Watch Now

Sofia Pablo, nawindang sa timeline kung kailan siya liligawan ni Allen Ansay

by PEP Troika
Apr 8, 2022
Allen Ansay, Sofia Pablo, Raya Sirena
"Natawa lang ako kasi, ang lahat na naririnig ko, siguro mga 21, 22, 23. Nagulat nga po ako na 30?" ang nawindang na hirit ni Sofia Pablo sa pahayag ni Allen Ansay na manliligaw ito pag 30 years old na ang Kapuso actress.
PHOTO/S: @itsmeallenansay Instagram

GORGY RULA

Ipinagkatiwala ng GMA-7 at Regal Entertainment, Inc. sa Sparkle loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay ang ginawa nilang mini-series na mapapanood sa Regal Studio Presents.

Dati ay wakasan ang napapanood tuwing Linggo, pero simula sa April 24, 2022, isang mini-series ito kung saan itutuloy nila ang kuwento ni Raya Sirena na ipinalabas noong Setyembre 2021 sa naturang programa.

Panibagong challenge ito sa love team nina Sofia at Allen na sinubaybayan ng fans sa hit Kapuso prime-time series na Prima Donnas.

Sa mediacon ng Raya Sirena mini-series, sinabi ni Sofia na may tiwala ang magulang niya kay Allen.

"Most of the time, si Mommy, nandun lang siya sa standby dahil may tiwala naman siya kay Allen. Usually, pag gabi, pagod na rin si Mommy. Tapos sabihin niya, 'Allen, ikaw na bahala, ha?'

"Hindi naman po siya naghigpit talaga. Actually, okay na okay po siya with Allen," pahayag ni Sofia sa mediacon ng Raya Sirena noong Huwebes, April 7, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa raw sa isip nila ang ligawan, dahil magsi-16 pa lang si Sofia sa April 10, at si Allen naman ay 18 pa lang.

Mas gusto raw muna nilang mag-focus sa trabaho, at siyempre, kailangang may mapatunayan ang kanilang love team dito sa Raya Sirena.

"Siguro, sa tamang edad po," pakli ni Allen nang tinanong namin kung kailan niya balak ligawan si Sofia.

Medyo nawindang lang si Sofia sa sagot ni Allen na baka kapag 30 years old na raw sila, saka niya liligawan ang young actress.

"Natawa lang ako kasi, ang lahat na naririnig ko, siguro mga 21, 22, 23. Nagulat nga po ako na 30?" bulalas ni Sofia.

"Yung 30, kasal na yun," tila natatarantang sagot ni Allen.

"Sabi ko nga po kay Sofi, kung sakaling nasa tamang edad na siya, at least nakikilala na namin ang isa’t isa.

"Basta maano namin ni Sofi na successful na kami sa mga pangarap namin, e, kahit anong age po ‘yan. Basta okay lang po lahat," dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Liligawan ni Allen si Sofia pag 30 years old na siya, o pag 30 na si Sofia? Either 10 or 12 years from now?

Baka naman wala talagang balak manligaw si Allen kay Sofia, ‘no?!

At least… safe si Sofia kay Allen. Career muna ang focus dapat nila.

Yung Prima Donnas kasi, kabog sa Little Princess. Hindi ganun kalakas.

Let’s wait and see kung aariba sa ratings itong mini-series na Raya Sirena.

NOEL FERRER

Sabi ng GMA First Vice President for Program Management na si Joey Abacan, susubukan nila sa Raya Sirena na mag-mini series sa Regal Studio Presents.

Baka susubukan din nila ang iba pang fantasy movies ng Regal, o kahit ang iba pang pelikula na gagawin nilang mini-series.

"Marami akong nire-request from Roselle na materials na puwede nating gawing mini-series," tukoy ni Abacan sa Regal Entertainment CEO na si Roselle Monteverde.

Dagdag niya, "Not necessarily the same timeslot. This is an experiment lang muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung ibang mga napag-usapan namin ni Roselle, yung ibang mga pelikulang nagawa nila in the past… sa totoo lang, not only the fantasy, but we also look for the other genre."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Natawa lang ako kasi, ang lahat na naririnig ko, siguro mga 21, 22, 23. Nagulat nga po ako na 30?" ang nawindang na hirit ni Sofia Pablo sa pahayag ni Allen Ansay na manliligaw ito pag 30 years old na ang Kapuso actress.
PHOTO/S: @itsmeallenansay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results