PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: actress on ex-boyfriend courting female singer

Kampo ng aktor, gigil sa rekaksiyon ng aktres.
by PEP Troika
Published Feb 16, 2022
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

JERRY OLEA

The grass is greener on the other side.

Parang ganyan ang pinanghawakan ng isang poging aktor at gandarang aktres sa larangan ng career at pag-ibig.

Gumawa ng paraan ang poging aktor upang mapalapit sa gandarang aktres, kaya yumabong ang kanilang pagmamahalan.

Ewan kung biro ng tadhana pero kung kailan hulog na hulog na ang loob ng poging aktor, lumayo si gandarang aktres at tuluyang nakipaghiwalay sa kanya.

Labis na dinamdam iyon ng poging aktor.

Mabuti na lang at nariyan ang mabait na female singer na napaghingahan niya ng kanyang mga hinampo. Tinuksu-tukso ang poging aktor at mabait na female singer, at unti-unting naghilom ang sugat sa puso ng poging aktor hanggang umusbong ang bagong pag-irog.

Kinausap ng poging aktor ang ama ng mabait na female singer. Humingi siya ng permiso upang suyuin na ang dalaga.

Nabalitaan iyon ng gandarang aktres at nagmarakulyo ito, at tila gustong palabasing api-apihan siya at martir-martiran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gigil na gigil ang kampo ng poging aktor, dahil batid nila na may iba nang tinatangi ang gandarang aktres nang wakasan nito ang relasyon sa poging aktor.

GORGY RULA

May nababalitaan na kaming ligawan sa poging aktor at mabait na female singer. Posibleng na-develop na sila dahil na rin sa madalas nilang pagsasama sa trabaho, at nadadala na sa tukso at kantiyawan.

Ang dami kasing kinikilig sa tambalan ng dalawa, at nakikita ang magandang chemistry. Pero maingat si female singer dahil maaring umiiwas siya sa posibleng reaksiyon ng kabilang kampo.

Kaibigan niya ang gandarang aktres na dating girlfriend ni poging aktor, pero ewan ko lang kung friends pa rin sila hanggang ngayon. Tingnan natin sa Instagram nila kung nagpa-follow pa sila sa isa’t isa.

Pero sabi ng ilang taong malapit kay poging aktor, deserved nito ang lumigaya dahil napakabait nito. Wala siyang dapat silang ika-guilty sakaling manligaw na siya sa ibang babae, dahil wala siyang inagrabyado sa dating relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala siyang inapi at hindi siya ang nakipag-break. Itong si poging aktor pa raw ang naiputan sa ulo, may pagka-harsh na sabi ng isang taong malapit kay aktor.

Nagre-react ang kampo ng aktor sa ipinapalabas ng kabilang kampo na tila si gandarang aktres pa ang naapi at naloko, gayung si gandarang aktres ang nakipag-break at una ring na-link sa aktor na katrabaho niya.

Ayaw na lang palakihin ito ni poging aktor. Ayaw na niyang magsalita.

Ang mahalaga ay pareho na silang nakapag-move on at kailangan na rin nilang magmahal uli at lumigaya sa piling ng iba.

NOEL FERRER

Lagi kong sinasabi na water finds its level. You’ll end up with someone na bagay talaga sa iyo, sa personal man o sa career.

Baka nga inaayos na ni Cupido lahat sa pagitan ng poging aktor at mabait na female singer. Harinawa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results