PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza not visible in campaign sorties of Arjo Atayde

Maine, handa na bang maging first lady ng first district ng Quezon City?
by PEP Troika
Published Mar 9, 2022
Maine Mendoza Arjo Atayde campaign
Maine Mendoza, tipid ang sagot kapag napag-uusapan ang boyfriend niyang si Arjo Atayde, na tumatakbong kongresista ng Quezon City.
PHOTO/S: Courtesy: @mainedcm on Instagram

GORGY RULA

Tipid na sagot at ngumingiti lang si Maine Mendoza kapag napupunta sa boyfriend niyang si Arjo Atayde ang usapan nang humarap ang actress-host sa virtual mediacon ng Buco Channel nung Lunes, Marso 7, 2022.

Napangiti na lang si Maine nang tanungin sa kanya ni Allan Sancon kung ready na ba siyang maging first lady ng Quezon City sakaling manalo si Arjo sa darating na eleksyon.

Tumatakbo ang Kapamilya actor bilang congressman ng unang distrito ng Quezon City.

“Sana po. Sana,” matipid na sagot ni Maine.

Hindi na iyon nasundan ng iba pang katanungan tungkol sa love life dahil iniiwasan na ito.

Sinasabi rin naman ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez sa ilang interviews na iniiwas nila si Maine sa pangangampanya ng kanyang anak.

Ayaw raw ni Arjo na pasamahin pa si Maine sa pag-iikot ng aktor sa district ng Quezon City kung saan ito tumatakbo.

Binanggit din ni Maine na kasama niya si Arjo nang ipinagdiwang ng Eat Bulaga! host ang kanyang 27th birthday noong March 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I celebrated po with my family and friends, and of course Arjo. So, yun.

"Yung mga ibang bagay sini-share ko na lang either on… like, end of the year, kapag nasa vlog ko na kapag sinusulat ko na lahat. Yun lang po,” pakli ng actress.

Wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan kundi ang magpasalamat sa mga darating pang blessings na ibibigay sa kanya ng Panginoon.

“Wala na akong talagang ini-aim pa na ma-achieve. Talagang ina-accept ko na lang what’s coming my way, and then, yun, I’m just so grateful with what I have,” saad ni Maine.

Masaya rin daw siya sa magandang feedback sa programa niya sa Buco Channel, ang #MaineGoals, na nagsimula na ang second season nung nakaraang Lunes.

Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 p.m.

JERRY OLEA

Palalim nang palalim ang pagmamahalan nina Arjo at Maine, sa ayaw at sa gusto ng AlDub Nation na patuloy sa pagdiriwang ng weeksary tuwing Huwebes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abang-abang tayo kung pagtutuunan na ba ni Alden Richards ng panahon ang kanyang love life ngayong taon.

Siyempre, hindi na tayo hopia na manliligaw si Alden kay Julie Anne San Jose, dahil andiyan na si Rayver Cruz para sa Kapuso Unli Star.

Si Bea Alonzo na makakatambal ni Alden sa pelikula at sa Pinoy version ng K-dramang Start-Up ay meron nang Dominic Roque.

Basta, happy tayo para kay Maine dahil merong Arjo na iniibig niya, at iniibig din siya nang wagas!

Kailan kaya ang tamang panahon upang lumagay sila sa tahimik?

NOEL FERRER

In fairness kay Maine, alam niya ang kanyang ginagawa at kung tutuusin, marami pa siyang puwedeng gawin actually!

She has substance, comedic timing, and she can write well.

Para ngang reluctant star pa rin ang dating niya. Pero kaya nae-endear siya sa atin is because she is not forcing through.

Ewan ko ba, gusto ko siya dati pa. Totoo kasi at alam kong marami pang ibubuga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana, maging kumportable siya sa pagse-share ng sarili niya sa mga tao.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza, tipid ang sagot kapag napag-uusapan ang boyfriend niyang si Arjo Atayde, na tumatakbong kongresista ng Quezon City.
PHOTO/S: Courtesy: @mainedcm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results