JERRY OLEA
Umaatikabo ang halikan at harutan nina Markki Stroem & Khalid Ruiz, Kristof Garcia & Rex Lantano, at Elijah Filamor & Yam Mercado sa Episode 9 (“Nostalgia”) ng Love At The End Of The World, na nag-premiere streaming nitong Pebrero 17, Huwebes sa GagaOOLala.
Inspired iyon ng sukdulan sa finale ng American sci-fi drama na Sense8 na tinampukan nina Toby Onwumere, Doona Bae, Jamie Clayton, Tina Desai, Tuppence Middleton, Max Riemelt, Miguel Angel Silvestre, at Brian J. Smith. Mapapanood iyon sa Netflix.
Sa finale ng BL series na nilikha at idinirek ni Shandii Bacolod, pwetmalu sina Markki, Kristof, Rex, Yam at ang “bonus” na sina Aaron Concepcion at Mark Stephen Cuizon.

Aaron Concepcion and Mark Stephen Cuizon
Top sina Markki at Kristof; power bottom sina Khalid at Rex; versatile sina Yam at Elijah.
Meron na namang nakakapaglaway na eksena sina Rex at Kristof, na reminiscent ng kissing scene nina Vilma Santos at Bembol Roco sa pelikulang Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak (1978), sa direksiyon ni Celso Ad. Castillo.

Kristof Garcia & Rex Lantano
May pa-frontal muli sa dagat si Nico Locco. Na-resurrect ang sirena (Gold Aceron).
Kung nakakadarang at nakakawindang ang wakas ng unang season ng Love At The End Of The World, nakakakilig at kumukurot sa puso ang tatlong Kuwentong Jollibee ngayong Valentine season.
Wagas ang mga hugot sa mga palabas na ito na mapapanood sa Facebook page ng Jollibee, at YouTube channel na Jollibee Studios.
Pebrero 9, Miyerkules, nag-premiere ang “600 Days” na sequel ng love story nina Brian at Mina, sa Kuwentong Jollibee last year na “LDR.”
Akala nila ay tapos na ang long-distance relationship sa kanilang pagitan at magkakapiling na sila, pero may mga bagong pagsubok na hatid ang pandemya sa kanilang romansa.
Ang yummy-yummy rito ng Bench Body model na si Juan Carlos Galano bilang Brian. Napanood natin si Juan Carlos sa MMFF 2021 official entry na Nelia.

Ang “LDR” at sequel na “600 Days” ay parehong idinirek ni Antoinette Jadaone, na siya ring nagdirek ng “Dream Guy” na nag-streaming umpisa Pebrero 13, Linggo.
Istorya naman ito ng hallyu fan na si Kaye, na umaasam ng ultimate oppa love story. Pakiwari ni Kaye ay bida siya sa sariling K-drama nang magtagpo sila ni Jung. But reality bites. Nakaramdam si Kaye ng panlulumo nang matanto kung saan ang hometown ng dream boy niya.
Bukas, Pebrero 18, Biyernes, pa ipapalabas ang “ILY” na idinirek ni JP Habac, na nagdirek din ng short film na “One True Pair The Movie” starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo.
GORGY RULA
Sandali kong nasilip ang ilang eksena sa finale ng Love at the End of the World, napakibit-balikat na lamang ako. Wala na akong maiku-comment pa.
Nasimulan ko naman ang Season 2 ng Spanish mini-series na Toy Boy, at talagang umaalingasaw ang kakisigan ng mga Spanish actors na pinangunahan ni Jesus Mosquera.
May pasilip pa siya sa "kadakilaan" niya sa mainit na bed scene niya sa isa sa mga matronang kliyente niya sa Episode 3 (“El precio de los dioses”).

Dagdag sa cast pa rito ang magaling na aktor na si Enrique Arce na gumaganap na Arturo Roman sa Money Heist, at ang hunk na si Alex Gonzalez na napakagaling sa Vivir Sin Permiso o Unauthorized Living sa Netflix.
Samantala, nakakaaliw naman itong dalawang Kuwentong Jollibee for Valentine 2022 na idinirek ni Antoinette Jadaone.
Nakapagdirek muli si Antoinette sa naturang food chain, na muntik nang nagkaisyu nung hindi niya nagawa ang short film nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na One True Pair the Movie (35 minutes, 37 seconds).
Nung November 30 last year pa ito na-upload at so far, mahigit 6.1M views pa lamang ito sa YouTube, at yung may English subtitles ay naka-785K views naman.
Kabog ito sa Las Vegas wedding vlog (14 minutes, 15 seconds) nina Vice Ganda at Ion Perez, na naka-4.6M views na mula nang in-upload noong Pebrero 13, Linggo.
As we write this, yung “600 Days” ay naka-12M views na sa Facebook, at 8.7M views sa YouTube.
Yun namang “Dream Guy” ay naka-5.4M views na sa Facebook, at 2.8M views sa YouTube.
Kwentong Jollibee has released 36 short films since it was first introduced in 2017. Inspired by the genuine life experiences of the brand’s loyal customers, the episodes have resonated among Jollibee fans of all ages, marking more than 800M views on Facebook and YouTube.
Ito na kaya ang kalakaran ngayon?
Wala na ang labanan sa box-office sa mga sinehan. Hindi na rin ganun kataas ang labanan sa ratings ng mga TV shows.
Mas matindi na ngayon ang labanan sa paramihan ng views sa vlog, Facebook, YouTube channel, at live streaming.
NOEL FERRER
Napanood ko ang ilang episodes ng Love At The End Of The World, at tulad ni Tito Gorgy, yun na yun. Malinaw ang intensiyon ng creators at sana na-achieve nila what they are set out to do.
As for the Kuwentong Jollibee, patuloy itong inaabangan because the love stories happened to most, if not all of us, at talagang nakaka-relate tayo.
Ngayon, reality is more powerful that commercials and teleseryes … buti na lang ang mga ads at soaps ay may happy ending. Ang realidad natin, hindi pa sigurado.
