Watch Now

Bortalicious male singer, may karelasyong gay production staffer; versatile actor, natukso sa lock-in taping

by PEP Troika
Apr 4, 2022
blind item, two men
Versatile male singer, nainlab sa gay production staffer na nagma-manage ng kanyang career.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Ilang pandemic romance ang nabalitaan natin sa mga lock-in taping. May mga artistang nagkagustuhan, na pagkatapos ng lock-in taping ay nagkakahiwalay rin.

Meron namang nagtitikiman lang, lalo pa’t may sabit ang isa (o kaya ay pareho) sa kanila. Parang pinakbet… pinak lang at hindi bet na pangmatagalan.

Pero hindi lamang pala artista-sa-artista ang natutukso, nadadarang, at nagkakamabutihan.

Meron ding nabubuong maganda at malinamnam na unawaan sa pagitan ng artista at production staff.

Nagkaibigan ang isang beteranong aktor at isang female staffer.

Humigit-kumulang dalawang dekada ang pagitan ng kanilang edad. Pero sumakabilang-bakod ang beteranong aktor, at natuldukan ang pagsintang pururot nila ng female staff member.

May isa pang pandemic affair na nasagap ng radar PEP Troika.

Nagkahulihan ng loob ang versatile na male singer, at ang isang openly gay na staff. Kapwa sila bortalicious.

Nagkalapit nang husto ang kanilang mga damdamin nang i-manage ni gay staffer ang career ng versatile na male singer. Umawit ang kanilang mga puso, at magkatugma ang sayaw ng kanilang mga damdamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumbaga sa ulam, ang pagmamahalan nila ay adobo na binudburan ng sandamukal na paminta!

GORGY RULA

Sa totoo lang, hindi na bago ang mga ganitong pangyayari. Kung nagkakadebelopan ang mga artista sa trabaho, hindi malayong ma-fall sila sa production staff na kasama nila.

Kagaya nitong production staffer na super alaga itong versatile male singer, kaya nagkagustuhan. Itong si male singer ay natsismis din sa nagha-handle sa kanya dati na pa-girl na bading.

Sa totoo lang, hindi talaga dapat puwede ang ganung magkakainlaban sa oras ng trabaho, pero hindi mapipigilan iyan. Kaya tahimik lang ang karamihan sa kanila.

Siguro, mas okay na ito, kesa sa ibang kabalahuraan ang ginagawa sa lock-in taping. Tingnan na lang natin kung magtatagal ang ganitong relasyon pagkatapos ng trabaho at hindi magkakasama sa isang show.

NOEL FERRER

Di ba, ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin…. ito siguro ang theme song ng bortalicious na singer na dati nang nababalitang bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa karelasyon niyang manager niya ngayon, hindi ba’t kalat din sa industriya ang kanyang karelasyon na mama (meaning senior bading na respetado) ng production?

Sana lang, yung mga ganito don’t get in the way of work talaga. May pagkakerengkeng at makati rin talaga ang versatile singer na ito na may pagkahiram na mukha, di ba?

HOT STORIES

Basta, kung anuman… sana, masaya siya!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Versatile male singer, nainlab sa gay production staffer na nagma-manage ng kanyang career.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results