapuso Network!
