Watch Now

Liza Diño, reappointed bilang FDCP chairperson; balikan pa kaya ang pag-arte?

by PEP Troika
Mar 11, 2022
liza dino
Liza Diño gets reappointed as chairperson and CEO of Film Development Council of the Philippines (FDCP) for three more years.
PHOTO/S: FDCP Facebook

JERRY OLEA

Reappointed si Liza Diño bilang chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) for three more years.

Nai-share ito sa amin ni Chair Liza sa book launch ng librong PH Movie Confidential ni Nestor Cuartero noong Marso 8, 2022, Martes, sa FDCP Cinematheque, Kalaw St., Manila.

Nanumpa si Chair Liza sa harap ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa isang virtual ceremony noong Miyerkules, Marso 9. Sinaksihan ang seremonya ng mga kinatawan ng DTI at mga empleyado ng FDCP.

Binati ni DTI Secretary Lopez si Undersecretary Diño at sinabing, “I'm impressed with all the kind of work you're doing and I wish you all the best. I know, under your leadership, mas gaganda pa ang ating film industry. Palakasin pa natin.”

Inaasahan nating matutuloy ang flagship project ng FDCP na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa Setyembre kaugnay sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, mag-i-streaming ang Film Ambassadors Night 2022: Beyond Limits bukas, Marso 12, Sabado ng 8:00 p.m., sa FDCP Channel.

NOEL FERRER

Sa launch ng libro ni Nestor Cuartero na PH Movie Confidential noong Marso 8, Martes, sa FDCP Cinematheque, Kalaw St., Manila, inasam ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo na bumalik na sana sa pagiging aktres si FDCP Chair Liza.

“I’ve seen her movies… and Liza, dapat pag may time ka, pakibalikan naman ang industriya,” sabi ni Tita Boots.

“She is a tremendous actress. And puwede akong magyabang with great authority, kasi nakasama ko sila, I handled their acting workshop sa Mowelfund. Si Liza and Ice [Seguerra].

“Yung kanila pa lang na mga situationers, naiyak na ako talaga. You know, as a teacher-workshopper, you have to be… ahhhm, parang detached, ‘no?

“Pero I couldn’t help it. And di ba, that is the litmus test of a good artist or performer. Pag yung naapekto ka. Pag tinamaan ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Of course, umiiyak din silang dalawa sa situationers. Kaya Liza, please… please come back to acting.”

Kung extended for three more years ang termino ni FDCP Chair Liza, malabo pang bumalik siya sa pag-arte sa dami ng projects niya.

Pero malay natin, magdilang-anghel si Tita Boots, di ba? Abangan na lang natin ang kaganapan pagkatapos ng halalan.

GORGY RULA

Marami ang may gustong manatiling FDCP Chairperson si Madam Liza, pero hindi maiwasang may tumaas ang kilay.

Mas mabuting hintayin na lang ang pag-upo ng bagong pangulo kung mababago ang desisyon o hindi.

Ang solid supporters ni President Duterte ay nagkakahati-hati ngayon sa mga presidentiable na sinusuportahan nila. Wala pa kasing idinedeklara ang pangulo kung sino ang ie-endorse niyang presidentiable.

Tingnan natin kung ano ang susunod na magaganap. Tiyak na may mga mababago pa riyan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño gets reappointed as chairperson and CEO of Film Development Council of the Philippines (FDCP) for three more years.
PHOTO/S: FDCP Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results