PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marites and Marisol segment ng All-Out Sundays, kulang sa pasabog?

Painit nang painit ang chismax sa Marites and Marisol segment!
by PEP Troika
Published Feb 27, 2022
Gabbi Garcia
Bianca Umali
Tila kulang sa pasabog ang mga revelation ng mga Kapuso stars na isinalang sa bagong segment ng All-Out Sundays na "Marites and Marisol." (Photo: Gabbi Garcia/Bianca Umali / Screen grab from All-Out Sundays)

GORGY RULA

Kahit safe ang sagot ng mga Kapuso stars na isinalang sa bagong segment ng All-Out Sundays na "Marites and Marisol," kuwela pa rin naman at nairaos nila ito na hindi nakapagbigay ng pasabog na sagot.

Mala-tsismas sakalam nga raw ang dala ng dalawang host nito na si Boobay bilang si Marites, at si Pekto bilang si Marisol.

Isinalang sina Mark Herras, Rhian Ramos, Jasmine Curtis Smith, Julie Anne San Jose, Tom Rodriguez at Bea Alonzo.

Tanging si Bea lang ang deretsong sumagot sa tanong kung siya nga ba ang nag-initiate sa first kiss nila ni Dominic Roque.

“Oo! Bakit ba? Gusto ko e,” deretsong sagot ni Bea.

“Ako ang nanguna. Tingnan n'yo sa vlog ko iyan,” dagdag pa niyang sagot.

Safe at hindi naman gaanong pasabog ang tanong kina Mark, Rhian at Jasmine na paliguy-ligoy ang sagot.

Ang pinakakaabangan siyempre ay si Tom Rodriguez. Inaasahan ng lahat na itatanong ang tungkol sa isyung kinasangkutan nila ni Carla Abellana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito ang tanong na dapat mong sagutin talaga! Pangmalakasan! Makinig ka, dahil ibubulong lang namin sa ‘yo,” sabi ni Marites (Boobay).

Eme-eme lang ang ginawa nila na kiyemeng ibinulong nina Marites at Marisol ang kanilang tanong, at ibinulong din ni Tom ang sagot.

“Ay, totoo! Grabe!” tili pa ni Boobay (Marites).

Kung ano raw ang ibinulong nila, abangan na lang bago matapos ang show. Pero obvious namang iniiwasan na lang talaga ang totoong isyu.

Hindi naman kasi tsismis show ang AOS, kaya walang rebelasyon at pasabog na ginawa sa naturang segment.

Samantala, hindi rin nakaligtas si Julie Anne San Jose sa isyu nila ni Rayver Cruz.

Kaya pagdating sa kanya, deretsong tinanong siya kung totoo bang may isang Kapuso male star na kinausap ang kanyang ama dahil may intensyon itong manligaw sa kanya.

Obvious kung sino ang tinutukoy, dahil sinabi pa ni Boobay na wala raw ito sa stage.

Nasa lock-in taping ng Bolera si Rayver kaya wala siya sa naturang show. Pero nandun ang kapatid na si Rodjun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Marami kasing nakakausap yung tatay ko. Kaya ano…” ganun lang ka-safe ang sagot ni Julie Anne.

Mukhang itutuluy-tuloy na nila ang segment na ito, at ganun na rin si Tom dahil kasama pa rin siya sa taping ng All-Out Sundays.

JERRY OLEA

Sa tamang panahon at pagkakataon, masasagot din ang mga mahiwagang tanong.

Laru-laro lang iyang pangmalakasang tsismisan nina Marites at Marisol sa All-Out Sundays, kaya hindi tayo expectorant ng payanig o pasabog.

Natuwa na tayo sa pakilig ni Bea, at sa pa-tweetums ni Julie Anne. Abangers tayo sa mga susunod na sasalang sa segment na iyan.

NOEL FERRER

Parang tumuloy na ang buhay kahit hindi pa totally nawawala ang Covid.

May kani-kanyang isyu sina Tom, Julie Anne, at Rayver na kailangang tugunan.

Pero aaliwin na lang ba natin ang ating sarili sa kanilang pagpapaligoy ng sagot?

We have better things to do than just wait for those supposed answers, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila kulang sa pasabog ang mga revelation ng mga Kapuso stars na isinalang sa bagong segment ng All-Out Sundays na "Marites and Marisol." (Photo: Gabbi Garcia/Bianca Umali / Screen grab from All-Out Sundays)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results