GORGY RULA
Mas maraming resource persons at consultants, at masusing research ang ginawa sa First Lady na nag-umpisa nitong Pebrero 14, 2022, Lunes ng gabi, sa GMA Telebabad.
Sabi ng direktor nitong si LA Madridejos, hindi maiwasang may matatalakay na pulitika sa kuwento, pero nilinaw nilang wala itong kulay.
Pero hindi pa rin maiiwasang may mga mag-react at magbigay ng kanilang opinyon sa kuwento. Open daw sila sa mga opinyon at puna sa kuwento, lalo na’t very vocal na ang netizens sa kanilang pananaw sa isang isyu o kuwentong napapanood sa TV.
Nung nakaraang mediacon ng First Lady, hiningan namin ng opinyon ang veteran stars tungkol sa mga kabataan ngayon na sobrang involved sa mga isyu ng bansa at lalo na sa pulitika.
Okay lang ba sa kanila ang pagiging vocal at opinionated ng mga kabataan ngayon na naglalabas ng saloobin sa kanilang social media account?
Sabi ni Buboy Garovillo, na gumaganap bilang Tatay Florencio ni Melody (Sanya Lopez) sa First Lady, “Bilang payo lang sa mga kabataan… minsan kasi sa mga kabataan, kapag vocal sila, opinionated sila, tama na yun.
“Sa akin kasi, kailangan nilang malaman na bago ka magbigay ng opinyon, bago ka magbigay ng katapangan mo, ang lakas ng boses mo, dapat pag-aralan mo muna. Dapat pag-iisipan nila muna kung saan nanggaling ang kanilang opinyon.
“Kasi ang iba diyan, konti lang yung kinalaman, ang lakas-lakas na magsalita. Minsan kung saan yung pinanggagalingan ng kanilang sinasabi, wala talaga.
“Yun lang ang payo ko sa mga kabataan. Siguraduhin ninyong pinag-aralan niyo muna. Sana nagbasa kayo, may konting history kayong alam bago niyo sabihin ito.
“Yung iba kasi, naririnig lang nila sa social media, isisigaw din nila kaagad. So, parang, ‘Wow, opinionated ako.’ Wala namang laman yung opinion mo.
"Yung opinion mo lang, sana pinag-isipan mo at pinag-aralan mo.”
Umayon si Sandy Andolong, na gumaganap bilang Nanay Edna, sa sinabi ni Buboy.
Saad niya, “Kung magbibigay sila ng opinyon, I think it’s best na… ako, talagang pinapanood ko ang mga interviews ng lahat na mga tumatakbo.
“I think they should do that also. Huwag lang yung nababasa nila sa social media accounts na madalas yung iba, inuulit lang nila. Alamin nila yung facts maigi. Kilalanin nilang maigi yung mga tumatakbo.
“Saka doon sa mga panonood sa mga interviews, mababasa naman yung mga candidates, e. Mababasa mo yung dating nila, kung totoo ba o are they being honest or they just napakapulitiko lang ba o kung ano yung mga na-achieve ng mga candidates.
“Opinion-wise ng mga kabataan, if it’s really factual, I guess it’s okay. Depende rin sa mga pinu-post nila.
“There are some posts, like my daughter [Mariel de Leon], that I agree with. But, not all of the posts nag-a-agree ako. So, dun ako nagsasalita.
"And I always tell them na, 'Kung magpu-post kayo, you choose your words well na hindi naman nakakainsulto kayo o nakakasakit kayo o hindi ka sure kung totoo o hindi.'”
JERRY OLEA
Sabi naman ni Pilar Pilapil, na gumaganap bilang Blesilda, ina ni President Glenn Acosta, “Opinions are very good. It’s good for people to voice out whatever it is that they think or whatever it is that they feel.
"But, I think, what is important for the people, especially the young people nowadays, and the masses especially, to really focus more on the substance of a candidate.
“What kind of a person, what values does he have, what principle does he have, what experience does he have, the knowledge does he has about governing a country or running a country.
“Those are the things we need to focus more on. Kung ano ang kakayahan ng isang presidentiable at isang pulitiko.
“How honest they are, how real they are, and how selfless they are in serving the people. That’s what important, I think."
Maliwanag?
NOEL FERRER
Grabe, makakaapekto kaya na maraming ganap ngayong Valentine’s Day sa magpa-pilot na shows? We’ll see how the ratings go after airing tonight.
