PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Gonzales at Boobay, mutual ang paghanga sa isa't isa

All-out ba ang pagiging daring ni Jeric Gonzales sa Broken Blooms?
by PEP Troika
Published Mar 20, 2022
Jeric Gonzales
Boobay
Jeric Gonzales (right) on Broken Blooms co-star Boobay (left): “Sabi niya, idol niya ako. I’m flattered. Masaya ako, and sinasabi ko ring idol ko rin siya kasi ang galing-galing din niya dun sa pelikula.”

GORGY RULA

Nagulat si Jeric Gonzales sa pahayag ni Boobay na napalitan ng paghanga ang pagnanasa nito sa Kapuso hunk nang magkatrabaho sila sa pelikulang Broken Blooms.

Naging idol na raw ni Boobay si Jeric.

Nakapanayam namin si Jeric sa DZRH nung nakaraang Miyerkules, March 16, at hiningan namin siya ng reaksyon sa sinabi ni Boobay.

Ani Jeric, “Boobay is a good friend. Actually, nung nag-shoot kami nag-close kami kasi, maganda ang rapport namin dun.

“Hindi ko alam na sinabi pala niya yun. I’m proud. Pero idol ko rin siya kasi ang galing niya dun talaga sa pelikula. Parang lahat kami dun.

“Sabi niya, idol niya ako. I’m flattered, masaya ako, and sinasabi ko ring idol ko rin siya kasi ang galing-galing din niya dun sa pelikula.”

Wala pang ideya si Jeric kung kailan ipalalabas ang launching movie niyang Broken Blooms, pero ang pagkakaalam niya ay isasali ito sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana makapunta po ako sa festival, kasi it’s my dream po talaga,” pakli niya.

Sinundan naming ng tanong kung gaano siya ka-daring sa pelikulang ito.

Kaya ba niyang tapatan ang pagiging daring ni Royce Cabrera na kasama niya sa pelikulang ito?

“Kung daring dun si Royce Cabrera, masasabi kong magugulat kayo sa akin. Mas daring ako dun,” napapangiting sagot ni Jeric.

JERRY OLEA

Pinakamapangahas pa ring pagganap ni Royce ay sa Cinemalaya 2019 film nila nina Kokoy de Santos, Ricky Davao at Yayo Aguila na Fuccbois.

Kaya ba yung pantayan man lang ni Jeric? OK lang kaya kay Rabiya Mateo na mag-hello to the universe ang private part ng kanyang lover boy?

Hmmm, baka kailangang i-promote pa nang husto si Jeric bago i-release yung kanyang launching movie.

Kapag ipinalabas na ang Pinoy adaptation ng Start Up kung saan co-star si Jeric nina Bea Alonzo at Alden Richards, baka iyon ang tamang panahon para sa Broken Blooms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As we write this, naka-5.4K views na ang official music video ng "Hihintayin Kita" ni Jeric sa YouTube channel ng GMA Music.

Ang nasabing awit ang theme song ng Broken Blooms, kung saan nasa cast din sina Jaclyn Jose, Therese Malvar at Lou Veloso, sa direksyon ni Louie Ignacio.

NOEL FERRER

Gawad Urian nominee si Royce Cabrera, at lumulutang ang husay niya sa pagganap sa TV man o pelikula kahit hindi siya ang bida.

Abangan natin kung nakaagapay si Jeric sa co-stars niya sa Broken Blooms, partikular kay Jaclyn Jose na gumanap bilang ina niya, at kay Therese Malvar na pumapel bilang asawa niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales (right) on Broken Blooms co-star Boobay (left): “Sabi niya, idol niya ako. I’m flattered. Masaya ako, and sinasabi ko ring idol ko rin siya kasi ang galing-galing din niya dun sa pelikula.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results