Direk Joel Lamangan to FDCP Chair Liza Diño: "Mawawala si Duterte pero siya, andiyan pa rin."

by PEP Troika
Feb 28, 2022
joel lamangan, liza dino
FDCP Chair Liza Dino on Direk Joel Lamangan: “Minsan, inookray niya ang ginagawa ko, ‘Ano ba ‘to?! Hindi naman maganda ang ginagawa mo!’ Naggaganyan siya minsan. But he loves us. He’s always been very supportive, lalo na if it’s for the workers. Nagbibigay siya ng inspirasyon.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @lizadino on Instagram

JERRY OLEA

Pinaiyak ni Direk Joel Lamangan si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño bago mag-umpisa ang programa ng Film Ambassadors’ Night (FAN) nitong Pebrero 27, 2022 Linggo, sa Metropolitan Theater ng Manila.

Nakipagtsikahan si Chair Liza kay Direk Joel at mga kaibigang showbiz writers sa cocktails area.

“After ni Duterte, saan ka na?” usisa ni Direk Joel kay Chair Liza. “Dapat, ikaw pa rin!”

Natuwa si Chair Liza, lalo na nang aminin ng premyadong direktor, “I never liked Duterte but I like her. Dito ka lang, ‘neng! Marami ka pang matutulungan!”

Na-touch si Chair Liza, at dala na rin siguro ng pagod sa paghahanda sa nasabing event, bigla siyang napaluha sa pag-appreciate ni Direk Joel sa kanyang efforts for the industry.

“Totoo yun, malaki ang naitulong mo sa industriya! Marami kang nagawa para sa mga manggagawa!” sabi pa ni Direk Joel, as if mino-motivate lalo si Chair Liza.

Continue reading below ↓

Pagbabalik-tanaw ng FDCP Chair, “Love ko 'yang si Direk. I respect him so much. You know, nung first year ko sa FDCP, kaya ko nalaman kung ano ang kailangan ng industriya is because of him.

“He never stopped supporting me, lalo na pag kailangan namin siya. ‘Direk, kita po tayo.’ Nagdi-dinner kami. Binibigyan niya ako ng mga advice. I am so grateful.”

Pagdidiin ni Direk Joel, “Talagang ayaw ko si Duterte! Siya [Liza], okay! Pero si Duterte, ayoko! You have to stay here!”

Honest daw lagi si Direk Joel kay Chair Liza.

Dagdag ng beteranong direktor, “I was never busy when she called. Andiyan ako. I have always been honest to her.”

Tuluy-tuloy ang pagluha ni Chair Liza, mabuti na lang at andiyan si Bambbi Fuentes para i-retouch ang make-up niya.

“Kahit naiiyak na siya, honest ako sa kanya!” bulalas pa ni Direk Joel.

Pag-amin ni Chair Liza, “Minsan, inookray niya ang ginagawa ko, ‘Ano ba ‘to?! Hindi naman maganda ang ginagawa mo!’ Naggaganyan siya minsan.

Continue reading below ↓

“But he loves us. He’s always been very supportive, lalo na if it’s for the workers. Nagbibigay siya ng inspirasyon.”

“Namana” raw ni Chair Liza kay Direk Joel ang pagiging workaholic kahit may pandemya.

Pananalig pa ni Direk Joel kaya napaluha lalo si Chair Liza, “Mawawala si Duterte pero siya, andiyan pa rin.”

Si Chair Liza ay appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte, na matatapos na ang termino sa June 30, 2022.

GORGY RULA

Ganun kaemosyunal si FDCP Chair Liza marahil dala na rin ng pagiging artista, at sa sobrang passion na ibinibigay niya sa lahat ng kanyang ginagawa.

Maaaring nagse-senti na rin siya dahil itong Film Ambassadors’ Night (FAN) ang isa sa huling event ng FDCP sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Nandiyan pa rin ang hangarin niyang magsilbi sa movie industry. Kahit wala na siya sa FDCP ay willing pa rin daw siyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya.

Aware din si Undersecretary Diño na may mga hindi pa rin umaayon sa kanyang pamamalakad sa FDCP. Marami naman daw siyang natutunan dito, kaya nagpapasalamat pa rin siya.

Continue reading below ↓

“Ang dami kong natutunan,” pakli niya sa nakaraang mediacon ng FAN nung February 22, Martes.

“It was such a humbling experience for me to realize na ang pagiging isang leader, hindi lang para pakinggan ka at sundin ka at suportahan ka sa lahat ng ginagawa mo.

“Being a leader is being ready and being humble enough to accept that may negative feedback na mabubuo… at the more ka maging leader is you are open to listen to these negative feedbacks para lalo mong maipag-ibayo ang goal mo bilang isang namumuno.

“It’s a big responsibility at hindi mo ma-imagine na ganun pala yung hinihingi sa akin bilang isang tao. Kasi, my first two years in FDCP, pumasok ako bilang isang artista.

“Ang ini-expect ko, e artista ako, siyempre emotional ako, dapat naintindihan niyo ito, kasi nagpunta ako dito na ganito ako, di ba?

“I have to step back and really change yung perspective ko bilang isang leader, na hindi ko dapat i-expect na maintindihan ako ng lahat.

Continue reading below ↓

“Hindi ko dapat i-expect na pag nagiging masyado akong emotional sa mga bagay-bagay, dapat ma-gets nila yun,” dagdag niyang pahayag.

May mga nambabatikos pa rin sa kanya, at tanggap niya ito dahil aminado si Chair Liza na may pagkukulang din siya.

“Lahat yun, nagturo sa akin kung ano na yung pinaka-effective na paraan para lalo kong masuportahan yung industriya na hindi iniisip yung sarili ko, kundi yung kapakanan ng buong industry.

“So, maraming sacrifices, kasi marami kang matututunan tungkol sa sarili mo. Para lalo kang maging effective, gagamitin mo yung mga sinasabi nila sa ‘yo para i-self check mo, maging self-aware ka.

“Sa mga hindi pa naniniwala at hindi pa rin sumasang-ayon sa mga inisyatibo na ginagawa ng FDCP, I will do better. I will be better para mas makarating tayo sa goal natin na magkaroon talaga tayo ng pagkakaisa. Kasi ang dami nating kailangang i-address,” saad pa ni FDCP Chairperson Liza Dino-Seguerra.

Continue reading below ↓

Lumipad siya pa-Bacolod City ngayong Lunes ng umaga, February 28, para paghandaan ang reopening ng FDCP Cinematheque Negros sa Marso sa Negros Museum.

NOEL FERRER

Tayo ay may iba’t ibang paliwanag at may iba’t ibang opinyon. Tingnan na lang natin ang katotohanan ng sitwasyon natin ngayon: ang industriya ng pelikula ay naghihingalo at kailangan ng higit pang ayuda.

Ang Star Cinema at Regal ay maghahanap ng lahat ng paraan para manatiling buhay. Ang tanging active ngayon ay ang Vivamax.

Sana, makatulong pang lalo ang FDCP along these lines.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chair Liza Dino on Direk Joel Lamangan: “Minsan, inookray niya ang ginagawa ko, ‘Ano ba ‘to?! Hindi naman maganda ang ginagawa mo!’ Naggaganyan siya minsan. But he loves us. He’s always been very supportive, lalo na if it’s for the workers. Nagbibigay siya ng inspirasyon.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @lizadino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results