Watch Now

Direk Neal “Buboy” Tan, naka-relate sa naranasan ni Ana Jalandoni kay Kit Thompson

by PEP Troika
Apr 7, 2022
neal tan ana jalandoni
Direk Neal "Buboy" Tan when asked if Ana Jalandoni should continue to file a case against Kit Thompson: "Halos ikamatay mo na, di ba?! Kahit magulang mo pa yung nanakit sa ‘yo, dapat panagutan sa batas. E, di naman niya magulang yun! Love niya yun, ilang months pa lang sila, di ba?" Tan is the director of Ana's debut movie, Manipula.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Naka-relate si Direk Neal “Buboy” Tan sa naranasan ni Ana Jalandoni kay Kit Thompson.

Read: Ana Jalandoni in tears as she tells how Kit Thompson hurt her badly in March 17 fight: “Mamamatay ako dito kapag di ako tumakas."

Hindi naman daw siya nabugbog ng boyfriend niyang hunk actor before, pero muntik na rin siyang mapatay nito.

“Ay, grabe! Kilala niyo, artista rin!” namimilog ang mga matang sambit ni Direk nang makatsikahan namin matapos ang ribbon-cutting ceremony ng AQ Prime office nitong Abril 6, 2022, Miyerkules ng hapon, sa Roces Avenue, Quezon City.

“Tinutukan ako ng baril. Kasi, under influence ng drug… Hindi naman ako jinombag. Tutok lang. Out of jealousy rin.”

Ngayon ay napagtatawanan na lang ni Direk Neal ang nasabing episode kung saan muntik na siyang matigok.

“Kaibigan ko pa rin naman siya ngayon. Until now, nagkakausap pa rin kami… alam niya,” pagngiti ni Direk Neal na magkahalo ang tamis at pait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-provoke ko lang yata siya noong time na yun…”

Si Direk Neal ang nagdirek ng launching film ni Ana na Manipula, na ikinakasa na sana ang streaming noong Marso. Si Ana mismo ang nagprodyus ng nasabing pelikula.

Leading man ni Ana sa Manipula si Aljur Abrenica, at kasama sa cast sina Rosanna Roces, Christian Vazquez, Kiko Matos, Marco Alcaraz, at Mark Manicad.

“The last time na nagkasama kami ni Ana was yung preview namin ng Manipula dun sa Cubao. Last month lang yun, bago nangyari yung incident,” lahad ni Direk Neal. “Pinalakpakan niya yung movie. Sabi niya, ‘Mag-Part 2 na tayo!’

“Nung mag-preview kami, nagtataka ako, hindi niya kasama si Kit. Siguro, may shooting pa. So, nagulat na lang ako, nangyari yun.

“Nag-send ako ng message sa kanya noon, kinumusta ko siya, at nag-reply naman siya.”

Ano ang maipapayo niya kay Ana? Sa tingin ba niya, tama lang na kasuhan nito si Kit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napailing si Direk Neal, “Kahit naman sa bading mangyari yun, di ba, ano yun? Ahhh… dapat panagutan yun.

“Kasi nga, kahit magulang mo, puwede mong kasuhan kapag sinasaktan ka, di ba?

“Halos ikamatay mo na, di ba?! Kahit magulang mo pa yung nanakit sa ‘yo, dapat panagutan sa batas. E, di naman niya magulang yun!

“Love niya yun, ilang months pa lang sila, di ba?

“Pero I’m sure, magkakapatawaran din iyan in the end. Kasi nga, nandun pa rin yung love.

“And knowing Kit, super in love lang talaga kay Ana kaya niya nagawa yun.”

Siyanga pala, idinirek ni Direk Neal para sa AQ Films ang BL movie na Bingwit, kung saan wagas ang hubaran at harutan ng tatlong bida na sina Krista Miller, Drei Arias, at Conan King.

NOEL FERRER

Kahit saang anggulo tingnan, hindi justified ang violence.

Magkapatawaran man, magsilbi nawang aral ang kaso nina Ana at Kit na hindi dapat nagkakasakitan ang mga taong nagmamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Marami ang nakaka-relate sa kuwento nina Ana at Kit. Inaabangan kung ano ang kahahantungan ng isyung ito.

Ang Anti-VAWC pa lang ang naisampang kaso ni Ana, at wala pang desisyon mula sa piskalya kung iaakyat din ba ang ibang kaso.

Kung sakaling nasa korte na ito, hindi na magsasalita ang mga taong involved.

Read: Kampo ni Ana Jalandoni, posible ring kasuhan si Kit Thompson ng serious illegal detention at frustrated homicide

Ang mga tanong na nakakarating sa amin ngayon, paano na ang career ni Kit? Tuloy pa rin kaya ang iba pa niyang projects?

Bahagi siya ng Flower of Evil nina Lovi Poe at Piolo Pascual, at madami-dami na rin daw ang nai-tape nito.

Kailan ipapalabas yung movie nila ni Maureen Wroblewitz na Runway, at yung digital series nila ni Herlene Budol aka Hipon Girl na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask?

Si Ana naman ay gusto munang mag-focus sa kasong isinampa niya laban kay Kit, pero hindi pa nila napagdesisyunan kung ipalalabas na ba ang pelikulang Manipula na iprinodyus ng sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas dadami kaya ang mga projects na iaalok kay Ana?

Sabi naman ng ilang taong malapit sa aktres, mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang mga negosyo.

Nagpapasalamat si Ana sa mga taong sumusuporta sa kanya at nangakong nandiyan lang sila habang ipinaglalaban niya ang kaso laban kay Kit.

Samantala, hindi ko alam kung dala pa rin ng pandemya o init ng panahon kaya naibabahagi pa sa social media ang pagiging bayolente ang pag-aaway ng ilang celebrities.

Kagaya nitong kay Baron Geisler na may kumalat na video na sinabuyan siya ng tubig na may yelo ng kanyang asawa.

Tila may pinag-aawayan sila kung saan nagsasalita ng Cebuano ang kanyang asawa, at bigla na lang niyang ibinato kay Baron ang plastic na may laman na tubig at yelo.

Sinabi ni Baron kung sino kaya ang dapat na ipapa-rehab. Sinubukan kong kontakin ang aktor para mahingan ng pahayag, pero ayaw niyang sagutin ang aking text at tawag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Neal "Buboy" Tan when asked if Ana Jalandoni should continue to file a case against Kit Thompson: "Halos ikamatay mo na, di ba?! Kahit magulang mo pa yung nanakit sa ‘yo, dapat panagutan sa batas. E, di naman niya magulang yun! Love niya yun, ilang months pa lang sila, di ba?" Tan is the director of Ana's debut movie, Manipula.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results