PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mamasapano movie shows fictional network war

"Hindi namin ginawa ito to put anyone in a bad light."
by PEP Troika
Published Feb 23, 2022
Mamasapano movie, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Edu Manzano
Sina Aljur Abrenica (holding a rifle), Paolo Gumabao (holding a mic), at Edu Manzano (in police general uniform) ay bahagi ng ensemble cast ng Mamasapano movie. Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng pakikipagbakbakan ng SAF commandos para madakip si Arwan at dalawa pang high-ranking terrorists sa isang madugong engkuwentro noong 2015.
PHOTO/S: Mamasapano movie trailer

GORGY RULA

Ang network war ng dalawang higanteng TV network ang isa sa ilalahad sa pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told.

Bahagi ng ensemble cast sina Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, at Edu Manzano.

Read: Edu Manzano nearly lost paraphernalia he borrowed from retired general Benjamin Magalong for Mamasapano movie

Based on true story ito kung saan ngayon lang daw nila isasalarawan ang buong pangyayari sa Mamasapano clash, kunsaan pumanaw ang 44 na miyembro ng Special Action Forces (SAF) ng Philippine National Police (PNP) noong taong 2015.

Pero ang pag-inject sa kuwento ng tungkol sa network war ay pawang fiction.

Liban sa network war ay buong katotohanan na ang lahat sa kuwento, ayon sa isa sa mga producer ng pelikula na si Atty. Ferdie Topacio.

Tinanong namin kay Atty. Topacio kung nakahanda sila sa posibleng buwelta ng mga taong involved dito, lalo na ang supporters ng namayapang dating Pangulo Benigno "Noynoy" Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka malagay sa di magandang imahe ang namayapang pangulo at ang iba pang involved kapag ilalabas nila ang buong kuwento sa naturang madugong labanan ng SAF 44.

"Wala tayong magagawa, e. This is a true story. Whether buhay siya o patay siya, eto ang istorya, e.

"Wala kaming binago at all," pakli ni Atty. Ferdie Topacio nang nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang linggo.

mamasapano movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ng lawyer-producer, "Yun ang istorya, e. Hindi namin ginawa ito to put anyone in a bad light, para ang tunay na istorya ay lumabas.

"Walang element ang script na ito na fiction. Ang fictionalized lang dito, yung character ni Ritz at saka ni Myrtle na bilang composite, yung symbolic na may namatay na nga, yung networks natin, nag-aagawan pa sa news instead of trying to help to deal with the truth.

"Yung ratings pa inatupag nila, nag-away pa rin sila. Parang symbolic lang ito ng network war ng dalawang malaking istasyon.

"Pero all the rest of the characters are the real people."

Sina Ritz Azul at Myrtle Sarrosa ay gumanap bilang news reporters.

mamasapano movie, ritz azul, myrtle sarrosa

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala raw silang binawas o idinagdag sa kuwento.

Ibinase nila ang materyal ng pelikula sa Board of Inquiry (BOI) report ni General Benjamin Magalong, at sa hearings ng Senate Committee on Public Order na pinangunahan ni Senator Grace Poe.

Iyon ang research materials ng scriptwriter na si Eric Ramos.

"Nag-public hearing naman na lumabas talaga kung sino yung may kasalanan, at interviews ng eye witnesses," ani Atty. Topacio.

Binanggit din niya ang mga personalidad na kasama ni Pangulong Aquino sa planning at execution ng Oplan Exodus, o secret operation para patumbahin ang tatlong high-ranking terrorists.

Kabilang dito si Director of Special Action Force (SAF) Police Director Getulio Napeñas at Chief Philippine National Police (CPNP) at Police Director General Alan Purisima.

"All the rest of the characters are the real people. Nandiyan sina Napeñas, si Purisima, si Mar Roxas, si PNoy… lahat 'yan…

"Wala silang i-react dahil sa movie na ‘yan tatlo lang ang sources.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang fiction diyan kundi yung character lang nung dalawang babae. Nilagay namin yung dalawang babae diyan, kasi walang babae, e, puro lalaki [sa police operation]."

Nasa post-production pa ang pelikula, at wala pa silang napag-usapang playdate, dahil gusto talaga nilang sa mga sinehan ito mapanood.

Balak daw sana nila bago mag-eleksyon ang showing nito o kaya sa June 12 para sa Philippine Independence celebration.

JERRY OLEA

Ipo-promote kaya ng GMA-7 at ABS-CBN ang Mamasapano: Now It Can Be Told kung pinapalabas ng pelikula na ratings ang priority nila?

Igigisa ba ng Kapuso at Kapamilya Network ang kanilang sarili sa sariling mantika?

Matapang kung sa matapang ang pelikula, at wala raw pakundangan sa paglalarawan sa namayapang Presidente Noynoy Aquino, na pumanaw noong Hunyo 24, 2021.

Tapos, Hunyo 12 ang target showing ng pelikula?

Enero 25, 2015 naganap ang Mamasapano clash sa Maguindanao—kasabay ng kaarawan ni dating Presidente Corazon Aquino, ina ni PNoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT HAPPENED IN MAMASAPANO CLASH?

Ang Mamasapano clash, o Oplan Exodus, ay ang madugong police operation na naging sanhi ng pagkamatay ng 44 SAF officers.

Layunin nilang mahuli ang Malaysian terrorist bomber at bomb maker na si Zulkifli Abdhir alias "Marwan" at dalawa pang high-ranking terrorists.

Nakabakbakan nila ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at private armed groups.

Ikinamatay rin ito ng 18 MILF members, at tatlong sibilyan.

Patung-patong na imbestigasyon ang isinagawa upang alamin kung ano ang tunay na nangyari sa shootout at kung sino ang dapat panagutin dito.

BOARD OF INQUIRY'S CONCLUSIONS

Ang resulta ng BOI investigation: nagkaroon ng break of chain of command si Pangulong Benigno Aquino III at ilan pang kasama sa planning at execution ng SAF operation.

Base sa conclusions ng BOI noong March 2015, na nalathala sa mga pahayagan, telebisyon, at online news sites, si noo'y Pangulong Aquino ang nagbigay ng go-signal sa pagsagawa ng Oplan Exodus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayagan ng Pangulo ang partisipasyon ni Purisma na noo'y suspindido ng Ombudsman.

Na-bypass umano ang chain of command nang makipag-coordinate ang Pangulo kay Napeñas sa halip na sa Officer-In-Charge ng PNP na si Police Deputy Director General Leonardo Espina.

Nagkaroon ng paglabag si Purisima nang hindi niya sundin ang suspension order ng Ombudsman.

Inatasan ng Pangulo si Napenas at Purisima na makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines para sa Oplan Exodus, at sinabi ni Purisima kay Napeñas na siya ang bahalang makipag-coordinate sa AFP.

Base pa rin sa report ng BOI, nagbigay si Purisima ng "inaccurate information" sa Pangulo nang sabihin nitong bumaklas na ang SAF Commandos at mayroong sapat na mechanized and artillery support ang mga ito.

Nalabag ang PNP Chain of Command nang sumunod si Napeñas sa instruction ng suspendidong si Purisima na huwag ipaalam ang Oplan Exodus kay DILG Secretary Mar Roxas.

Binanggit din sa BOI report ang iba pang lapses sa planning at execution ng Oplan Exodus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

What’s in it for Atty Ferdie Topacio para gawin ang pelikulang ito?

Mahalagang malaman ito. Kaninong interes ang kanyang pinagsisilbihan?

Ito ang magandang abangan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Aljur Abrenica (holding a rifle), Paolo Gumabao (holding a mic), at Edu Manzano (in police general uniform) ay bahagi ng ensemble cast ng Mamasapano movie. Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng pakikipagbakbakan ng SAF commandos para madakip si Arwan at dalawa pang high-ranking terrorists sa isang madugong engkuwentro noong 2015.
PHOTO/S: Mamasapano movie trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results