Watch Now

Vilma Santos, naging emotional nang bisitahin ang newly renovated Metropolitan Theater

by PEP Troika
Apr 4, 2022
vilma santos
Binalikan ni Vilma Santos (pangalawa sa kaliwa) at ng kanyang mga dating kasama sa Vilma! show na sina (mula kaliwa) Chit Guerrero, Maribeth Bichara, at Roderick Paulate ang newly renovated Metropolitan Theater, na dating tahanan ng kanilang musical-variety show.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Hindi napigilan ni Lipa Representative Vilma Santos-Recto na maluha nang nabigyan siya ng pagkakataong madalaw ang bagong renovate na Manila Metropolitan Theater (MET) sa Maynila.

"Balik Metropolitan Theater Si Ate Vi (A reunion after 27 years)" ang title ng bago niyang vlog sa kanyang Vilma Santos-Recto channel sa YouTube.

Nagkita-kita sila roon ng mga dati niyang kasama sa musical-variety show na Vilma! na sina Chit Guerrero, ang executive producer ng show; si Maribeth Bicharra, ang kanyang choreographer; at ang best friend ni Vilma si Roderick Paulate , a regular co-host niya.

Isang malakas na tili ang bati nila sa isa’t isa nang magkita sila sa entrance ng MET.

Nilibot nila ang buong theater, at pinag-usapan ang mga karanasan nila habang ginagawa nila ang Vilma!, ang programa ni Vilma sa GMA-7 na umere mula taong 1986 hanggang 1995.

Ibang saya ang nakikita sa mukha ni Ate Vi habang sinisipat niya ang bawat sulok ng Metropolitan Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binalikan nila ang di makakalimutang experiences nila, lalo na kapag nakakasalamuha roon ng Star for All Season ang kanyang mga fans. Isa raw ito sa mga nami-miss niya sa kanyang buhay-artista.

“Ganun ko kamahal yung mga fans. Parang… hindi ko alam kung paano ko susuklian yung pagmamahal nila sa akin. Para magtagal ako sa industriya talaga.

“I just miss my life in showbiz. Nakikita ko silang nahihirapan.

“Imagine, ang iba hindi pa nagla-lunch, nakapila na maaga para makita ka lang.

“Bumibiyahe. May mga nanggagaling sa probinsiya, na dala ang bus nila. Hindi kumakain, knick-knack knick-knacks lang siguro just to see you.

“So, every time dumarating yung sasakyan ko, talagang malaking bagay na yung makamayan ko sila. Yung makita nila ako nang malapit at mahawakan,” pagsasariwa ni Ate Vi.

Naka-text din ng PEP Troika si Ate Vi, at nagpasalamat siya na pinanood ko ang vlog niya.

Tuwang-tuwa siya nang ikinuwento kong nanariwa rin sa akin kung paano ako mag-attempt na makapasok noon sa MET para makapanood nang live ng Vilma!, pero nabigo ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Text ulit ni Ate Vi, “Basta nung nabigyan na ako permiso ng doktor ko na puwede na lumabas…. ang unang pumasok sa isip ko ay gusto kong makita Vilma! show family ko!

“At when I saw the newly renovated Metropolitan Theater…. sabi ko, gusto kong makita at puntahan!

“Perfect…. ok si Mama Chit, Mama Betchay, at siyempre si Dick!!! REMINISCING!”

Naging emotional nga raw siya nang nakapasok siya uli sa MET, dahil parang nag-flashback sa kanya lahat ang mga masasayang araw nila roon, pati na rin ang mga awayan at iba pang kadramahan.

“Nakakaiyak kasi after 23 or 26 years… eto na yung lugar kung saan ang daming nangyari sa buhay ko as an artist!!

“Nawala na nga yung ibang kasama ko at mga fans na naghihirap pero nag-enjoy tuwing Friday sa Vilma show!

“Sana, makabalik ako for a special,” dagdag niyang text sa PEP Troika.

Isa raw sa gusto niyang mangyari ay makapag-show siya uli sa MET.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Given a chance to celebrate my 60 years in showbiz… gusto ko sa MET! Tho, nothing is final yet.

“Sana… sana… sana! [thumbs up, pray, smile, heart emoji] landmark na din sa TV career ko ang MET. Memorable!” text niya uli sa amin.

Part one pa lang itong MET vlog ni Ate Vi. Abangan daw ang part two nito.

NOEL FERRER

Ang galing lang at ume-effort si Ate Vi to give us good content sa mga vlog niya ngayon.

Dahil hindi siya tumatakbo, Ate Vi will have the time para balikan ang mga bagay na na-miss niya lalo na ang show business.

Ang dami niyang puwedeng gawin… a TV special, movies at marami pang iba!!! Looking forward ako sa mga ito!

At kay Kuya Dick, happy birthday! All the best and God bless you always!

JERRY OLEA

Patok ang YouTube vlog ni Maricel Soriano na nagpalengke tour siya with Roderick Paulate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakaaliw rin ang YouTube vlog ni Vilma Santos-Recto sa pagbabalik-MET, kung saan tampok din si Roderick.

Ariba sa TikTok yung eksena ni Roderick sa pelikulang Ded Na Si Lolo (2009) kung saan lumandi ito sa tatlong pogi sa lamay ng kanyang ama, kaya kinurot siya ni Elizabeth Oropesa.

Hindi kaya it’s about time na magkaroon ng sariling YouTube vlog si Roderick? If ever, susuportahan siya tiyak diyan nina Ate Vi at Marya!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binalikan ni Vilma Santos (pangalawa sa kaliwa) at ng kanyang mga dating kasama sa Vilma! show na sina (mula kaliwa) Chit Guerrero, Maribeth Bichara, at Roderick Paulate ang newly renovated Metropolitan Theater, na dating tahanan ng kanilang musical-variety show.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results