PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ana Jalandoni discharged from hospital; sues Kit Thompson

Ana Jalandoni, binura na ang mga litrato nila ni Kit sa Instagram.
by PEP Troika
Published Mar 22, 2022
ana jalandoni kit thompson issue
Ana Jalandoni's legal counsel on injuries sustained by sexy actress from boyfriend Kit Thompson: "She suffered serious physical trauma especially sa bahaging ulo niya. In fact, it would take more than a month para gumaling ang hemorrhage na natamo niya sa kanyang mga mata. She even suffered temporary loss of eyesight because of that. Hindi biro ang kanyang dinanas kaya siya ay nagpapahinga at nagpapagaling."
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram

GORGY RULA

Nakalabas na ng hospital ang sexy actress na si Ana Jalandoni, pagkatapos niyang ma-confine dahil sa pambubugbog umano sa kanya ng kasintahang si Kit Thompson noong Biyernes, March 18.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Naka-text ng PEP Troika si Ana pagkatapos niyang lumabas ng hospital.

Tinanong namin si Ana kung ano ang plano niya pagdating sa Cornerstone Management na nagma-manage sa kanila ni Kit. Hindi pa raw niya pinag-iisipan kung magpapatuloy pa rin siya sa naturang talent management dahil nasa kanila rin si Kit.

“Kakalabas ko lang ng hospital. Sa ngayon, di ko pa iniisip yung sa management namin ni Kit sa Cornerstone. But I do appreciate their concern.

“Mas priority ko muna ang aking recovery. Kailangan ko makabawi ng lakas,” text ni Ana sa PEP Troika.

Sinabi naman ng kanyang legal counsel na si Atty. Faye Singson na pursigido ang aktres na kasuhan si Kit. Pero sa ngayon ay mas concern nila ang tuluy-tuloy na paggaling ni Ana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Atty. Singson, “Una sa lahat ay kailangan magpagaling at magpalakas si Ana dahil napakahirap at sakit ng dinanas niya kay Kit.

“Hindi lang katawan niya ang masakit dahil sa mga tinamong pambubugbog kundi pati ang kanyang damdamin at isipan, tunay na inabuso ang kanyang dignidad bilang babae.

“Nakasampa na ang kasong VAWC sa piskalya, kaya sisiguraduhin namin na makamit ni Ana ang nararapat na hustisya.”

Kahit wala na sa hospital si Ana, kailangan pa rin daw nitong magpahinga para tuluy-tuloy ang kanyang paggaling.

Dagdag na pahayag ni Atty. Singson, “Kasalukuyang ginagamot si Ana at sumailalim sa mga tests dahil sa multiple contusions na tinamo niya sa halos lahat na bahagi ng katawan niya.

“She suffered serious physical trauma especially sa bahaging ulo niya. In fact, it would take more than a month para gumaling ang hemorrhage na natamo niya sa kanyang mga mata.

“She even suffered temporary loss of eyesight because of that. Hindi biro ang kanyang dinanas kaya siya ay nagpapahinga at nagpapagaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She is bent in pursuing the case against Kit, para makamit niya ang hustisya. Hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa mga babaeng dumanas din ng ganitong trahedya sa kamay ng asawa o kinakasama.”

Kapansin-pansin ding tinanggal na ni Ana sa kanyang Instagram account ang mga larawang magkasama sila ni Kit.

JERRY OLEA

VAWC (Violence Against Women and Children) ang unang reklamo ni Ana laban kay Kit. May iba pa bang kaso na isasampa si Ana?

“Madami pang nilabag na batas si Kit kaya iyon din ang aming pinaghahandaan sa ngayon,” tugon ni Atty. Singson.

Ano ang ipinayo niya kay Ana?

Sagot ni Atty. Singson, “Magpalakas siya dahil meron pa siyang laban na haharapin. Maraming sumusuporta sa kanya, lalo na’t panghahawakan natin ang batas.”

Bilang isang babae, ano ang pakiramdam niya sa ginawa ni Kit kay Ana?

“How ironic that this happened to Ana this Women’s Month. Nagpupuyos ang aking damdamin sa kanyang naranasan. Lahat naman ng nakakita sa sinapit ni Ana ay nahabag,” saad ni Atty. Singson.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung siya ang abogado ni Kit, ano ang ipapayo niya sa hunk actor?

“Kung ako ang abogado ni Kit, ipapayo ko sa kanya na ang babae ay dapat minamahal at nirerespeto, hindi sinasaktan.”

NOEL FERRER

Oh, nakakalungkot itong pangyayari at sana, magsilbi itong aral at babala sa mga relasyon.

In the end, I hope maresolba ito nang papanig sa naagrabyado. Sana, lumabas ang katotohanan at manaig ang hustisya!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni's legal counsel on injuries sustained by sexy actress from boyfriend Kit Thompson: "She suffered serious physical trauma especially sa bahaging ulo niya. In fact, it would take more than a month para gumaling ang hemorrhage na natamo niya sa kanyang mga mata. She even suffered temporary loss of eyesight because of that. Hindi biro ang kanyang dinanas kaya siya ay nagpapahinga at nagpapagaling."
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results