PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang postpones plan to open a resto due to TV projects

Pokwang, tinanggihan ang isang drama series dahil sa schedule.
by PEP Troika
Published Mar 13, 2022
pokwang shows
Pokwang: "Siyempre nagsunud-sunod naman ang mga proyekto natin. I’m just thankful and grateful tayo. So, dito muna tutok sa mga proyekto natin. Tapos ipon-ipon… kasi magkakaroon pa ng rebranding ang aming food products."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

GORGY RULA

Matagal na palang binabalak ni Pokwang na magtayo ng sariling restaurant pero hindi natuluy-tuloy dahil nagkapandemya. Nang pumasok siya sa GMA-7 ay dumami naman ang trabaho niya.

Sa nakaraang mediacon ng Buco Channel, naikuwento iyon ng co-host ni Pokwang sa programang Kusina ni Mamang na si DJ Jhai Ho.

Ayon kay Jhai Ho, “Pinag-uusapan namin ni Mamang sa set ‘yan. Tinatanong ko sa kanya ‘yan.

“Sabi ko, ‘Mamang, bakit hindi mo simulan yung restaurant mo?’

“Sabi niya, nasa process naman na. ‘Gusto ko lang na hindi lang siya pilit. Gusto ko hinog na hinog na talaga, once na maglalabas ako ng mga putahe na ako mismo ang gumawa.’

“Iyon naman po ang sinasabi ni Mamang Pokwang kapag nagkukuwentuhan po kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din namin kay Pokwang ang tungkol dito sa nakaraang mediacon ng bagong programa niya sa GMA-7, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Ani Pokwang, “Actually, pre-pandemic pa lang dapat may kinausap na ako diyan sa may ano… sa may overlooking diyan sa Antipolo.

“May biglang nag ano, nag-pandemic nga, di ba? Nag-lockdown nang bonggang-bongga. Natigil. O, ayun! Paano?

“Ngayon naman, siyempre nagsunud-sunod naman ang mga proyekto natin. I’m just thankful and grateful tayo.

“So, dito muna tutok sa mga proyekto natin. Tapos ipon-ipon… kasi magkakaroon pa ng rebranding ang aming food products.”

Katatapos lang ni Pokwang ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, at itong Mano Po Legacy: Her Big Boss ang kaagad na kasunod niyang project.

Meron pa ngang drama series na pagbibidahan niya dapat, pero hindi na pumuwede sa schedule niya.

Sa Lunes, Marso 14, na magsisimula ang Mano Po Legacy: Her Big Boss sa GMA Telebabad pagkatapos ng Widows’ Web.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilan sa mga kasama niya rito sina Bianca Umali, Ken Chan, Kelvin Miranda, Teejay Marquez, Arlene Muhlach, Marina Benipayo, at Ricardo Cepeda.

JERRY OLEA

Kauuwi lang ni Pokwang mula Dubai para sa show ng GMA Pinoy TV.

“Bongga ang show natin, kasi sabik din ang mga Pilipino, ang mga kababayan natin na makapanood ng talagang live na shows. Gusto lang nilang tumawa,” kuwento ni Pokwang.

“Nakakatuwa kasi ang GMA Pinoy TV natin doon, tutok na tutok sila sa mga programa natin.

“Tawag nga nila sa akin, Aling Tarsing. Kasi, yun ang role ko sa Pepito Manaloto.

At any rate, sa presscon ni Pokwang bilang endorser ng Regasco noong Oktubre 22, 2019 ay inilahad na niya ang balak na magtayo ng restaurant sa Antipolo.

Pero dahil nga sa pandemya ay naudlot iyon. Hopefully, matuloy na yun sa lalong madaling panahon.

NOEL FERRER

Meron namang sumalo agad sa TV project na hindi ma-accomodate ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Mano Po Legacy: Her Big Boss ay gaganap si Pokwang bilang Becca Pacheco, ang devoted single mom ni Irene Pacheco (Bianca Umali). Kaabang-abang ang mga pasabog at linyahan niya rito.

At excited akong makita si Pokwang na makasama natin sa pag-aayos ng lipunan at gobyerno natin.

At least, alam natin na consistent si Pokwang sa kanyang paninindigan! Ang galing lang.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang: "Siyempre nagsunud-sunod naman ang mga proyekto natin. I’m just thankful and grateful tayo. So, dito muna tutok sa mga proyekto natin. Tapos ipon-ipon… kasi magkakaroon pa ng rebranding ang aming food products."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results