PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, binayaran ang biniling gamot ng customers sa isang botika

Vice Ganda, nagbigay ng good vibes sa mga customer ng isang botika.
by PEP Troika
Published Mar 24, 2022
vice ganda vlog
Sinagot ni Vice Ganda ang bayad ng lahat ng biniling gamot at medical supplies ng mga customer sa isang drug store sa Quezon City.
PHOTO/S: Screen grab from Vice Ganda YouTube

GORGY RULA

Totoong nakaka-good vibes kapag nanonood ka ng isang vlog na nagpapaabot ng tulong sa ating mga kababayan.

Marami ang gumagawa nito kung saan sini-share nila ang malaking kinikita nila sa kanilang YouTube channel.

Pero nakakatuwa ang ginawa ni Vice Ganda sa huling vlog niya na in-upload kamakalawa. Ang title ng vlog niya, “Gamot Nyo, Sagot Ko!”

Pagkatapos ng It’s Showtime, kasama ni Vice Ganda ang college friend niyang si DD na nag-ikot sa Quezon City.

Pupunta raw sila sa isang botika, at ang gagawin ni Vice ay babayaran niya ang gamot at iba pang kailangan ng customers na bumibili roon.

“Napakasimpleng pa-good vibes lamang ito pero sana makakapagbigay ng ngiti dun sa mapagbibigyan ng good vibes,” pakli ni Vice.

Isang botika sa V. Luna, Quezon City na katabi ng V. Luna Hospital ang pinuntahan nina Vice at DD.

Sa simula ay nasa kotse lang ang comedian/TV host, pero nasabihan na ang may-ari at staff ng botika na lahat ng bumibili ng gamot ay siya na ang magbabayad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Laking gulat ng mga bumibili na hindi sila pinagbayad dahil sagot na ito lahat ni Vice Ganda. Pagkatapos ay bumaba rin ang It’s Showtime host at hinarap ang mga customer.

Sobrang tuwa ng mga customer dahil kahit patingi-tingi lang ang binili nilang gamot, pang-isang buwan na ang binayaran ni Vice. Kagaya ng maintenance na hindi nila kayang bilhin nang maramihan, pero pang-good for one month ang binayaran ni Vice.

Sabi ng It's Showtime host, “Imagine mo yung maintenance, ang laking gastos nun, ha?

“Yung araw-araw na gamot, magkano yun sa isang buwan, magkano yun sa isang taon, magkano yun kung ilang taon mo na siyang inaano, di ba?

“Laging meron kang pinaglalaanan na… kaya yung ganyang simpleng tulong, naka-smile sila.”

Nakikita mo ang saya sa kanilang mukha na ang dami nilang pinasaya.

Nagkaroon na nga ng pila sa botika dahil kumalat sigurong nandoon si Vice at binabayaran ang mga gamot na binibili. Kahit ang ibang may pambili naman ay nagulat dahil sinagot ito ng komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Vice, “Pero kahit may pambili siya, pero yung may nag-extend sa ‘yo ng tulong, masarap sa pakiramdam, e.

“Kahit sila… hindi naman sila nagpunta diyan dahil meron silang inaasahang tulong. Wala. Bibili sila.

“Pero yung kahit hindi sila humihingi, pag may nagkusang nagparamdam sa kanila ng pagpapahalaga at nagkusang nagbigay sa kanila ng kagandahang loob, masarap yun sa pakiramdam.

“You shared a piece of your heart to the person,” natutuwa niyang pahayag.

JERRY OLEA

Inabot sila ng gabi sa naturang botika dahil hinintay nila hanggang sa magsara ito. Uuwi raw silang masayang-masaya dahil ang dami nilang napasayang tao.

“Sa part ko, ang sarap sa feeling na ako ang naging tulay dun sa blessing na inaantay nila,” lahad ni Vice.

“Hindi talaga ako yung blessing. Ginagawa lang akong tulay ni Lord.

“Sabi ko nga, yung binibigay sa akin ni Lord, sobrang dami dun sa pangangailangan ko.

“Ba’t ang dami? Sabi ko, hindi sa akin ‘to lahat. Idinadaan lang ‘to, kaya i-share ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Iyon naman ang gusto natin, makakapag-GV, makakapag-smile, makakapagpa-happy.”

NOEL FERRER

Sa Twitter account ni Vice ay marami ang nagkomentong napaiyak sila nang mapanood ang nasabing vlog.

Bumaha ang “I love you” para kay Mrs. Perez, at nagdeklarang ipinagmamalaki siya. Merong nag-wish na matulungan ang tiya niyang may kanser, at meron din para sa kapatid na kailangan ng maintenance kontra depression.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaka-good vibes talaga ang ganitong kagandahan ng loob, ang pagse-share ng blessings, ang bayanihan at pagtutulungan ng mga Pilipino!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinagot ni Vice Ganda ang bayad ng lahat ng biniling gamot at medical supplies ng mga customer sa isang drug store sa Quezon City.
PHOTO/S: Screen grab from Vice Ganda YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results