PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mari Mar Tua, Patrick Quiroz declared Sing-Galing grand champions

Tiyahin ni Mari Mar Tua, nahimatay sa stage.
by PEP Troika
Published Mar 13, 2022
mari mar tua, patrick quiroz
Sing Galing Finale winner na sina Mari Mar Tua (left) at Sing-lebrity Edition winner Patrick Quiroz (right), tinalo ang kanilang mga katunggali para itanghal na kampeon.
PHOTO/S: Sing Galing TV5

GORGY RULA

Hinimatay ang tiyahin ng hinirang na grand champion sa Sing Galing na ginanap sa Manila Metropolitan Theater nung Sabado, Marso 12, 2022.

Dala na rin siguro ng pressure dahil matindi ang labanan ng anim na finalists na tinawag nilang Kantastic 6, hanggang sa dalawa na lang ang naiwan para sa kanilang "Duelo-oke."

Nagtapat sa huling face-off ang taga-Pampanga na si Mari Mar Tua at ang taga-Laguna na si Myca Capili.

Sa huli ay nagwagi si Mari Mar na mag-uuwi ng isang milyong piso at house and lot.

Pagkatapos i-announce ang winner, umakyat sa stage ang buong mag-anak ni Mari Mar. Pero nataranta ang lahat nang biglang hinimatay ang tiyahin ng aspiring singer.

Ang buong akala namin ay nanay ito ni Mari Mar dahil natataranta ang Sing Galing winner at sumisigaw ng “Ang nanay ko po!”

Sinikap pa ng Sing Masters na sina Randy Santiago, K Brosas, at Donita Nose na pakalmahin si Mari Mar, pero halu-halo na ang reaksiyon ng lahat, lalo na ang grand champion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na niya pinansin ang trophy na inabot sa kanya dahil nataranta siya sa tiyahin niyang hinimatay. Mabuti at mabilis naman ang medics na sumaklolo at dinala ang tiyahin ni Mari Mar sa backstage.

Paulit-ulit na sinasabi ni Randy na, “OK naman si Lola.”

Sabi pa niya, "Sobrang natuwa lang po. Ayan na, binigyan na ng tubig. Kami na ang bahala kay lola."

Pero hindi alam ni Mari Mar kung ano na ang gagawin niya.

“Sobrang natuwa lang talaga si Lola sa pagkapanalo ni Mari Mar Tua,” sabi naman ni Donita.

“Nanay niya yun. Sorry. Nanay niya yun. Nandiyan ang medic. Na-overwhelm lang po sa emosyon. Nangyari po talaga ‘yan,” dagdag na pahayag ni K Brosas, na tila pinipigilan ang matawa sa nakakatarantang eksena sa stage.

Kahit si Donita ay parang pinipigilan na ring matawa sa pagkakataranta ng lahat, kung lola ba yun ni Mari Mar o nanay niya. Iyon pala ay tiyahin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang medyo napakalma na si Mari Mar, at natanggap ang premyo, maayos naman niyang naikanta ang awiting ipinanlaban sa unang round na "Bakit Ako Mahihiya."

Karamihan sa comments na nabasa namin sa YouTube ay pumapanig kay Myca na siya raw dapat ang winner sa kanilang duelo-oke.

Sa tingin daw nila, si Myca ang winner ng mga hurado o tinatawag nilang Jukebosses, pero malaki ang puntos ng boto sa Facebook at maaring doon lumamang si Mari Mar.

Congratulations kay Mari Mar Tua na tinatawag nilang "Ang Probinsyana"!

Congratulations din sa lahat na bumubuo ng Sing Galing na papasok na sa Year 2.

JERRY OLEA

Iba ang proseso ng Sing Galing, dahil hindi alam ng mga contestant ang lalabas na kanta sa randomizer. Kaya masuwerte talaga ang winner kung makakanta niya ang lumalabas na awiting kakantahin niya.

Sabi ni Rey Valera, “Dito lang sa pakiramdam ko, 50 percent na yung luck, e. Which means na babase ka dun sa tadhana, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan ang mga bagay na 'ýan, wala sa kamay nung contestants. Wala rin sa kamay namin.

“Minsan, kahit gaano kagaling na singer, pag napunta sa kanya yung ibang kanta, bigla na lang… wala kang magagawa, kundi ganun na lang ang nangyayari.

“Kaya ang napapansin naming dito sa Sing Galing, ang luck ay malaking bagay at malaki ang epekto dun sa mga sitwasyon.”

Ganyan ang nangyari sa "Sing-lebrity Challenge" kung saan nagtapat sa finals sina Aljur Abrenica at Patrick Quiroz.

Lamang daw si Aljur sa score ng mga hurado, pero mas mataas ang votes sa Facebook kay Patrick kaya siya ang nagwagi.

At any rate, wagi sa ratings itong Sing Galing, maging ang teleserye ni Maja Salvador na Niña Niño, kaya dapat lang na ipagpatuloy ang mga programang ito ng Kapatid Network.

NOEL FERRER

Kaya aabangan natin kung saan mapapadpad ang career nina Mari Mar Tua at Patrick Quiroz after manalo bilang grand champions ng Sing Galing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saan-saan kayang shows sila ilalagay ng TV5? Magpo-produce kaya sila ng album at concert? Let’s wait and see!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sing Galing Finale winner na sina Mari Mar Tua (left) at Sing-lebrity Edition winner Patrick Quiroz (right), tinalo ang kanilang mga katunggali para itanghal na kampeon.
PHOTO/S: Sing Galing TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results