JERRY OLEA
Pinagpipiyestahan online ang scandal video ng isa pang winner sa isang contest sa telebisyon.
Pogilicious ang nasabing winner, malakas ang appeal at artistahin. Nagwagi siya sa paligsahan noong 2019, bago lumaganap ang pandemya.
Makalipas ang dalawang taon, inireklamo siya ng isang Pinay na naanakan niya. Hindi kasi siya nagbibigay ng sustento para sa kanilang supling.
Inamin ni pogi na marupok siya, at wala siyang trabaho para matustusan niya ang mga pangangailangan ng anak.
Ngayong linggo ay kumalat sa iba’t ibang platform ang scandal video niya kung saan hindi lang pagpapaligaya sa sarili ang kanyang ginawa, kundi may ka-torrid kissing scene siya na kapwa lalaki, na kapagkuwan ay nagpasasa sa kanyang private part.
Bahagi iyon ng collection ng mahahalay na video na ibinebenta sa subscribers ng isang private channel, at nire-resell ng ibang nakakuha ng kopya, pero available na rin for free sa Messenger, Twitter, Telegram at samut saring websites.
Habang nagpapasasa sa pagkalalaki ng TV contest winner ang ka-partner niya sa video, bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.
NOEL FERRER
Wow, humantong na talaga sa ganito?!?
Survival issue na ba talaga ito? Or preference na rin?
Magandang malaman na rin kung paano kausapin ang mga ganito nang hindi nagiging defensive at nalalaman ang repercussions, lalo pa’t may anak o pamilya.
Napilitan na bang kumapit sa patalim ang pogilicious hunk na winner ng isang TV contest?
Kita rito ang kakulangan ng pondo para tustusan ang basic na pangangailangan ng tao.
GORGY RULA
Marami nang pumasok sa ganitong uri ng pinagkakakitaan.
Ilan sa mga kaibigan kong bading na nakabase sa ibang bansa ay suki na nito.
Kaya nagugulat ako kapag may naipapasa silang video na karamihan ay mga kontesero sa TV, mga bikini competition, at nagmu-model ang iba.
Sumasabak na rin sa ganitong larangan ang ilang basketball starlets, yung mga manlalaro sa kolehiyo na hindi masyadong nagningning.
May ibang taga-showbiz na suki na rin nito, at ang iba nga ay dati pang artista.
Nakakawindang na kung lalo pang lalago ito, magiging industriya nang pinagkakakitaan ng mga lalaking ito.
Teka! Meron na ring mga babae, di ba?
