DJ Loonyo, sasabak na sa pag-arte; pasok sa cast ng Niña Niño ni Maja Salvador

by PEP Troika
Mar 7, 2022
dj loonyo
DJ Loonyo on his dive into acting: "Sobrang tuwa ko… and that’s a challenge for me po na sumabak sa ganitong industriya. Kung ano man po yun, I believe na yun ang magpapa-grow pa sa akin, and mas mag-o-open pa ng doors kung ano ang puwede kong pangarapin sa buhay."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Mag-aartista na ang dancer-choreographer si DJ Loonyo!

Ready na siyang umarte sa teleseryeng Niña Niño (TV5) na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

“Dati, napi-picture ko na po yun,” sabi ni DJ Loonyo sa first anniversary celebration ng Crown Artist Management nitong Marso 6, 2022, Linggo, sa Studio 28, BGC, Taguig City.

“Kasi, ang sayaw at pag-akting po ay hindi nagkakalayo. Sa sayaw, lalo na po sa contemporary dancing, nag-a-acting po talaga.

“So, yun po. Sobrang tuwa ko… and that’s a challenge for me po na sumabak sa ganitong industriya.

“Kung ano man po yun, I believe na yun ang magpapa-grow pa sa akin, and mas mag-o-open pa ng doors kung ano ang puwede kong pangarapin sa buhay.”

Iiwan ba niya ang dancing eventually?

“No! No! Forever, I’m gonna dance forever.”

Maliban kay DJ Loonyo, nasa pangangalaga ng Crown Artist Management sina John Lloyd Cruz, Jasmine Curtis-Smith, Miles Ocampo, Christine Samson, Gino Santos, Guel Espina, Jessie Salvador, Lauren Reid, Andrei Suleik, Patti Ang, at Yanee Alvarez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Nang iniwan ni DJ Loonyo ang All-Out Sundays ng GMA-7 para sa PoPinoy ng TV5, medyo nanghinayang ako. Ang ganda na kasi ng exposure ng magaling na dancer sa AOS.

Ginawa pa ng Magpakailanman ang istorya niya na nag-rate pa naman yun. Ibig sabihin, interesado ang mga televiewers sa kanya.

Dito sa PoPinoy sila nagkalapit ni Maja at napag-usapan ang pag-manage sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ay taga-GMA ang nagha-handle sa kanya dati.

Pero maraming plano ang Crown Artist Management kay DJ Loonyo, at ang dami nga raw inquiries nung inilabas nila ang mga dance video nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Marami po kaming pinag-usapan ni Kuya Rambo [Nuñez] saka ni Ate Maj. Nagsasabi ako kung ano ang gusto kong gawin, kung saan nila ako matulungan sa side na ‘to.

“Sana ho, matuloy yung pinag-usapan namin,” pahayag ni DJ Loonyo.

Bukod kay Maja, na talaga namang nagrereyna sa sayawan, may iba pang talents ang CAM na hataw rin kung hataw.

Nandiyan ang kapatid ni Maja na si Jessie Salvador, si Christine Samson, at ang gumaganda lalong si Miles Ocampo.

Puwedeng-puwedeng magkaroon sila ng magandang project, like dance concert o album, o puwedeng digital series na kung saan ay magkakaroon sila ng collaboration sa sayawan at may mga pasisikating dance steps.

Kayang-kaya nila iyan!

NOEL FERRER

Things are looking up for the talents of Crown Management of Maja and Rambo. Sana talaga, they are able to make a dent in this industry na labis na naapektuhan ng pandemya.

Ngayong nagbubukas na unti-unti ang ating industriya, ano kaya ang magiging tatak ng kumpanya para angat ito sa iba? Ating aantabayanan iyan!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Loonyo on his dive into acting: "Sobrang tuwa ko… and that’s a challenge for me po na sumabak sa ganitong industriya. Kung ano man po yun, I believe na yun ang magpapa-grow pa sa akin, and mas mag-o-open pa ng doors kung ano ang puwede kong pangarapin sa buhay."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results