PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former MTRCB Chair Arenas on pros, cons of streaming platforms

Rachel Arenas says age-appropriate content need to be safe-guarded.
by PEP Troika
Published Feb 23, 2022
Rachel Arenas
Rachel Arenas on importance of safe-guarding age-appropriate content on streaming platforms: "Halimbawa, yung mga bata na may access sa selection that is so wide, kailangan pa rin natin ng parental control, di ba? Yun nga ang lagi naming sinasabi sa MTRCB na there are some shows that are really not age-appropriate."
PHOTO/S: Screengrab from TWBA

GORGY RULA

Batid ni dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Ma. Rachel “Baby” Arenas na may advantages at disadvantages ang paglipana ng streaming services gaya ng Netflix, HBO Go, Vivamax, iWant TFC, KTX, at marami pang iba.

"Positive because siyempre, during the pandemic, and with the closure of the [ABS-CBN] network, naging limited yung napapanood ng tao," pahayag ni Rachel nang mainterbyu namin noong Pebrero 20, Linggo ng hapon, sa Arenas Farm, Malasiqui, Pangasinan.

"And because there are now a lot of content providers, positive dahil mas maraming mapagpipilian ang mga tao para sa mapapanood nila.

"For example, kung meron kang Smart TV, mapapanood mo ang iba’t ibang news all over the world.

"In terms of that angle, yung reach ng information, positive po."

Pero ipinunto rin ni Rachel na mahalagang bantayan kung age-appropriate ang content dito.

Paliwanag niya: "Halimbawa, yung mga bata na may access sa selection that is so wide, kailangan pa rin natin ng parental control, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun nga ang lagi naming sinasabi sa MTRCB na there are some shows that are really not age-appropriate.

"Para sa amin, yun naman talaga ang binabantayan namin. Kasi, there are some shows that they [children or teenagers] won’t be able to understand.

"And kung wala talagang mag-eksplika, dahil napanood nila, dala-dala na nila iyon. Paniniwala na nila iyon hanggang paglaki nila."

Kaya naniniwala si Rachel na mahalagang may say ang MTRCB sa pag-regulate ng content sa streaming platforms.

Read: Former MTRCB Chair Rachel Arenas on online streaming services: "Pasok din siya sa MTRCB."

Sabi ni Rachel: "So, it has to have a balance, di ba? Na may magre-regulate, pero at the same time, acceptable din sa mga stakeholders yung how we will all regulate.

"Dahil they have to also self-regulate eventually."

Pero mahabang usapin pa iyon. Hindi pa kasi klaro kung nasa scope nga ba ng MTRCB ang paggabay sa online content.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang itatag kasi ang ahensya noong 1986 ay movies at television content pa lamang ang platform sa bansa.

Nagbitiw si Rachel bilang MTRCB chair kaalinsabay ng pagpa-file niya ng kandidatura noong Oktubre 1, 2021 para congresswoman ng third district ng Pangasinan.

Nanghinayang ba siyang hindi na niya matututukan ang usapin sa streaming platforms dahil may iba na siyang responsibilidad na kakaharapin?

"Naniniwala naman ako na kung sino man po yung nasa ahensya would still… you know, ang main ano ho namin is to protect the children," lahad ni Rachel.

"And if you have that in mind, for sure, you will have programs or projects that will protect the children.

"Naniniwala ako na kung sino man ang ilalagay diyan in the future—siyempre po, ilang buwan na lang, e, mag-eeleksyon na—would always have in their mind that they are there to protect the interest of the children.

"I mean, I still have faith na yun ang magiging concern nila… Iyon ang first and foremost priority sa ahensya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Nang magbitaw si Rachel bilang chairperson ng MTRCB, tuluyan na rin ba niyang iniwan ang industriya ng pelikula at telebisyon?

"Hindi! Hindi! I would still always find ways para makabangon yung industriya,” mabilis na tugon ni Rachel.

"Kasi, sobrang naapektuhan. Lalo na yung mga kaibigan natin na artists, dati, gabi-gabi, e, may gig sila. Ngayon, wala nang ganun.

"Nagsara nang matagal ang mga sinehan. And medyo naapektuhan din sila dahil siyempre, ang mga tao na dati ay pumupunta sa sinehan, ngayon, e, nanonood online.

"Like yung MMFF, kung saan I’m one of the jurors, hindi pa rin ganun karami ang pumunta sa sinehan at the time. Siyempre, takot din sila sa pandemya.

"So, we have to really work together to help the industry bounce back. And kung saan man po ako makarating, I would always be grateful to the industry that I served."

Nakikita ba niyang meron pa ring pag-asa ang movie and TV industry, maging ang bansa, kahit magtagal pa ang COVID-19 pandemic?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I just always make bilin na hindi pa tapos yung pandemya. Tulungan niyo po ako and still continue to wear your mask," sambit ni Rachel.

"Social distance, and wash your hands. Because the pandemic is not over. At para makabangon tayo muli, we have to help each other.

"Kaya nga po pag may events po kami, kung napapansin niyo po dito, kahit yung mga plato namin, may social distancing! Ha! Ha! Ha! Ha!"

NOEL FERRER

Talagang pagiging lingkod-bayan ang naging priority na ng kaibigang Rachel Arenas. Naging solid naman ang kanyang serbisyo at naisaayos niya ang pamalakad ng MTRCB noong panahon niya.

Ang pangako ko kay Rachel, kapag nagkaoras siya at nagka-break sa kanyang public service ay hahanapan ko siya ng love life.

Sana nga, magkaoras din siya sa pag-ibig. Sa ngayon, good luck muna sa kanyang pagtakbo sa Kongreso.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rachel Arenas on importance of safe-guarding age-appropriate content on streaming platforms: "Halimbawa, yung mga bata na may access sa selection that is so wide, kailangan pa rin natin ng parental control, di ba? Yun nga ang lagi naming sinasabi sa MTRCB na there are some shows that are really not age-appropriate."
PHOTO/S: Screengrab from TWBA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results