JERRY OLEA
“It has been said, 'time heals all wounds.' I do not agree. The wounds remain. In time, the mind, protecting its sanity, covers them with scar tissue and the pain lessens. But it is never gone.”
Pahayag iyan ng American philanthropist and socialite na si Rose Kennedy, ina ni U.S. President John F. Kennedy.
Swak na swak ang quotation na iyan sa magkaibigang sosyalerang aktres at gandarang aktres.
Pareho silang premyado, at nagbida sa mga pelikula at drama series. Magkaedad sila.
Noong dalagita pa lang sila ay magkasama sila sa isang TV network.
Sa kung anong kadahilanan ay nagmamahadera noon ang gandarang aktres sa sosyalerang aktres. Minsan ay naiiyak na lang si sosyalerang aktres sa pagmamaldita ni gandarang aktres.
Pagkalipas ng ilang taon ay lumipat sa ibang TV station si sosyalerang aktres, at lalong namayagpag ang kanyang career. Ganundin ang career ni gandarang aktres. Pareho rin silang nagkaasawa at bumuo ng pamilya.
Nitong mga nakaraang linggo ay nag-level up ang pagrampa ni sosyalerang aktres sa iba’t ibang events, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Sadyang mabait ang sosyalerang aktres, at may circle siya ng malalapit na kaibigan na nakaka-bonding tuwi-tuwina, kung minsan ay sa abroad pa.
May sariling clique ang gandarang aktres, pero nakipag-close din ito sa sosyalerang aktres na dati-rati ay tinataray-tarayan niya. Bait-baitan na ang dati’y hitad na gandarang aktres.
Takang-taka ang closest friends ng sosyalerang aktres kung bakit nakikigrupo sa kanila si gandarang aktres. Si gandarang aktres pa mismo ang nagyayaya minsan kay sosyalerang aktres para lumabas.
Sinasabi ng gandarang aktres na matagal na silang close ng sosyalerang aktres. Talaga lang, ha?!
Kinalimutan nang ganap ni gandarang aktres ang pangit na pakikitungo niya noon kay sosyalerang aktres na mahusay makisama at hindi nagtatanim ng sama ng loob.
Love love love na lang!
GORGY RULA
Pang-international na ang dating ni sosyalerang aktres. Ang layo na sa mga kasabayan niya, lalo na rito kay gandarang aktres.
Ilang taon itong kinarir ni sosyalerang aktres, at ngayon ay napansin na siya. Kaya abangan natin ang susunod na pasabog niyang tiyak kaiinggitan ng ibang artistang gustong ma-achieve ang ini-enjoy ngayon ni sosyalerang aktres.
Sabi ng ilang taong malapit kay sosyalerang aktres, wala na rito ang pinagdaanan nila noon ni gandarang aktres. Likas na mabait daw kasi si sosyalerang aktres, kaya ang ibang taong close sa kanya ang mas nagre-react.
Matagal na rin daw silang magkaibigan, kaya walang isyu at masaya lang silang lahat.
Ang ilang nasagap ko naman, may ibang artista nang gustong sundin ang sinimulan ni sosyalerang aktres. Sana, mapansin din sila!
NOEL FERRER
Achieve and deserve ng dalawang aktres na ito ang inabot nila. Mahirap makakita ng tunay na sosyal na tulad nila na hindi kailangang magpanggap.
Sana, okay talaga sila at gumawa ng magandang projects sa showbiz soon.
Ang excited ako ay ang pagsuporta nila sa mga mahuhusay na tao sa eleksyon, lalo na ang kapwa nila babae.
Although maraming pagpapahiwatig, hinihintay pa ang paglalantad nila ng suporta sa lider na kulay rosas at babae na katulad nila.
