PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aga Muhlach, never ipinagyabang ang charity acts niya noong kabataan

Aga Muhlach, magbibigay-pugay sa random acts of kindness ng mga Pinoy
by PEP Troika
Published Mar 6, 2022
Aga Muhlach
Bida Kayo Kay Aga
Si Aga Muhlach ang host ng bagong feel-good, inspirational reality show ng Net 25 na Bida Kayo Kay Aga, na magbibigay-pugay sa mga selfless acts of random kindness ng mga Pinoy.

GORGY RULA

Isa sa madalas na ikinakantiyaw kay Aga Muhlach ay ang pagiging kuripot nito.

Natatawa na lang ang aktor, kaya natutukso siyang pahirapan daw maharbatan.

Pero lingid sa kaalaman ng karamihan, ang dami nang natulungan ni Aga at nabago ang buhay, pero tahimik lang siya at hindi niya ito ipinagyayabang.

Naibahagi lang ito ng aktor nang napag-usapan na ang pagtulong sa bago niyang programang Bida Kayo Kay Aga na mapapanood simula March 26 ng 7:00 pm sa Net 25.

Aga Muhlach

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay isang feel-good, inspirational reality show na magpapakita ng kabutihang puso ng mga ordinaryong Pinoy.

Ani Aga, “Mula nung binata ako, hindi ko lang nasasabi, madami akong natulungan talaga.

“Madami akong napasayang tao, at hanggang ngayon pag binabalik-balikan ko yun, meron akong mga pamilyang, mga anak nilang napagtapos ko ng pag-aaral. Meron akong nabigyan ng shelter. Meron akong nabigyan ng hanapbuhay.

“Ngayon ko lang pag-uusapan ito, and even now, sabi ko walang tatalo talaga sa ligayang nakikita ko sa kanila na tuwang-tuwa sila, yung pasasalamat nila na dahil dun, hindi ko kasi sila nabigyan ng poot, binigyan ko sila ng buhay.

“Nabigyan ako ng pagkakataon na tumulong sa kanila nang lubus-lubusan. And hanggang ngayon, hindi makakalimutan na para sa akin, yun ang nagpabida sa puso ko na itong mga taong ito, in my own little way, I was able to save a lot of people, ang natulungan ko through the years mula nung binata pa ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay nararamdaman daw niya ang kakaibang tuwa kapag lumalabas siya para kapanayamin ang ilang pini-feature nila sa Bida Kayo Kay Aga.

Iba raw talaga ang feeling kapag nakikita ang sobrang tuwa ng mga taong nabibigyan nila ng tulong, lalo na pag sinorpresa sila ni Aga na siya pala ang mag-iinterbyu.

JERRY OLEA

From ABS-CBN, lumipat si Aga sa TV5, at bumalik kapagkuwan sa Kapamilya Network. Ngayon ay nasa NET 25 naman siya.

Sa mga Top 20 programs everyday ng AGB Nielsen NUTAM Ratings ay ratsada ang accumulated ratings ng GMA-7 at GTV, at pumapasok ang kumbinasyon ng ratings mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Cine Mo, Jeepney TV at Teleradyo.

Siyempre, meron din yung sa GMA-7 lang, GTV o TV5.

Hindi mapasusubalian na isa si Aga sa pinakamahuhusay na artista ng local showbiz.

Wish ko lang na mapanood muli si Aga sa isang palabas sa GMA-7, GTV o TV5, sa drama man o comedy, o kahit sa paghu-host.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Sana, mapanood natin si Aga at his best. Ngayon, nag-e-enjoy lang siya sa kanyang hosting.

Alam ko, may magandang offer sa kanya para isang magandang relevant drama.

Sana tanggapin niya ito!

Nakaka-miss si Aga in his acting element.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Aga Muhlach ang host ng bagong feel-good, inspirational reality show ng Net 25 na Bida Kayo Kay Aga, na magbibigay-pugay sa mga selfless acts of random kindness ng mga Pinoy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results