GORGY RULA
Maganda ang feedback sa single na "Race Car" ng bagong all-girl group na Calista.
Kasabay ng kanilang grand launch noong March 8, 2022 na ginanap sa Novotel Manila, Araneta City, Quezon City, inilunsad din ang kanilang debut single na "Race Car" pati ang music video nito.
Nasa Spotify na ito at sa iba pang digital platforms. Kapansin-pansing mula sa ibang bansa gaya ng Amerika, Germany, at South Korea ang listeners ng naturang kanta.
Ikinatuwa ito ng Calista dahil ipinagdasal daw talaga nilang maging global ang kanilang grupo.
May nag-forward sa Merlion Events Production at sa TEAM ni Tyronne Escalante ng article tungkol sa Calista na isinulat sa Star Daily News sa Korea. Lumabas ito nung Martes, March 15.
Ipinasa rin sa akin, pero hindi ko maintindihan dahil nakasulat sa Korean.
Ikinatuwa rin nilang na-feature ang isa sa pinakamalakas na online platform sa Korea, ang Naver.
“Naver is the biggest search engine site in Korea. It carries many news channel. Most record labels in Korea use this site to introduce new artists.
“We are very lucky because Calista got the attention of Naver due to our international approach in 'Race Car' music video,” pahayag ni Tyronne ng TEAM.
Malalim ang hugot ng mga taga-Calista sa first single nilang "Race Car."
Sabi ng isa sa pinakamagandang members nitong si Olive, “'Race Car' is all about courage. Pag nagri-race kayo, you really have to win na makarating sa finish line.
“Sa buhay din, you need to have courage na no matter what… kahit na-fail ka na, hindi ka mag-i-stop dun. Instead, iisipin mo as a milestone pa rin, and as experience para mag-move on.”
Dagdag na pahayag ni Laiza, “Siyempre po, meron pong finish line. And ang finish line po, iyung goal po namin na mas makilala pa po ng mga tao.”
JERRY OLEA
Pahayag naman ni Elle sa magandang reaction at comments ng ibang nakarinig sa "Race Car," “Overwhelming po ang nababasa naming…sounds so international po talaga.
“So, knowing po na yung mga listeners po is from other countries, parang we did our job.”
Sa mga hindi nakakaalam, ang “calista” ay Greek word na ang kahulugan ay “most beautiful or feminine.”
Abangan natin ang pa-vroom-vroom nilang Vax to Normal concert sa Abril 26 sa Araneta Coliseum, Quezon City.
Special guests sa nasabing payanig sina Darren Espanto, Andrea Brillantes, Yeng Constantino, Elmo Magalona, AC Bonifacio, at Ken San Jose.
NOEL FERRER
Grabe raw ang happiness sa Calista. Vroom-vroom!
Buti pa ikaw, Tito Gorgs, na-experience mo na. Sana, ang audience din natin!
All the best, Calista. Basta, kapag sa inyo ay may nag-call… lista lagi ang inyong pagsagot, ha?!
