Watch Now

Mac Cardona, sasabak sa showbiz; kumusta ang kontrobersiyang kinasangkutan noon?

by PEP Troika
Apr 5, 2022
Mac Cardona
Mac Cardona: "I think tapos na po ako sa basketball career ko po. Kaya ngayon, parang try ko namang maging artista."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Mag-aartista na si Mac Cardona, na dating basketball player ng GenSan Warriors at San Juan Knights sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Dati rin siyang PBA player.

Kasali si Mac sa cast ng psychological thriller film na Tahan, kung saan bida sina Cloe Barreto, JC Santos, at Jaclyn Jose.

"I think tapos na po ako sa basketball career ko po," sabi ng 40-anyos na si Mac sa storycon ng Tahan nitong Abril 4, 2022, Lunes sa Music Box, Timog Avenue, Quezon City.

"Kaya ngayon, parang try ko namang maging artista. Kasi, lahat naman kaming mga basketball player, gusto naming mag-artista noong player pa kami.

"Hindi namin magawa, kasi, yung time management namin, hindi puwede dahil mas focused kami sa basketball kesa sa pagiging artista.

"So, ngayon na wala na ako sa basketball, ipo-focus ko naman ang sarili ko na maging artista."

So, bale fallback niya ang showbiz?

Tumango si Mac, "I think so po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makulay ang buhay ni Mac, puwede sa drama anthology na Magpakailanman o Maalaala Mo Kaya.

Noong 2018, naaresto siya dahil sa diumano'y pisikal na pananakit sa ex-girlfriend.

Noong 2021, naaresto naman siya nang makasuhan dahil sa parking brawl na kinasangkutan noong 2020.

Kumusta na siya?

"I think OK na po ako ngayon compared before po," malumanay na tugon ni Mac.

May kaso pa ba siyang kinakaharap kaugnay sa mga episode before ng buhay niya?

"Meron po pero ano naman po, naaayos naman po. Wala naman po talaga akong criminal case," saad ni Mac.

"So, yung problema naman po na yun ay nadadaan po sa usapan."

Mainit ngayong iyong isyung bugbugan nina Kit Thompson at Ana Jalandoni.

Ano ang pananaw niya sa usaping iyon, lalo pa’t parang napagdaanan niya ang ganoong sitwasyon?

"Sa tingin ko po, lahat po ng nangyayari po sa akin, may purpose po talaga iyan," matamang sabi ni Mac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro po, iyong pinagdaanan ko sa buhay, lahat, mga isyu ko… siguro, eto po ang destination ko ngayon—pagiging artista po siguro."

Ano ang expectation niya sa showbiz? Ano ang gusto niyang mangyari sa bago niyang career?

"Kung ano po yung role na ibigay sa akin, gagawin ko po. Gagawin ko po yung makakaya ko na akting.

"Yung character ko po, ibubuhos ko po. Kung ano yung character ko po sa movie."

Ano ang maipapayo niya kay Kit Thompson?

Natawa si Mac, "Ahh… well… ang pagmamahal po talaga, pag sobrang mahal mo ang tao, medyo pagka grumabe dun, mapu-push mo ang sarili mo pagka may nakita ka na maghihiwalay kayo. Or may pinag-aawayan kayo, di ba?

"Or may nakita kang ibang… ayun… hindi ko alam kung ano talaga ang totoo sa kanila."

Pag sobrang pagmamahal, toxic din? "Ahhh, tingin ko po, kumbaga…"

NOEL FERRER:

Naku, marami nga yatang hugot si Mac Cardona na puwede niyang magamit ngayong nasa showbiz na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana after Mac, mag-showbiz na rin ang mga dati pang bagay mag-artista na kaibigan nating sina Simon Atkins at Wesley Gonzales!

Game na!!!

GORGY RULA:

Magkaibigan si Mac at ang producer ng 3:16 Media Network.

Biniro lang daw ni Mac si Lyn na isama naman siya sa pelikulang pinu-produce nito.

Since retired na si Mac sa basketball, gusto naman daw niyang subukan ang showbiz dahil may dugong showbiz daw siya.

"Gusto ko maiba naman. Challenge to sa akin e.

"Ever since naman may dugong artista naman kami. Ang kapatid ko, nag-aartista din. Ang nanay ko, nag-artista din nung bata.

"Saka gusto ko rin ang mga anak ko, balang araw, baka gusto nilang mag-artista rin. Nakita nila yung daddy nila na nag-basketball na. Try ko naman mag-artista, di ba?" pahayag ni Mac.

Pagdating sa isyu niya sa dating karelasyon, naayos naman daw at okay na raw sila para sa kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasundo silang mag-co-parenting.

"Okay naman kami. May communication kami with kids. Tapos na yung case na yun.

"Family problem naman yun, e. Nakita niyo naman, okay na kami," sabi pa ni Mac.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mac Cardona: "I think tapos na po ako sa basketball career ko po. Kaya ngayon, parang try ko namang maging artista."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results