GORGY RULA
Live ang All-Out Sundays sa Linggo, February 27, at ang isa sa aabangan ay ang collaboration ng mga biriterang The Clash champion na si Jessica Villarubin at Katrina Velarde.
Pero may isa silang bagong segment na tiyak na pagpiyestahan ng mga Marites.
Parang Tsismax Sakalam daw ang segment na ang maghu-host nito ay si Marites na gagampanan ni Boobay, at si Marisol na gagawin naman ni Pekto.
Tampok dito ang special guests nilang sina Bea Alonzo, Jasmine Curtis-Smith, Mark Herras, Rhian Ramos at kasama rin ang isa sa hosts na si Julie Anne San Jose at halos regular na rin na si Tom Rodriguez.
Isasalang daw sila sa game na parang Stop dance na kung sino ang gagalaw ay kailangang sagutin niya ang mainit na tanong nina Marites at Marisol.
Nakakaaliw panoorin ang ganitong mababaw na game, kagaya ng ginagawa ng mga Dabarkads sa Eat Bulaga, na napagtripan nina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Allan K na mag-Trip to Jerusalem.
Muling kinilig ang mga loyal AlDub fans nang magkatulakan sa isang upuan sina Alden at Maine.
Ganun lang na ka-cheapang game, pero nakakatuwang panoorin.
Abangan naman natin itong pa-Stop Dance ng mga ka-AyOS kung game nilang sasagutin ang mga isyung kinasangkutan nila.
Sasagutin kaya ni Julie Anne kung totoong nililigawan na siya ni Rayver Cruz?
O kukumpirmahin kaya ni Rhian Ramos ang tsismis na may karelasyon daw itong super yaman na negosyante at pinapasok na rin ang pulitika?
Ano kaya ang aaminin ni Bea tungkol sa kanila ni Dominic Roque?
Abangan natin ito sa AOS bukas!
JERRY OLEA
Mas nakakaintriga siyempre kung uuriratin si Bea tungkol kina Gerald Anderson at Julia Barretto pero malabong gawin iyon nina Marites at Marisol.
Sa tingin ba ninyo, mangangahas sina Marites at Marisol na ungkatin kay Tom ang kaganapan sa kanila ni Carla nitong “The Last Five Months”? (Pasintabi sa movie nina Tom at Meg Imperial na The Last Five Years, na mag-i-streaming na sa Marso 4, Biyernes sa Vivamax.)
Sapat na sa atin kung may pakilig na pagbubunyag si Julie Anne sa estado nila ni Rayver as friends. Hindi naman sila magba-Baguio, di ba?
Kung live ang All-Out Sundays ng GMA 7, “best of the best” naman ang hatid ng ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Balikan ang exchange hits biritan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown." Pakatutukan muli ang kilig surprises nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, KD Estrada at Alexa Ilacad, kasama sina Janine Berdin at Diego Gutierrez.
May pa-throwback na rock-and-roll sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Kyla, Nyoy Volante, Janella Salvador, AC Bonifacio, Enchong Dee, Jeremy G, Edward Barber, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Jameson Blake, Charlie Dizon, Karina Bautista, at Aljon Mendoza.
Andiyan din ang dance showdown nina Chie Filomeno at Kim Chiu, collab nina Gary V., Darren, at Kyle Echarri, plus senti kantahan ng Ben&Ben kasama si Moira dela Torre.
Meron pang Pinoy classics tapatan ng New Gen Birit Divas na sina Janine Berdin, Sheena Belarmino, Lara Maigue, at Elha Nympha, at ang world-class payanig ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.
NOEL FERRER
With all the shows sa noontime, parang we are back to light stuff at parang ayaw ng mga tao ng mabigat at mataas at magpapaalala sa kanila ng salat na buhay na meron sila.
Then we have the ones that we watch daily and weekend na noontime shows—sadyang aliw lang at wala nang pretensyon ng kakaibang layunin.
Kaya naman sa dami ng nangyayari sa bansa, parang escapism ang ino-offer ng mainstream media.
Ang social media at kahit ibang platforms, nagtatangkang magbigay ng kakaibang worthwhile content. Choose your own na bale—whatever serves your purpose.
Challenge ito sa mainstream media to catch up… sa content and form na hindi pangkomersyo lamang.
