PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Sexy actress caught leaving room of male co-star

Sexy actress, nahusgahang masyadong malapit sa boys.
by PEP Troika
Published Mar 13, 2022
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Parang hindi maganda ang image ng sexy actress na mula sa isang all-girl group.

Noong nasa kabilang istasyon pa siya, na-link siya sa iba't ibang male celebrities. Nasangkot din siya sa isyu ng hiwalayan ng isang showbiz couple.

Ang latest ay nahuli raw ang sexy actress na lumabas sa kuwarto ng isang aktor na co-star niya sa isang bagong drama series na nasa lock-in taping.

Nagkahulihan dahil wala pa sa set si aktor na isa sa may maagang call time. Pinuntahan ng isang staff si aktor sa kuwarto nito para tawagin.

Pero ikinagulat ni staff na habang papalapit siya sa kuwarto ni aktor ay nakita niyang lumabas doon ang sexy actress. Umaga iyon at tila doon natulog si sexy actress.

Sabihin man nating walang nangyari sa kanila, at huwag nang lagyan ng malisya, pero ipinagbabawal ang pagpunta sa kuwarto ng co-actors. Isa yun sa ipinatutupad na guidelines sa lock-in taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, nasabon tuloy itong si aktor. Siyempre nahusgahan din si sexy actres dahil sa pagiging malapit nito sa mga boys.

NOEL FERRER

Hayyyy naku, pero bakit si sexy actress lang ang nahusgahan?

In the spirit of fairness and equality, hindi ba cargo rin yun ni aktor? Lalo pa’t siya ang dapat na mas maalam sa kalakaran ng industriya at siya itong may mas maagang call time?

Oh well, they are both accountable.

Ang gusto nating malaman ay ano ang naging aksyon ng production sa kanila? So, pinagsabihan…. ganun lang ba? Anong sinabi? Ano ang sanction?

Kasi, unless malinaw ang consequences ng ganitong mga aksyon, mauulit at mauulit lang ito.

JERRY OLEA

Noon pa man ay nababalitaan na natin ang mga lock-in romance. Ang marurupok ay nadadarang at tila nakakalimot sa kanilang responsibilidad.

Pagkatapos ng lock-in taping, reality kicks and bites. Yung iba ay batid na hanggang doon lang ang tikiman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Whatever happens on the lock-in taping stays there, ikanga.

May mga sumubok na ipagpatuloy ang kanilang naumpisahan, pero malaki at mabigat na pagsubok iyon na mahirap lagpasan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results