PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Barretto at Xian Lim, may intimate love scene sa Bahay Na Pula

Julia Barretto, may body double sa kababalaghang mararanasan sa Bahay Na Pula.
by PEP Troika
Published Feb 24, 2022
Julia Barretto, Xian Lim, Bahay Na Pula
Gumanap na newlywed couple sina Julia Barretto at Xian Lim sa horror film na Bahay Na Pula kunsaan mayroon silang love scene. Pero mayroong body double si Julia sa isang kababalaghang mararanasan ng karakter niya sa kuwento.
PHOTO/S: Bahay Na Pula trailer

GORGY RULA

Natutuwa si Direk Brillante Mendoza kay Xian Lim dahil nakitaan niyang seryoso rin ang aktor sa pagdidirek.

Ang ganda raw ng bonding nila sa Pola, Oriental Mindoro dahil tuwing break time o kaya pagkatapos ng shooting ng Bahay na Pula ay nagkakausap sila.

Maraming tinatanong si Xian sa kanya sa iba’t ibang istilo ng pagdidirek.

Lahad ni Direk Brillante, "Mahaba yung pag-uusap namin ni Xian kaya siguro naging malapit din kaming lahat sa isa’t isa.

"Lahat ng mga artista dun, kasi gustung-gusto talaga nilang makipag-usap, tumatambay after ng shooting, ganyan.

"Si Xian, ang gusto niyang tahakin sa kanyang career, hindi lang ang acting kundi ang pagdidirek.

"Unlike sina Julia at Marco, interested talaga pag-usapan sa acting saka sa buhay."

Ang tinukoy ni Direk Brillante ay sina Julia Barretto at Marco Gumabao na co-stars ni Xian sa pelikula.

"Si Xian, talagang mararamdaman mo talagang gustung-gusto niya talaga matuto.

"I appreciate that. Hindi naman ako maramot pagdating sa ganyan. Kapag nagtanong, sinasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Saka, I’m very frank. Napaka-straightforward ko kasi para matuto sila at malaman din nila, since humihingi din naman sila ng advice sa akin, e, siguro naniniwala naman sila sa proseso ko.

"Ako naman, willing naman akong i-share," pahayag ni Direk Brillante nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules, February 23, 2022.

May isang pelikulang ididirek si Xian para sa Vivamax, at natutuwa si Direk Brillante dahil talagang pinag-aaralan daw ito ng aktor.

Dito sa Bahay na Pula ay mas lamang ang role ni Xian kesa kay Marco. Bagay naman kasi sa kanya, at hindi naman ito isyu kay Marco.

Ang mahalaga raw kay Marco, nakatrabaho niya si Direk Brillante Mendoza.

Magsisimula ang streaming ng Bahay na Pula sa Vivamax sa Biyernes, February 25.

Horror ito at ibang-iba sa mga madalas nating mapapanood sa naturang streaming platform.

Sabi ni Direk ay para iba-iba rin ang mapapanood ng mga tao sa Vivamax.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Alam naman natin na karamihang subscriber ng Vivamax ay gustong makapanood ng mga sexy films.

"Pero siyempre, ang Vivamax ay hindi naman gagawa ng puro sexy, kasi mananawa ang mga tao, kahit sa mga artista, di ba?

"E, ang gusto natin ay yung mga pangmatagalan. Kasi, tulad niyang may iba-ibang genre. Hindi lang sexy, may action katulad ng ibang pinu-produce sa Viva. May action, may thriller, may horror.

"So, magkakaroon ng variety, ‘no? Para hindi magsawa at magkakaroon ng choices ang mga viewers at saka mga subscribers.

"I think, isa ito sa parang paraang ginagawa ng Viva na in the future marami din silang mga choices, at marami rin silang pinu-produce ngayon ng iba’t ibang directors na ibang genre," saad ni Direk Brillante Mendoz

JERRY OLEA

Kakaibang Julia, Marco at Xian ang matutunghayan sa horror movie na Bahay na Pula.

Maraming “first” dito si Julia.

Tila isa na rito ang pagkakaroon niya ng intimate love scene sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kuwento, gumanap na newlywed couple sina Julia (Jane) at Xian (Marco) na bibisita sa Mindoro para tingnan ang ancestral house na minana ni Julia sa kanyang lola.

Mayroon silang love scene roon, base sa trailer ng Bahay Na Pula.

Horror ang tema ng pelikula dahil ang karakter ni Julia na si Jane ay may kababalaghang mararanasan habang nananatili roon sa Bahay Na Pula.

Si Marco (Anton), hindi naghubad. Ni hindi nagpakita ng abs.

"Medyo wholesome character ko po rito. Wala akong love scene dito," sambit ni Marco bago ang special screening ng Bahay na Pula noong Pebrero 21, Lunes, sa isang mall sa Quezon City.

Ang pwetmalu na nasa teaser ng movie ay si Yoshihiko Hara na gumanap bilang isang sundalong Hapon. Ang pina-pump niya sa eksena ay dobol kay Julia—ang kasintahan niya.

Bago ang screening ng movie noong Monday, nagdasal muna sa pangunguna ng host.

Sabi ng host, idalangin din lahat ng mga naging biktima ng Bahay na Pula. Inurirat ko si Direk Brillante kung inspired ba sa mga tunay na pangyayari ang istorya ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meron kasing Bahay na Pula, di ba, sa Bulacan? Dun talaga yung mga comfort women, yung past," paliwanag ng multi-awarded director.

"Of course, kahit gumagawa tayo ng mga ganitong kuwento, ‘no, kababalaghan and all…

"And since ang history natin dito ay nakaakabay, especially with the comfort women, so, we also don’t want to forget that.

"Kaya nga natin siya ini-incorporate dito, kahit na sinasabi natin na genre itong ginagawa natin, horror genre.

"Still we would also like to remind our viewers our past."

NOEL FERRER

Dahil kauna-unahang pagtatrabaho nila kasama ang isang premyadong direktor—sa isang bagong genre—sana ay tunay na nakakatakot ang horror film na ito. At tatatak at hindi dadaan lamang.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumanap na newlywed couple sina Julia Barretto at Xian Lim sa horror film na Bahay Na Pula kunsaan mayroon silang love scene. Pero mayroong body double si Julia sa isang kababalaghang mararanasan ng karakter niya sa kuwento.
PHOTO/S: Bahay Na Pula trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results