Watch Now

Magandang aktres, nabukelyang may video ang dyowang aktor na may kahalikang gay benefactor

by PEP Troika
Apr 8, 2022
blind item actress and actor
Magandang aktres, tinalakan ang gay benefactor na nali-link sa dyowa niyang aktor. Pero dahil sa insidente, mas ikinaloka ni magandang aktres ang natuklusan tungkol sa innocent-looking boyfriend niya.

GORGY RULA

Ang tindi pala ng pagmamahal ni magandang aktres kay guwapong aktor na umabot sa pakikipag-away ng magandang aktres sa isang mayamang bading na pinagdududahan niyang dyowa ni guwapong aktor.

Nang napabalita ang relasyon nina aktor at aktres, may mga nag-Marites kay magandang aktres na kesyo may mayamang dyowang bading itong boyfriend niya.

Kinulit-kulit ni aktres si aktor, at napadalas ang kanilang away.

Hanggang sa nakarating kay aktres kung sino itong mayamang bading na nagki-claim na dyowa ang guwapong aktor.

Nagkatawagan at nakipagtalakan si magandang aktres kay mayamang bading.

Hanash ni magandang aktres, walang matinong lalaki na makikipagseryoso kay mayamang bading. Iiwan at iiwan daw ito ng lalaki, at pipiliin ay babae.

Sa irita ni mayamang bading, ipinadala niya kay magandang aktres ang isang video kung saan nagpu-propose sa kanya itong si guwapong aktor.

Ang drama ng eksena, may pabulaklak at mangiyak-ngiyak si guwapong aktor na nagpapahayag ng pagmamahal kay mayamang bading, at hinahalik-halikan niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo kaya ang eksenang proposal o laro-laro lang? Nalukring si magandang aktres! Matinding away ang nangyari na humantong sa hiwalayan nila ni guwapong aktor.

Sa aming pagkakaalam ay nag-away rin si guwapong aktor at ang mayamang bading.

Hindi ko na inalam kung nagkahiwalay na rin sila, at kung nagkaayos na ba sina guwapong aktor at magandang aktres.

Hindi ko lang sure kung nagkabalikan na ba sila.

JERRY OLEA

"Ooyy! Lumaban si papa, matapang, oyy! Lumaban si papa, matapang, Aaaww!

"Laban-laban, o bawi-bawi! / Laban-laban, o bawi-bawi!"

Patok na patok noon ang kantang "Bakit Papa" ng SexBomb Girls para sa “Laban o Bawi” segment ng noontime show na Eat Bulaga.

Applicable maging sa pag-ibig ang awit, lalo na sa magkasintahang away-bati. Ilalaban pa ba nila ang relasyon, o magbabawian na ng sumpaan ng kanilang mga puso?

"Bakit papa, binawi mo pa / Ang pag-ibig mo sa akin / Ayaw na ba sa aking beauty / Kayo ngayon ako'y sawi, Aaaw!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dati-rati ang sweet-sweet natin / Oras-oras ika'y nasa 'kin / Bakit nga ba pinaasa-asa / Kaya ngayo'y naloloka! Aaayy! ...

"Laban-laban, o bawi-bawi / Laban-laban, o bawi-bawi!"

Ang mayamang bading ay sponsor ni guwapong aktor. Niregaluhan ni mayamang bading ng mga alahas ang guwapong aktor.

Nang mag-away sila, ipinabawi ni mayamang bading ang mga alahas sa pamamagitan ng isang matikas na basketbolista, na sabi-sabi’y ka-charotingting din niya.

Bukal sa loob na isinauli ni guwapong aktor ang mga alahas. Nakarating iyon sa kaalaman ng magandang aktres.

Sa pagitan ng magandang aktres at mayamang bading, sino ang mas may karapatang umawit ng…

"Ako ang nagwagi / Naitago ko ang damdamin kong sawi / Sino'ng magsasabing ito nga'y mali / Kahit alaala ka bawat sandali?”

NOEL FERRER

Naku, parang baptism of fire ni magandang aktres ang pangyayaring ito. Ipaglalaban ba niya ang pag-iibigan nila ni guwapong aktor or she will set him free?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung tutuusin, baka hindi lang yung mayamang bading na iyon ang pagseselosan ni magandang aktres kundi ang marami pang ibang kabarangay na nakatikim na kay guwapong aktor.

Tingnan natin kung saan hahantong ang adventures ng sexy pero innocent-looking na aktor.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magandang aktres, tinalakan ang gay benefactor na nali-link sa dyowa niyang aktor. Pero dahil sa insidente, mas ikinaloka ni magandang aktres ang natuklusan tungkol sa innocent-looking boyfriend niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results