GORGY RULA
Ang suwerte ni Edgar Allan Guzman dahil tuluy-tuloy ang shows niya sa GMA-7. Patapos pa lang ang weekly comedy series na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, may kasunod na siya agad, ang primetime series na Widows’ Web.
Hindi na nga siya nakasama sa mga huling taping ng sitcom dahil na-lock-in at naka-focus na siya sa Widows’ Web.
Isa sa paghahanda ni EA ay nagpaganda siya ng katawan. Kapansin-pansin sa TikTok account niya na ang laki ng ipinagbago ng kanyang katawan na bumagay sa role ng aktor sa Widows’ Web.

Pero sabi naman ng Kapuso actor, hindi lang para sa show iyon kundi para na rin sa sarili.
"Siyempre, hindi naman ako bumabata, e. Kailangan kong may something to offer na bago para sa kanila. Para pag makita nila ako, 'Ah, may iba kay EA.' Para sa akin, malaking bagay yun," pakli niya.
Kaya naman proud siyang naipu-post ito sa TikTok.
"Dinadala ko sa TikTok. Dito sa lock-in, pag wala akong taping, rest day namin, naghahanap talaga ako ng time para may maipakita ako para alam din ng mga sumusuporta sa akin kung ano yung ginagawa ko," sabi pa niya.
Bukod pa riyan, kailangan din niyang ma-maintain ang ganda ng katawan para na rin sa kanyang Bench Body endorsement.
Saad ni EA, "Kailangan ko lang din patunayan o ibalik din sa Bench Body sa pagkuha nila sa akin bilang isang endorser.
"I’m very grateful to them, kasi kahit medyo matanda na tayo, nag-trust sila sa akin na i-endorse yun.
"Kailangan ko na din na iano yung sarili ko. Kumbaga, para may kakaiba namang EA sila na every year na makikita sa akin."
Magsisimula na sa Lunes, February 28, ang Widows’ Web kapalit sa timeslot ng Mano Po Legacy: The Family Fortune na matatapos na ngayong gabi, February 25.
JERRY OLEA
Masaya tayo kay EA at hindi siya nawawalan ng trabaho sa Kapuso Network.
Sa pagtatapos ng madramang "The Family Fortune" installment, abangan natin ang romcom na Mano Po Legacy: Her Big Boss kung saan bida sina Ken Chan, Bianca Umali, at Kelvin Miranda.
Nasa cast din nito sina Pokwang (na kagaya ni EA ay galing sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento), Teejay Marquez, Arlene Muhlach, Ricardo Cepeda, at Marina Benipayo.
Pati na rin sina Sarah Holmes, Tyrone Tan, Sarah Edwards, Hayley Dizon, Lime Aranya, Jem Manicad, at Phi Palmos.
Sa Marso 14 na ba ito eere?
NOEL FERRER
We’ve always believed na EA is one of the best actors of his batch. So we expect him to up his game and do his best always.
Good din na he has already acquired the dream house for his family.
Read: Edgar Allan Guzman, three years pinag-ipunan ang bahay para sa ina
At least, ibang purpose ang hatid nun sa kanya. All the best, EA!
