PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Aktor, kumukuha ng hulugang singsing para sa gf?

Dalawang male celebs, gustong i-ex-deal ang kinukuhang engagement ring.
by PEP Troika
Published Mar 30, 2022

GORGY RULA

Hindi napigilang magdaldal ng isang alaherang madalas kinukunan ng alahas ng ilang celebrities.

Palibhasa may mga kaibigang reporters, naikukuwento ng alahera ang ilang celebrities na kumukuha sa kanya ng alahas na hulugan.

Tatlong kilalang aktor ang idinaldal niyang kumukuha raw ng singsing para ibigay sa kani-kanyang girlfriend.

Ang latest na itsinismis niya ay ang kontrobersiyal na aktor na kumukuha raw ng singsing sa kanya, pero kung puwede ay hulugan.

Obvious na ibibigay ito ng kontrobersiyal na aktor sa karelasyong aktres, pero hindi pa sila ganun ka-open sa kanilang relasyon.

Tinanong ko si kontrobersiyal na aktor kung totoo ito, pero isinusumpa niyang hindi ito totoo. Wala pa raw sa isip niyang bigyan ng singsing ang kasalukuyang karelasyon. Masyado pang maaga, sa totoo lang.

Kaya sabi sa akin ng kontrobersiyal na aktor, huwag basta-bastang magpapaniwala sa mga kuwento ng mga taong ito. May punto naman siya.

Medyo nagdududa na rin ako kung totoo ba ang kuwento na isang may-ari ng jewelry shop na dalawang male celebrities na may halong dugong banyaga ang kumukuha raw ng singsing sa kanila, pero kung puwede ay ex-deal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-turn off daw itong may-ari ng jewelry shop sa male celebrities dahil gustong mag-propose sa babaeng karelasyon, pero nakikipag-ex deal sa singsing.

Hindi lang sinabi ng aming source kung na-achieve ang pakikipag-ex-deal dahil natuloy naman ang pagpu-propose nung isang male celebrity na may dugong banyaga sa kanyang long-time girlfriend.

Wala kaming balita kung nag-propose na rin yung isa pang male celebrity sa kanyang girlfriend. Kaya hindi na sinabi sa amin kung natuloy ang pakikipag-ex-deal.

Sa totoo lang, ang dami nang kuwento tungkol sa celebs na nakikipag-ex-deal sa kanilang kasal, birthday ng anak, at iba pang selebrasyon.

Malakas naman kasi ang kanilang social media account, kaya kering-keri nilang i-promote ang isang supplier na pumapayag sa usapang ex-deal.

JERRY OLEA

Buti pa yung chinitong aktor na kumuha rin ng singsing sa chikadorang alahera.

Fully paid agad si chinitong aktor. Hindi nakipag-ex-deal.

E, kasi naman, Christmas gift niya iyon sa isang sikat na TV personality na pinagkakautangan niya ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sadyang generous sa mga kaibigan ang chinitong aktor!

NOEL FERRER

Ano ba itong pinagbibigyan ng mga mamahaling alahas… as a friend lang ba, or talagang sobrang mahal na mahal at yun ang expression of love or gratitude at pagtanaw ng utang na loob na level-Tita… Or all-of-the-above?

Hayyyy, buti pa sila, may pambili ng jewelry…. walang S, ha?!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results